Six

146 9 0
                                    

Chapter 6

After 8 years

"Is the company representatives and directors are  in the conference room already?" Tanong ng babaeng nakasuot ng beige na executives office suit attire. May seryosong ekspresyon ito sa mukha habang salubong ang mga kilay sa noon nito.

Mabibilis ang hakbang ng babae habang naglalakad patungo sa direksyon ng conference room. Kung saan naroroon ang lahat ng mga share holders ng kanilang kompanya.

Nakasunod sa kanyang tabi ang assistant na umaagapay sa bilis ng kanyang paglalakad habang sinasagot ang kanyang mga katanungan.

Seryoso at may striktang mukha ang babae na kausap ng assistant.
Nakasuot ito ng black rim thick eye glasses at nakatali ng high ponytail ang mahaba nitong buhok na lumulugay sa bawat paghakbang ng babae. At sa tuwing nakikita nyang nakahigh ponytail ito ay lagi nyang nasisilip ang white streaks highlight sa hair nito na palagiang nakakapagpataas ng mga kilay ng mg anakakakita noon!

At may simply na make-up lamang ito sa mukha. Di nya pa ito nakitang naglagay ng heavy make-up simula ng magtrabaho sya rito. Although ilang buwan pa lang nman ang nakakaraan simula ng maging assistant sya nito.

Lihim na pinagmasdan ng assistant ang seryosng boss.
May taas itong 5'6". Lalo pa itong tumangkad tingnan ng gumamit ito ng 4 inches black stiletto shoes na bumagay sa suot nitong kasuutan.
Tanging white gold earrings sa magkabilang tainga at silver channel watch sa kaliwang kamay nito ang palamuti sa katawan ng babae.

"Yes madam." Mabilis na sagot ng kanyang male assistant na agad napahinto sa paglalakbay-diwa.

Hanggang sa mga sandaling iyon ay di pa rin ito nakaka-move over sa panlabas na anyo ng big boss ng kanilang kompanya. Di nya akalain na ito ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan ng maraming pilipino roon.

Akala nya noon ay si Sir Galen talaga ang big boss ng kompanya. Ngunit di nya inaakalang meron pa palang big boss si Sir Galen nila.

Kunti lamang ang nakakaalam ng bagay na iyon.Sa tuwing makikita nya ang kanyang  boss ay di nya mapigilang huwag ma-i-intimidate sa babae. Ang hatid nitong vibe kapag nasa paligid ito ay kakaiba at di mo maaaring ibalewala.

Sa aloofness ba namang hatid ng babae sa kanya parang gusto nyang mapaigtad bigla kapag pailalim ang tinging ipinukol sa kanya ng babae lalo na kapag may problemang ang kanilang kompanya.

Di pa isama roon ang cold at distant nitong attitude sa tuwing haharap sa kanya. Lalo lamang syang nakakadama ng pagkaasiwa at di mapalagay na tabi nito kapag nasa tabi Sya nito.

Masyado itong cold tingnan kapag seryoso. At di nya maiwasang matubuan ng takot at kaba rito. Ngunit di nya pa nman nakitang nagalit ang babae. Hindi  nya rin ito nakikitang napangiti simula ng maging assistant sya nito. Di pa nman talaga matagal ang pagtatrabaho nya rito dahil ilang buwan pa lamang ito sa Pilipinas.

Kahit di ito ngumiti ay di nman nabawasan ang taglay nitong kagandahan. Naisip nyang maraming mga lalaki ang mababahag ang buntot na ligawan ito sakaling mayron magkalakas ng loob!

"Good!" Bahagyang sumilay ang  ngiti sa mga labi ng babae bago muling bumalik sa pagiging seryoso at naglagay ng poker face.

Laglag-panga nman ang katabing assistant ng nakita ang pagsilay ng ngiti sa labi ng babae. Miracle na iyong maiituri sa kanya na nakita Kahit saglit ang pagsilay ng ngiti ng boss.

Samo't sari nmang ang tumatakbo sa isipan ni Armiya ng sandaling iyon.
'Tingnan nya lang kung makakapagreklamo pa ba ang mga may matataas na posisyon sa  company nila kapag na kaharap nya na ang mga ito. Puro na lamang reklamo ang kanyang naririnig sa mga bibig ng mga Ito! Ngunit kapag kumita ang mga Ito ng malaki ay tahimik lang nman ang mga bibig ng reklamador nilang share holders!

OUR ROADS WILL CROSS AGAINOnde histórias criam vida. Descubra agora