#WNWChapter10

84.9K 604 37
                                    

Nakahiga na ako sa kama habang nanonood ng pelikula sa aming TV sa kwarto naming mag-asawa. Maaga kasi akong natapos sa trabaho kaya nakauwi rin ako agad. Iyon nga lang ay mag-isa lang ako dahil wala pa si misis at si Jacqi sa bahay. Kaya naghapunan na lang ako mag-isa at nahiga na rito sa kwarto para makapagpahinga na rin.

Nasa kalagitnaan na ako nang pinapanood ko nang mapatingin naman ako sa bintana nang marinig ko na ang pagdating ng sasakyan ni misis sa garahe. Dinig ko rin ang pagbukas ng pinto mula sa sala at ang mga yabag ng mga paang papa-akyat sa hagdan.

"OT ka na naman?" Tanong ko sa kanya nang makapasok na siya sa kwarto.

Tumango naman siya habang kinukuha ang mga pamalit na damit at tuwalya. "Ang dami ko lang tinatapos, hon. Kaya ginabi na ako ng uwi." Sagot niya na hindi man lang ako tinitignan.

Naupo naman ako sa kama para harapin din siya. "Kumain ka na? Ipaghahain kita."

Hinarap na niya ako nang makuha na niya lahat ng kailangan niyang pamalit. Binigyan naman niya ako nang isang ngiti bago sumagot. "Oo hon, nagpa-deliver na lang ako sa opisina. Ligo muna ako."

Tumango na lang ako at sinundan siya nang tingin na pumasok na sa CR. Alas-diyes na rin kasi ng gabi. Baka pagod na rin siya kaya hinayaan ko na lang. Muli akong bumalik sa pagkakahiga sa kama para ipagpatuloy ang pinapanood ko.

Ilang saglit pa ay muli na namang tumunog ang gate, dumating na si Jacqi. Rinig ko rin ang pagbukas ng pinto sa sala at ang yabag ng mga paang paakyat sa hagdan. Sinilip muna niya ako sa kwarto. Nagnginitian kami bago siya pumunta sa kwarto niya.

Ilang saglit pa ay natapos na rin si misis maligo. Tumabi na siya sa akin sa paghiga at sinamahan akong manood ng pelikula. Tahimik lang kaming nanonood. At hindi ako makapag-focus sa palabas. Hindi ko matanggap na ganito na lang ang marriage namin.

Alam mo iyong feeling na magkatabi nga kami pero ang layo-layo na namin sa isa't isa. Iyong simpleng pag-uusap at sagutan na lang namin ay hindi nagtatagal. Mga tipong: kumain ka na? Oo. Kumusta ka? Pagod.

Masakit mang isipin pero mas alam ko pa ang nangyayari sa buhay ni Jacqi kaysa sa buhay ni misis. Hindi naman kami madalas nagtatalik ni Jacqi, siguro isa o dalawang beses sa isang linggo. Madalas pa rin na nagku-kwentuhan lang kami sa sala, lamesa o 'di kaya ay sa garden.

Iku-kwento ni Jacqi ang inis niya sa mga subjects niya, tas ako, bibilhan ko lang siya ng mga desserts para hindi na siya ma-stress. Kapag okay na siya, ku-kumustahin din niya ako sa trabaho ko at kukulitin na lumipat na lang sa kumpanya ng Daddy Jake niya kasi lumalaki na ang business ni Kuya Jake.


Actually, matagal na akong ino-offeran ni Kuya Jake ng posisyon sa kumpanya niya. Medyo nagdadalawang isip nga lang ako kasi ayokong lumabas sa comfort zone ko. Ako 'yong taong nag-i-stay sa mga bagay na nakasanayan. Gan'on siguro kapag lumaki ka sa ampunan.

Saka, mas lalong hindi na ako lilipat ngayon sa kumpanya ni Kuya Jake ganitong may nangyayari na sa amin ng anak niya. Alam kong mapapatay niya ako kapag nalaman man niya ang nangyayari sa amin ni Jacqi.

Maya-maya pa ay pumasok na sa kwarto namin si Jacqi at sumingit sa gitna namin ni misis. Pinasok niya ang katawan niya sa kumot na nakatabon sa katawan ko at tumagilid sa paghiga patalikod sa akin.

"Jacqi," Sambit naman ni Betsy. "Doon ka na sa kwarto mo. Matutulog na rin kami ni Edward."

"Ihhh," Reklamo naman ni Jacqi. "Aalis na lang po ako kapag tulog na kayo. Gusto ko lang may makasama. Ang lungkot sa kwarto mag-isa."

Napabuntong-hininga na lang si Betsy at napa-iling. Hinayaan na lang niya si Jacqi na makigulo sa sa kama namin. Tahimik na lang naming pinanood ang isang pelikula sa TV.

Wet n Wild (Rewritten)Where stories live. Discover now