#5

209 22 0
                                    

Sela's Pov

Nasa bahay lang kami ngayon ni gia wala kasi kaming pasok ngayon hanggang next week dahil school break namin kasalukuyang nanunuod lang ako ng movie sa netflix ng biglang bumukas yung pintuan ng room ko.

"Gia hindi ba uso sa vocabulary mo na kumatok muna bago pumasok sa room or sa isang silid?" Masungit na sabi ko sa kanya , lagi nalang kasi siyang pumapasok bigla sa kwarto ko na parang ewan.

"Ay pasensya na po itlog--- ay sela eto na lalabas na ako tapos kakatok muli para di kana mabadtrip" lumabas na siya ng room ko tapos sinirado iyun tapos kumatok siya ng tatlong beses and then binuksan na yung pinto , abay nang aasar na naman ata tong babaeng to.

"Sela namimiss ko na si rans , tawagan kaya natin siya ngayon? Nabobored na kasi ako gusto ko may mapagtripan kaso hindi ka naman pwede dahil baka sumabog yung mukha hahaha" naka pout na sabi niya , nako namiss niya lang pala na pagtripan si rans itong gia na to talaga.

"Edi tawagan mo gia? Nanay mo ba ako at kailangan mo pang magpaalam sa akin? Chupi labas na at nanunuod ako ng favorite series ko!" Singhal ko pa sa kanya for sure kasi hindi naman sasagutin ni rans yung tawag niya dahil mukhang may pasok ito ngayon.

"Sige tatawagan ko si rans tapos sasabihin ko wag na siya bumalik dito dahil sabi mo hahah" sabay labas niya ng room , napabangon naman ako bigla sa pagkakahiga ko at pinatay na yung tv ng marinig ko na may kinakausap siya ngayon.

OTVC

"Rans alam mo bang sabi ni sela kanina hindi ka daw niya namiss at wag kana daw babalik----- aray sela! Joke lang naman" di na natapos yung sinasabi niya ng batuhin ko siya sa paa ng tsinelas na suot ko , hilig talaga ng babaeng to gumawa ng kwento.

"Hi rans! Kamusta kana? Sabi mo lagi kang tatawag sa amin? Tsk di mo tinutupad yung sinasabi mo ah , nagtatampo na ko sayo" nakabusangot na sabi ko sa kanya , napakamot ulo na lang siya bago nagsalitang muli.

"Pasensya kana sela nangangapa pa kasi kami dito sa bago naming school , babawi ako soon kaya wag kana magtampo sa akin marsela , ikaw gia kukutungan na talaga kita pag nagkita tayong muli!" Wait may iba  siyang kasama? Sino naman kaya?

"Kami? So may kasama ka pa? Sino?" Diretsahang tanong ko sa kanya , napaisip naman siya based sa reaksyon ng mukha niya.

"Ay nakalimutan ko di ko pa pala nasasabi na si Jl yung kasama ko  , may pinagawa kasi si daddy sa akin at si Jl yung pinapatulong niya sa akin" si Jl pa talaga? Siguradong may kinalaman din si daddy dito kung bakit si Jl yung pina assist ni tito kay rans.

"Ah si Jl yung fiance ni Sela na iniwan--- aray ko po! Sorry na pasmado lang bibig ko! So ano nangyari sa pinapagawa ng daddy mo sayo?" Inapakan ko naman yung paa niya na siyanh ikinadaing niya , sobrang pasmado talaga ng bibig nito ni gia ang sarap patahimikin habang buhay.

"Okay naman nagagawa naman namin ng tama at paunti unti ay matatapos din namin ito" bakit parang kakaiba yung nararamdaman ko? Na parang may itinatago si rans sa amin?

"Rans sino yan? Sila sela ba? Patingin ako! Kakamustahin ko lang, sige na rans ang pangit mo ka bonding ah!" Biglang sulpot ng tinig at ibinaba na ni rans yung cellphone niya at tanging palda niya lang yung nakikita namin ngayon.

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now