✉ 70

9.7K 860 649
                                    


☀ April 9, 2016

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

☀ April 9, 2016

Richard, Ben, Katkat

11:56 PM

Steven:

Nakauwi na kayo? 

Katkat:

Yes nakauwi na ako. Sabay pa nga tayo.

Steven:

Ba't ka nandito???

Ben:

Dinagdag ko na. Nakakapanlumo na tatlo na lang tayo

Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Katkat at Dan

Katkat:

Hoy buhay pa ako 😭😭😭😭😭

Ben:

Sorry Kiko at Dan pala 

Ingay mo kasi

Katkat:

Chat lang naman to huhu bat maingay pa rin ako

Richard:

Leche kang hayop ka katkat

Katkat:

Hala bakit? Huhuhu dinagdag nyo lang ba ako rito para awayin????

Mga kuya naman 😭😭😭😭😭

Richard:

Akala ko kung sino na yung kumakanta ng doobidoo!!!

Akala ko bangkay ka na doon sa bangka!!!

Muntik akong maihi nang bigla kang tumalon at tumakbo!!! Parang zombie na sinapian ni spiderman!!!

Katkat:

NINJA MOVES KO YON! AKALA KO SI DEBBIE KA KAYA ESCAPE NA AKO!

IT WAS THE FEAR AND ADRENALINE! I DIDN'T EVEN SEE IT WAS YOU! SORRY NA!!!

Ben:

Ba't ka naman kumakanta ng doobidoo?

katkat:

I was trying to be calm!Tagal kong nagtatago doon. Ayoko na ulit makakita ng bangka!

Richard:

Ayoko na rin makakita ng bangka!!!! Leche ka pa rin Katkat!!!

Katkat:

KUYAAAA STEVEN!!! LECHE DAW AKO HUHUHHUHU

Ben:

Nga pala, wala ba talagang nakaligtas doon sa staff ng camp liwayway?

Richard:

Patay raw 'yong tatlong staff na naiwan. Ligtas naman ang karamihan sa mga counselors kasi wala sila sa camp kahapon. Sa lahat ng mga nandoon, si Katkat lang ang buhay.

Mukhang di alam ng debbie na 'yon na naiwan si Katkat sa camp

Katkat:

Huhuhuhu buti na lang talaga hindi alam ng psycho na yon na iniwan ako ng mga kasama ko

Steven:

Salamat sa tulong ninyong lahat

Katkat:

Kasali naman ako doon diba?

Steven:

Kanta ka na lang ng doobidoo

Richard:

Kumusta na raw pala si Celestine?

Steven:

Tinawagan ko, pero mommy niya ang sumagot. Binigyan daw nila ng sleeping pill para makapahinga muna.


Your Girlfriend is a Psychopath!Where stories live. Discover now