CHAPTER 1

29 1 0
                                    

CHAPTER 1

LUNA'S P.O.V

"MS. KHEILLE LUNA SIERVO!!" Ohw, that's me... and that's my Professor's voice.

Madiin na pag-kakasigaw ng Prof. ko sa napakaganda kong pangalan. Hindi ko pa man tuluyan naiiaapak yung paa ko sa loob ng classroom ito na yung bumungad sa akin. Isang magandang pag-bati mula sa Prof. ko HEHEHE.

"Y-yes po Miss?"

"Wala ba kayong orasan sa bahay ninyo para hindi malaman ang oras? Ano na namang idadahilan mo ngayon kung bakit ka late?" Mababakas ang pag-kainis sa tono ng boses nito.

"K-kasi po Miss ay-"

"Ms. Reyes, pinapatawag po kayo sa office ni Dean. Pinapupunta niya po kayo ngayon." Hindi ko na nagawang tapusin yung sinasabi ko nang biglang dumating si Nash.

Yes naman, Nash ang ganda ng timing mo. HAHAHA. Thanks to Dean din at pinatawag niya si Miss. HAHAHAHA

"Bakit daw kamo?"

"Hindi po sinabi kung bakit po pero mukha pong urgent."

"Sige, Salamat. Papunta na ako." Tugon nito kay Nash at umalis ma run agad ito. At saka naman ito bumaling ng tingin as akin. "At ikaw, papalagpasin muna kita ngayon pinapatawag lang ako ng Dean pero...PERO!
Pero pag inulit no pa na malate sa klase ko sa harap ka na ni Dean mag-paliwanag. Nakakaintindihan ba tayo Ms. Kheille?"

"Opo Miss, naiintindihan ko po..." sabi ko. "Mas malinaw pa sa plastic labo..." bulong ko pa.

"May sinasabi ka pa ba?"

"Wala na po Miss, ang sabi ko po punta na po kayong office."

"Sige na, pumasok ka na." Huling sabi nito bago umalis.

"Grabe pinapapangit ni Miss ang pangalan ko eh! HAHAHA" Sabi ko kay Ai habang papasok.

"Next time kasi agahan mo na. Kung pwede lang unahin mo yung guard eh nang hindi ka na napapag-initan ni Miss." Tugon as akin ni Ai.

"Oo na po." Tugon ko habang binababa ang bag ko. "May transferred kasi, hindi niya alam pasikot-sikot pa dito kaya inassist ko siya."

"Transferred?"

"Oo, babae. Nalimutan ko name niya. 1st year lang din siya pero sa ibang Department siya."

"Anong Department?"

"Teacher's Department ata yun. Ewan ko. HAHAHA"

"At ewan ko rin sayo. HAHAHA" Sagot nito.

Mga ilang saglit ng may pumasok na lalaki sa loob ng classroom at tumahimik ang lahat. Naka-uniform siya tulad ng sa mga Professor namin and ngayon lang namin siya nakita dito. Siguro bago lang siya dito.

Lumapit siya sa may table sa unahan at ipinatong doon ang mga papers na hawak niya kanina at saka ito bumaling ng tingin sa aming lahat.

"Good Morning Class." Bati nito. Ang ganda ng boses.

"Good Morning Sir."

"I am Mr. Dean Zyrus Villareal. Ang bago niyong magiging Prof. sa dito sa subject na ito at sa iba pa. Nagpalit na kami ng schedule ni Ms. Reyes sa inyo. Ako na ang first ang second subject niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, Sir."

"Good." Nagsimula na siyang.i-discuss yung lecture ngayon. Nag lakad-lakad siya sa unahan habang nag sasalita.

Taray naman, ang ganda niyang lumakad. Siguro nag-modeling si Sir noon, para kasing model kung lumakad. Well, hindi naman nakakagulat kung nag-model siya noon, may itsura rin naman kasi. Matangkad. May pagka-Moreno. Broad shoulder. Bagong gupit. May makapal na kilay. Maganda din ang mata. Infairness, matangos ang ilong. Don't get me wrong hindi ko sinabing pogi siya ang sabi ko lang may itsura rin naman kasi siya. Magkaiba 'yun. And, hindi ko siya tinititigan ah, tinitingnan ko lang. Magkaiba rin 'yun. Huwag kayong mag-imagine ng kung ano-ano ah, hindi ako nakatitig sa kaniya. Hindi talaga. AS IN HINDI TALAGA! Last, At saka... may kissable lips- STOP KHEILLE!! STOP!!

Panigurado may girlfriend ito. Maganda siguro girlfriend nito. Imposibleng wala itong jowa, pag ito walang girlfriend papasok na akong maaga, never na akong malelate. Puntahan tayo. Teacher or Prof. din kaya ang girlfriend niya? Ilang taon na kaya si Sir? Mulhang bata pa. Siguro na 27 or 28 na ito pero an itsura niya mukhang mas bata pa doon.

"Well that's all. May questions ba kayo? Naintindihan niyo ba yung topic ngayon?"

WHAT?! Tapos na?! Seryoso?! 'Di nga?!

"Wala naman pong question Sir, naintindihan naman po namin" Tugon ng isa kong kaklase. At saka ako tumingin kay Ai at kinalabit ito.

"Psst Ai, tapos na mag-lecture si Sir?" Hindi makapaniwala na bulong ko sa kaniya.

"Oo." Nagtatakang sagot nito sa akin. "Hayst Kheille, saan na naman ba lumipad ang utak mo? Huh?"

"Sorry na."

"Okay Class, see you next meeting. Good Bye."

"Good Bye Sir." Ngumiti siya sa lahat at saka lumabas.

"Hoy, ikaw babaita?!" Baling ni Ai sa akin matapos mag-ayos ng gamit. "Ikaw palagi ka na ngang late, never ka na ngang pumasok ng maaga or on time-lutang ka pa?! Ano bang iniisip mo at iyang utak mo iyan ay lumilipad?!" Sita niya sa akin.

"W-wala-"

"Wala? Agang-aga sabog ka girl." Sabi pa nito na nakakunot ang noo. "Alam tara at kumain muna tayo. Baka gutom lang iyan. Tara na."

"Libre mo?" Sabi ko sabay ngisi.

"Kapal! Mukha mo! Tantanan mo ko."

"Kuripot. HAHAHAHAHAHA"

"I-text mo na si Nash, tanong mo kung wala siyang klase ngayon, sumabay na siya sa atin. Sa kaniya ka na lang mag-palibre."

"Oo na?! Makapagutos ito?!" Reklamo muna bago ko i-text si Nash.

To: Nash
Hoy, may klase ka pa? Tara kain tayo, libre mo ako HAHAHA. Sumabay ka na daw sa amin ni Ai.

"Okay na, na-text ko na."

"Anong sabi?"

"Anong 'Anong sabi' ? Kakatext ko lang uhy! Adik ito ahy!"

1 New Message

"Oh, ito na nag-reply na babasahin ko lang. HAHAHA"

From: Nash
Wala na. Papunta na ako. Mayayari na naman wallet ko sa'yo.

"Ano daw?"

"Papunta na daw. Wala na daw siyang klase."

To: Nash
Yiee HAHAHAHA. Bilisan mo.

♡♡♡

KHEILLE LUNA SIERVO Where stories live. Discover now