Pahimakas,

35 1 10
                                    

Pahimakas.
;huling salita. ;huling pamamaalam.

-

Ang oras, kapag nawala ay hindi mo na maibabalik pa.

Hindi ko alam kung kailan ba ako nagsimulang maging masiyadong malalim sa paniniwala tungkol sa mga bagay-bagay pero isa lang ang alam ko, wala akong balak na pagsisihan ang lahat ng oras na mayroon ako kaya ginagawa ko ang lahat ng gusto ko.

"Bebs, di pinayagan ni Sir ang leave mo!" Mabilis na lumapit sa akin ang katrabaho kong si Josie para tapikin ang balikat ko.

Umiling ako at ngumisi. "Edi aabsent ako kung ganoon. Saka isa pa, Vieve 'yon, kasi Genevieve di'ba? Lagi mong pinapabantot ang pangalan ko!"

"Hindi ka talaga mapipigilan ano? Sabagay, nakakapagod naman kasi talaga ang parating lubog sa trabaho." Humalakhak siya. "Beh, alam mo naman na bulol ako sa 'v' kaya pagpasensiyahan mo na."

"Don't worry, sanay na ako. Pero teka, sigurado ka ba na hindi ka sasama sa'kin? Sige na, minsan lang magbabakasyon e."

"Anong minsan? E halos buwan buwan ka atang nagf-file ng leave! Saka gustuhin ko man ay hindi puwede dahil baka masisante ako ni Sir Leo, alam mo naman na elementary na ang anak ko."

"Hindi ka naman sisisantehin noon, isang beses ka lang naman magpapaalam e. Tingnan mo nga at hindi pa 'rin ako tinatanggal hanggang ngayon." Sumandal ako sa upuan at mahinang tumawa.

Tumaas ang kilay niya. "Paanong hindi e gustong gusto ka noon! Iyan nga at ayaw kang payagan mag-leave dahil ayaw niya na mawawala ka sa paningin niya."

"Hindi naman ganoon, tumigil ka nga." Pananaway ko sa kaniya.

"Kunwari nagsasaway pero ang ngiti, abot hanggang tainga." Umirap siya. "Sige at babalik na ako sa desk ko. Mauubos na naman ang oras ko sa daldalan natin kahit alam kong hindi ka naman papapigil sa pag-alis mo. One week ka sa Sagada di'ba? Ingat ka roon! Sana pagbalik mo ay ikakasal ka na. Mas mabuti sana kung kay Sir Leo para mabawasan naman ang init ng ulo noon sa araw-araw."

Mabilis ko siyang binato ng tissue at tatawa-tawa naman siyang lumayo sa akin. Umiling ako at saka tahimik na ngumiti. Alam ko naman na may gusto nga sa akin si Sir Leo. Hindi naman kasi ako manhid para hindi mapansin na iba ang pakikitungo niya sa akin kumpara sa iba.

Kilala si Sir Leo na masungit at strikto sa trabaho. Tingin ko ay tama lamang iyon dahil malaki ang responsibilidad niya rito sa kumpanya. Hindi rin naman biro ang trabahong nakaatas sa kaniya kaya para sa akin ay mas mabuti ngang nakikita siyang seryoso at dedikado sa trabaho.

Gwapo siya. Tuloy at hindi na nakakagulat na marami rito sa trabaho ang nagkakagusto sa kaniya. Tahimik siya at parating nakakunot ang noo na para bang malalim ang iniisip. Tingin ko nga ay mas nakadagdag pa iyon sa charm niya dahil karamihan ay mas nahuhumaling sa mga ganoon. Misteryoso daw kasi.


Halos limang taon na ako rito sa trabaho pero kailanman ay hindi ko siya nakitang nakipag-usap sa iba kung hindi naman tungkol sa trabaho. Bilang lamang sa daliri ang mga taong nakatinginan niya at halos lahat sa mga iyon ay nagsabing mas mabuti na raw na hindi nila nakasalubong ang titig niya dahil nakakakaba at nakakatakot.

Iyon ang hindi ko maintindihan.

Madalas kaming nagkakatingin ni Sir Leo dahil nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin minsan pero kailanman ay hindi ako nakaramdam ng kaba at takot roon. Ang mga mata niya ay parating malambot ngunit misteryoso. Kung minsan nga ay parang nahuhumaling akong alamin kung ano ba ang mga nakatago sa likod noon.


Pahimakas.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora