chapter 18 | The Tree

5 5 1
                                    

Tahimik akong sumusubo ng steak at nag iisip sa kung anong nangyayari, kanina kasi habang pinapakita sakin ni Law ang mga Hornbills ay naramdaman ko na naman ang muling pagtibok ng puso ko,kahit na sabihin mang dalawang beses na pag pintig lang yun ay nababahala parin ako dahil minsan ng sinabi sa akin ni madam Cat na pag tuluyang tumibok ang puso ko dito ay hindi na ako kailanman makakabalik sa totoong mundo.

"Hey!"

Natinag ako ng pumitik si Law gamit ang kamay niya sa harap ko.

"You okay?" Tanong niya habang nakangiti.

Tiningnan ko ang mga ngiti niya. ngiting innocente at walang idea na isa lang siyang fictional character na nabubuhay sa loob ng libro, Hindi diyos ang kumukontrol sa buhay niya katulad ng paniniwala niya kundi isang hamak na manunulat lamang na walang ibang ginawa kundi gawing magulo ang takbo ng buhay niya.

'kung bibigyan ako ng pagkakataong ma meet ang sumulat ng libro kung saan ako ngayon, hihilingin kong bigyan niya ng hustisiya ang bawat character na pinahirapan niya.'

"sana..." panimula ko, napatingin naman siya sa akin.

"Sana...mahanap mo na ang pumatay sa buong pamilya mo"

Ngumiti ako sa kaniya matapos yung sabihin, ngumiti din siya sa akin at nagulat ako dahil nilagyan niya ng panibagong steak yung plate ko at talagang siya pa ang naghiwa.

"Hmm....I have a dream" Sabi niya habang hinihiwa ang steak sa plato ko.

"In my dream I seemed to be just a fictional character"

Napa angat ang ulo ko saka napatingin sa kaniya, nakatingin na din siya sakin.

"You know what happened next?" He asked.

Hindi ko alam pero parang gustong gusto kong malaman kung ano ang sumunod na nangyari.

"A-ano?.." tanong ko, ngumiti naman muna siya at kita ko sa mga mata niya ang lungkot na hatid sa kaniya ng panaginip niya.

"I fell inlove to someone who really exist in reality....." Sagot niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko mula sa kaliwang mata.

"Hey, you okay?"

Natinag ako sa tanong niyang yun at agad na yumuko para punasan ang luha ko.

"Ahh, oum... Nalungkot lang ako" palusot ko at dinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"Siya nga pala, alam mo ba kung bakit di umuulan?" kunwaring tanong ko para mabaling ang usapan.

"Ulan? Anong ulan?"

Napataas ang kilay ko ng ibalik niya ang tanong sa akin.

"As far as I know ay bata pa ako ng huli kong marinig ang salitang yan, I guess sa panaginip ko. Wala naman kasing ganiyang salita. Saan mo ba narinig yan? Sa panaginip rin ba?" Sunod sunod na tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

‘ano daw?! Walang word na ulan? Kaya ba hindi umuulan dito ay dahil wala talagang ganon?! Ang weird talaga ng author ng librong to!'

"Ehh saan niyo kinukuha yung tubig?" bigla ay lumabas yun sa bibig ko!

Napapikit ako at palihim na napa humihiling na sana ay hindi siya ma wirdohan sa mga tinatanong ko kahit na halata na sa mukha niya.

"Hindi naman nauubos ang tubig?"patanong niyang sagot na Ultimo siya ay naguluhan habang nakatingin sa akin!

‘wag sana niyang isipin na nababaliw na ako!'

TALIAWhere stories live. Discover now