KABANATA 1

22 3 0
                                    



Anita gising na.


Anita gising na.


Anita gising na.


"Hoy Yumi, tangina! Gising!"


Inalog-alog ni Mira ang kanyang pinsan dahil alas otso na ng umaga at kailangan na nilang pumasok sa trabaho.


"Putang ina! Bubuhusan talaga kita ng tubig 'pag hindi ka pa bumangon dyan!"


"Bunga-nga mo Mira!" inis na hinampas ni Yumi ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan, at muling itinakip ang braso sa kanyang mga mata.


"Hoy! Hindi ka pinanganak sa kahapon na pwede kang gumising sa kahit anong oras! Hindi ka prinsesa dito dzai." umirap si Mira at hinila ang pinsan para bumangon, kanina pa siya pikang- pika dahil ilang minuto na lang, late na sila sa kanilang trabaho.


"Baka!" (stupid) inis na bulong ni Yumi at tuluyan nang bumangon.


"Aba! Gagong 'to ah! Ikaw na nga ginigising ako pa estupido? At 'wag mo akong ma-nihongo, nihongo, dahil parehas tayong haponesa gagang 'to!" nagmartsa pa alis si Mira at iniwan si Yumi sa kwarto nito.


Sinimulan niya nang iligpit ang kanyang pinaghigaan at nagtungo sa palikuran na naruruon din sa loob ng kanyang kwarto. Mabilis na bumagsak sa kanyang katawan ang malamig tubig na dumadaloy mula sa shower, ngunit hindi man lang nabawasan nito ang kanyang mga agam- agam, ne-hindi manlang siya kumalma.


"Nane?" (ano iyon) naguguluhang tanong ni Yumi sa sarili, simula nang magising siya matapos ma-aksidente sa Japan, kung saan siya nag aral ng highschool, ang tanging saklaw lang ng kanyang memorya, ay ang anim na taong pananatili sa japan, ang kaalaman sa pananalita ng nihongo, pagbasa at pag sulat ng hiragana, katagana at kanji ay nanatili, ang pananalita ng Filipino ay netong mga nakaraan buwan niya lang muling naalala.


"Ah! Daitai, demo... wakarimasen." (muntek na, pero hindi ko maintindihan!) hiniwakan niya ang ulo, kanila lamang ay nasa panaginip pa niya ang taong yun, ang taong palaging laman ng kanyang mga panaginip, iba't ibang senaryo, ngunit palagi siya nitong tinatawag, palagi siya nitong ginigising ngunit... sa ibang pangalan.


Isang taon na niyang inaalam kung sino ang taong iyon, kung sino ang taong tinatawag nito bilang siya.


"watashi no taikutsu na yume!"( ang boring ng panaginip ko!) bulong niya at pinagpatuloy na ang pagligo. Nang matapos ay sinuot na niya ang uniform nila sa trabaho. Kalahating araw lang ang kanilang pasok ni Mira dahil may pasok pa sila sa unibersidad. Ito ang unang taon niya bilang kolehiyala sa kursong pang arkitektura.


"Alam mo! Kung hindi lang kita pinsan, at hindi naaawa si mama sa iyo, hindi talaga kita sasamahan dito sa Pilipinas, bukod sa ang init-init dito, nangingitim ang loob ng ilong ko, lalabas lang ako para mamili ng gulay!" paninimulang sermon ni Mira kay Yumi habang nagsasandok ng kanin sa rice cooker.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears after DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon