CHAPTER 2

17 1 0
                                    

LUNA'S P.O.V

"Nakapili ka na ba ng kakainin mo?"

"Pipili pa lang."

"Sige, pumili ka na."

   Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Nash mang-lilibre. Nanglilibre naman siya pero hindi ako. Ngayon niya lang talaga ako ililibre. May pagkakuripot itong taong ito rin eh. Isang kuripot ililibre ang isang matakaw at malakas kumain?! Huh?!
(Para sa akin mag-kaiba ang matakaw at malakas kumain HEHEHE.)

"Ito, ito pa at saka ito at ito pa pala—." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag-salita si Ai.

"Yung totoo, bakit hindi mo na lang sabihin na lahat ng nasa menu ang gusto mo?" Sabi nito at sabay irap pa. "Hindi yung pinapaghirpan mo pa yung sarili mo na magturo. Tch!" Dagdag pa nito.

"Alam mo nakakapansin ako. Bakit ang taray taray mo sa akin today? Kanina ka pa ah?! Nakakailan ka na sa akin ngayong araw girl ah."

"Hoy para sabihin ko sa'yo hindi ako magtataray mg walang dahilan hindi ako katulad mo ano?!" Pagsusungit nito.

"Ewan ko sa'yo."

"Ewan ko din sa'yo"

"HAHAHAHAH" si Nash

>_>---<_< kami ni Ai.

"Alam niyo girls, humanap na lang kayo table para sa atin ako na bahala dito. Sagot ko na foods niyo."

"Hay naku, ako na lang bibili ng pagkain ko, baka wallet mo ang mangayayat nan. Mananaba ang isa diyan pero ang wallet mo ang mangangayayat." Parinig ni Ai sa akin at tumgin pa.

"Abuhh–"

"Tama na iyan. HAHAHA. Lakad ako na bahala dito." Sabi nito at saka bumaling kay Ai. "Libre na rin kita Ai. Don't worry, sagot ko kayo today kaya lubusin niyo na baka last na ito. HAHAHAHA."

"Bahala ka nga. Tara na nga Luna."

"Lakad na. Baka magalit na naman iyon. HAHAHA." Bulong ni Nash.

"Okii lang iyon. Sanay na ako. Saka mukhang menopausing na ata yung babaeng 'yun." Bulong ko rin sa kaniya at sabay kaming tumawa.

♡♡♡

LUNA'S P.O.V

"Sinong sunod natin na Prof.?" Tanong ni Ai habang nag-aayos kami. Kakatapos lang namin kumain at nag-reready ma kami

"Si Sir. Alcones pero balita ko nag-resign na iyon baka pinaltan na ni Sir. Villareal." Sabi ko.

"Nag-resign na si Sir. Alcones?" Tanong ni Ai.

"Oo, nung nasa office kasi ako mag-uusap sila Dean at Mr. Alcones, pinag-uusapan nila yung Prof. na papalit sa kaniya which is si Sir. Villareal." Paliwanag ko.

"Ahh okii, oh siya bilisan na natin." Sabi ni Ai.

  Matapos na kaming nag-aayos nag-punta na kami sa room. Pag-dating namin may mga ilang students na rin. Miyamiya dumadami na rin ang mga students na dumadating at unti-unti na ring umiingay ang buong room.  Mga ilang minuto pa na lumipas dumating na ang Prof. namin. Si Sir. Villareal. 

"Good Morning Class."

"Good Morning Sir."

"Okay. Uhm, bago lang ako sa paningin niyo kaya mag-papakilala ako. I am Mr. Dean Zyrus Villareal. Ang magiging Prof niyo sa subject na ito. Si Mr. Alcones ay pinadala sa ibang university kaya ako ang pumalit sa kaniya, kaya ako ang magiging Prof niyo na sa lahat ng subjects niya. By the way galing lang din sa ibang branch ng school natin. I am from Manila, doon po sa main branch ng university. " Pag-papakilala nito sa lahat at ngumiti.  "Uhm, pwede ba kayong mag-pakilala isa-isa? Mag-start tayo mula sa'yo" Turo niya kay Ashley.

"Ashley Mae Lopez. Ash for short"

"James Natividad"

"Elaika Jhane Cruz. Ejhane na lang"

"Cathrine Hernandez." Pag ipapakilala ni Cath na agad namang sinundan ng iba kong kaklase.

"Allyria Izhelle Montafelco, but you can call me Ai."

"Nashville Fuentes. Nash for short."

"Kheille Luna Siervo. Kheille na lang po."  Pag papakilala ko. Sabay ngiti.

"Okay, since nakapagpakilala na naman ang lahat... Let's  start." At gaya ng sinabi niya nag-simula na siyang magturo and this time makikinig na talaga ako.  Nag tatawag din siya ng mga students para sumagot and marami naman ang sumasagot. Isa ako sa mga natawag and syempre nakasagot naman ako at tama naman daw ang sagot ko. "Correct." Sabi nito sa akin at sabay sabi ng... "Sit down." At ngumiti sa akin.

"Mukha namang naintindihan niyo yung topic ngayon. May questions pa ba kayo?" Sabi nito sa lahat. "Kung wala na, okay class dismiss." Sabi si Sir pero hindi pa siya rin umalis dahil inaayos niya pa yung mga gamit niya.

Nagsimula na din na mag-alisan ang ibang mga students pero yung katawan ko parang gusto pang magpaiwan sa room. Sila Ai and Nash nag-simula nang humakbang papalabas at ako naman hindi ko na namamalayan na pasimple na naman akong nakatingin kay Sir. Pinagmamasdan siya habang inaayos yung gamit niya. Pinagmamasdan kung paano napaltan yung mga ngiti niya ng seryoso.

Pogi pa rin siya kahit seryoso yung expression niya pero mas pogi siya nung ngumiti siya kanina lalo na nung ngumiti siya sa akin.

What? Ano ba Kheille? Ano bang iniisip mo?  Kanina ka pang ganan! Tama na, okay?! Hindi na maganda iyan. Sabi ko sa sarili ko.

"Kheille, ano ba? Kanina ka pa diyan eh! Napakatagal mo naman ehy?! Bilisan mo na!" Siguro kilala niyo naman na kung sinong nag-sabi nito? Yes, tama po kayo, ang mataray na si Ai po 'yun.

"Ito na sorry na naman! At saka pwede ba 'wag ka naman ng sigaw ng  sigaw? Pwede ba?!"

"Try mo kayang bilisan? Kaninang kanina ka pa lutang at nakatulala! Nag-aadik ka ba?"

"Ikaw ata ang adik. Kanina ka pa sigaw ng sigaw!"

"Ano ba kasing iniisip mo at kanina ka pa tulala?" Sabi nito nung makalabas na kami sa room.

"Iniisip ko kung paano patatahimikin 'yang bunganga mong 'yan—Arayy!" Hindi ko na nagawang tapusin yung sinasabi ko dahil binatukan ako ni Ai. Kahit kailan napaka sadista.

"Tara na!"

"Oo na!"






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KHEILLE LUNA SIERVO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon