Sela's Pov
Its been 17 years simula nung mapadpad kami dito sa kalupaan masaya naman ang pamamalagi naming mga immortal dito , nanahimik yung buhay naming lahat simula nung lisanin namin ang Garnett.
Garnett ayun ang tawag sa tirahan namin dati , masaya at tahimik din ang pamumuhay naming mga immortal doon ngunit dahil sa inggit na naramdaman ng Kampo ng mga Trinidad ay nag ka watak watak ang mga sangunian ngunit nagpapasalamat ako sa kasintahan kong si Albie na tumiwalag siya sa grupo na pinamumunuan ng kanyang ama at sumama sa grupo namin , na siyang ikinagalit ng kanyang ama.
At dahil doon lumaganap ang mga pamamaslang ng mga kabilang grupo sa aming grupo na sanhi ng mga pagkamatay ng mga inosente at walang kamuwang muwang na mga batang immortal. Wala kaming kalaban laban sa kanila sapagkat napakalakas ng kampo nila at sanay na sa mga labanan.
Ngunit dahil nga kasama ko si Albie sa pakikipagbakbakan ay napigilan namin ang mga masasamang immortal. Kinitilan din namin sila ng buhay bilang ganti sa mga ginawa nila sa mga kawani ng grupo namin at sa mga anak nila.
"Marsela! Marsela! Marsela!" Napabalik naman ako sa wisyo dahil sa sunod sunod na tawag sa akin ni gia , di ko naman mapigilang di maluha dahil sobrang namimiss ko na si albie.
"Oh bakit gia? Ang aga aga ang ingay mo! Ano bang kailangan mo at bakit ka na naman nandito sa room ko?" Singhal ko sa kanya nag uumagahan kasi ako ngayon at naka uniform na tapos siya hindi pa nakabihis.
Argh kakagising lang ata niya for sure malilate na naman siya sa school mamaya at papagalitan na naman ni Mr. Warren na professor namin sa Harvard University dito sa States.
"Ah ano kasi mars-- pwede bang tulungan mo akong ayusin tong presentation ko para mamaya? Di ko pa kasi natatapos hanggang ngayon----" hay nako talaga gia simpleng gawain lang sa school hindi mo pa matapos tapos.
"Oo na gia! Ako na magtatapos niyan bilisan mo nang maligo at mag ayos baka malate ka na naman sa klase! Argh kung ano ano kasi inaatupag mo eh kaya di mo to natapos kagabi" singhal ko ulit sa kanya napa peace sign nalang siya at lumabas na ng kwarto ko.
Nasa iisang bahay lang kasi kami ng tinutuluyan ni Gia at Rans , speaking of rans nasaan na kaya yung babaeng yun? Tulog pa ata yun hanggang ngayon mapuntahan nga muna. Lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa kwarto ni Rans , kumatok muna ako syempre and then ipinihit ko na yung door knob. Bukas naman iyun kaya agad na akong pumasok ng kwarto niya , di ko naman siya nakita dito at nakaligpit na rin yung higaan niya.
Sinilip ko na rin siya sa may loob ng cr pero wala siya di kaya'y nauna na siyang pumasok sa amin ni Gia? Pero imposible naman yun? Dahil never naman kaming iniwan ni rans dito sa bahay ng di nagpapaalam.
Nilibot ko muli yung paningin ko dito sa bahay namin , hays tanungin ko na ngalang si Gia mamaya pag nakalabas na siya ng banyo. Nagtungo na ako sa may kwarto ko at tinapos ko na yung presentation ni Gia para sa reporting niya mamaya sa classroom , inoff ko na yung laptop niya and then niligpit ko na yung pinagkainan ko.
Napatingin naman ako sa may frame kung saan nakalagay ang litrato naming dalawa ni Albie , masaya siguro kami ngayon no? Kung hindi lang dahil sa Ama niyang napakasama at sakim sa kapangyarihan. Halos mapaluha naman ako ng maaalala yung huling sandali na magkasama kami ni Albie sa Garnett.
Flashback 📸
"Sela tumakas kana , iwanan mo na ako dito na mag isa habang wala pa yung mga kalaban natin" hingal na hingal na saad niya , puno na ng sugat yung katawan niya ngayon kaya kahit pagod na ako ay sinubukan ko paring pagalingin siya.
"No albie hindi kita iiwan dito , sabay tayong lalaban hanggang kamatayan" sabay hawak ko sa mga kamay niya , umiling iling naman siya sa akin.
"No sela kailangan mo ng tumakas ngayon nandun na sila amang tonyo at san pedro sa lugar kung saan isasagawa ang portal , umalis kana habang may oras pa mahal ko" naluluhang sabi niya sa akin , hindi ako papayag na iwan siyang mag isa dito dahil sobrang mapanganib ng kanyang ama at mga tauhan nito.
"Ayokong iwan ka dito , lalo na at balak ka lang kontrolin ng ama mo para sa kasamaang isinasagawa niya , poprotektahan kita no mali poprotektahan natin ang bawat isa kahit ikasawi man natin iyun ngayon" diretsong sabi ko ngunit tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya.
"Please sela makinig ka sa akin okay? Ayokong matupad ang nasa propesiya na ako ang papatay sayo, kaya habang may oras pa at nasa tamang katinuan pa ako ay tumakas kana! Ayoko na yung dalawang kamay ko pa ang gagamitin upang patayin ka mahal ko , hindi ko kakayanin yun pag nagkataon" hinawakan niya yung mukha ko at inilapit sa mukha niya sabay hinalikan ako ng mabilis.
"Albie please I don't want to-----" itinulak na niya ako at ngumiti siya sa akin na para bang yun na ang huli naming pagkikita.
"Marsela mahal na mahal kita at yun ang lagi mong pagkatandaan! Mag iingat ka mahal ko hanggang sa muli nating pagkikita!" Sigaw niya pa sa akin habang nakikipag away sa mga tauhan ng ama niya , takbo lang ako ng takbo at nanlalabo na yung mga mata ko dahil sa mga namumuong luha sa mata ko.
End of the Flashback 📸
"Marsela tapos na ba yung pinapagawa ko saiyo -- what the heck! Umiiyak ka na naman ba?Huwag mong sabihin na dahil na naman yan kay albie kung bakit ka naiiyak ngayon?" Napapunas naman ako ng aking mga mata dahil sa biglaang pagpasok ni gia sa kwarto ko kahit kailan talaga tong babaeng to panira sa moments ko.
"Hindi ah napuwing lang ako gia , tapos ko na yung report mo kaya wag ka nang mag alala pa anyways wala na si rans sa room niya, nagpaalam ba siya sayo na aalis siya?" Tanong ko dito , di naman siya kumbinsido sa sinabi ko na napuwing lang ako dahil binigyan niya ako ng mukha na may pagtataka.
"Sus kilala na kita marsela kaya huwag ka nang magsinungaling pa! Umuwi na muna ng bahay nila si Rans dahil pinauwi siya ng daddy niya dahil may mahalaga daw na sasabihin sa kanya ngayon, anyway ahm ikaw nalang magbigay ng excuse letter kay Prof. Warren dahil alam mo naman na mainit ulo nun sa akin" sabi ni Gia sa akin , tumango nalang ako at kinuha na yung papel na hawak niya at ipinasok na sa may bag.
Pumunta na muna ako ng banyo upang mag toothbrush at napatingin nalang ako sa may salamin. Miss na miss na kita mahal ko , wala pa ring nagbago sa pagmamahal ko sayo sa paglipas ng panahon pangako kahit walang kasiguraduhan ay hihintayin kita.
Ganun kita kamahal Albie Drake Trinidad at walang sinuman ang makakapalit dito sayo sa puso ko.
"Marsela! Bilisan mo na at anong oras na! Alam kong nag eemote ka na naman dyan pero pwede bang sa sunod mo nalang yan gawin!" Sigaw ni gia sa labas ng cr , naghilamos nalang akong muli at nag retouch unti.
"Oo saglit lang! Uso mag antay gaya ng lagi kong ginagawa sayo!" Singhal ko sa kanya at napabuntong hininga saglit bago tuluyang lumabas ng bathroom.
Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

KAMU SEDANG MEMBACA
MY WISH UPON THE STARS
Fiksi PenggemarThe worst feeling isn't being lonely , it's being forgotten by someone you've never forget.