Sweet girl's Diary

22 4 3
                                    

Sunday, July 18 2021         2:26 am 

Wala na atang mas sasakit sa pakiramdam na naturingan ka pa man ding nagsa-salba ng buhay ng iba pero yung taong mahal mo hindi mo nagawang isalba!

Ako si Guillianna Santos ang magandang chix na bebeloves ng boyfriend kong si Levi Quezon ang kaisa isang shawty ko, wala nang iba kaming dalawa lang forever at naka-sulat yon sa punong mangga sa dati naming bahay. Pag nag-hanap siya ng iba o iniwan niya ko kotong siya sakin mga bente may kasama pang mag-asawang sampal, mag-kababata kaming dalawa 5 years old kami noong unang kaming magka-kilala umupa kasi sila sa apartment na pagmamay-ari namin, madalas siyang iniiwan samin ng mama niya kasi busy sa trabaho minsan nga e sa amin pa siya natutulog. 

Lumaki kaming ganon ang set up namin lagi kaming magkasama 24/7 ang dami naming memories as in puro kalokohan, naalala ko pa nung unang away namin ni Levi pano ba naman kasi sabi ko sabay kami uuwi aba hindi man lang ako hinintay inuna pang makipag-laro sa mga tropa niya ayon 1 week ko siyang hindi pinansin kahit alam kong mahirap dahil 24/7 kaming nagkikita at magkasama pero tiniis ko pero bumawi naman siya nag effort naman mag-sorry si Levi non kaya napilitan akong pansinin siya non.

Pero isang araw pag-gising ko nagulat nalang ako na may ibang taong naglilipat ng gamit sa bahay nila Levi wala na sila don at wala din si papa sa bahay non naka-ilang ulit naman akong taong kay mama kung nasan sila pero hindi niya ako sinasagot, lumipas ang buwan hindi na bumalik si papa sa bahay pati sila Levi hindi ko na din siya nakikita sa school or saan mang parte sa probinsya namin tapos nag-deactivate pa siya ng social media's kaya hindi ko na siya mahagilap. 

Sobrang na-down ako non yung tipong hindi ako pumapasok dahil ako nalang mag-isa sanay kasi akong kasama ko si Levi sa kahit na anong bagay na gawin ko pero hindi din natagal yon kasi kinausap ako ni mama at medyo lumalaki na din at nagkaroon na ako ng mga iilang kaibigan non sa school pero palagi ko parin naman siyang naalala lalo na yung mga moment naming magkasama at naka-graduate na ako ng highschool and i decided to continue my studies in manila.

Akala ko magiging okay ako at mas makakakuha ng madaming friend or makakasama sa college pero mali ako mas lalong humirap ang lagay ko dito sa manila dahil sobrang daming break downs and problems ang bumato sakin, natuto akong mag bar para makalimot sa mga deadlines, activities, presentation at iba pang pressure sa med school then isang gabi nag-set ng party yung isang blockmate namin sa isang bar sa bgc dahil kakatapos lang ng finals naming mga med students and we went their with my not so close classmate's and have some fun. 

Nasobrahan ako sa page-enjoy napadami ang alak na nainom ko umiikot na ang paningin ko gawa ng mga ilaw na sumasayaw kasabay ng tugtog, pinilit ko nang lumabas ng bar para umuwi na kahit hilong hilo na ako at nasa sistema ko na ang alak pero wala pa ko sa kalahati ng bar palabas bumuhal na ako at naramdaman ko nalang na may umalalay sakin gustuhin ko man tignan kung sino yon ngunit hindi ko na nagawa dahil nawalan na ako ng malay. 

Nang magising ako kinabukasan isinumpa ko na ang alak dahil sobrang sakit ng ulo ko naka-hawak lang ako sa ulo ko nang i-angat ko ang ulo ko nilibot ko sa buong kwarto ang paningin ko at hindi ako mapakali ng makitang hindi ko kwarto kung nasan ako ngayon, napa-tingin ako sa cabinet na may salamin na nasa right side ko napanatag naman ang loob ko ng makitang yon parin naman ang suot ko inilibot ko ulit yung paningin ko para mag-hanap ng bagay na maka-tutukoy kung kaninong kwartong to pero wala, napa-balingkwas ako sa kinauupuan ko ng biglang may nag-salita mula sa pintong kanina ay naka-sarado, napa-awang ang labi ko at namilog ang mata ko nang makita ko kung sino ang lalaki na ngayon ay naka-sandal sa hamba ng pintuan.

Yes it's Levi Quezon siya yung lalaking nag-uwi sa aking noong gabing yon at siya din ang kababata kong halos ilang taon kong hinanap at muli kaming pinag-tagpo sabi nga ni lola ni dora "sa tamang panahon" simula nung umagang yon hindi na ko iniwanan ni Levi lumipat na din siya sa condo unit ko 24/7 na ulit kaming magkasama at umamin na din siya sa akin ng kanyang nararamdaman para sa akin and he courted me for almost 2 years then i said yes in his 20th birthday after ilang years bumalik muli yung sigla, saya at sipag ko noon. 

Sweet girl's DiaryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz