PART 1

95 24 12
                                    


"Calli, dalian mo naman, nauna na sila oh!" sigaw na sabi sa'kin ni Laila.

Hinila ko na ang bagahe ko at sumunod kay Laila, napag pasyahan kase namin na mag bakasyon sa lumang bahay nila Michelle para narin may bonding kaming mag kakaibigan.

Ewan ko ba't nag dala ako ng bagahe samantalang hindi naman kami mag tatagal dito.

"Wow may pool! mamayang gabi isuot niyo yung magandang swimsuit niyo girls!" sambit ni Mia at sinilip ko naman sandali ang swimming pool sa likod ng kusina.

Napailing nalang ako saka pumunta na sa kwarto, hiwahiwalay kami ng kwarto dahil malaki ang bahay.

Pagkatapos naming mag ayos ay bumaba na kami, papalubog na ang araw kaya ramdam ko na ang gutom.

"Mia, samahan mo ako mag luto." Sabi ni Michelle, kami nalang tuloy ni Laila ang naiwan dito sa sala.

"Tara sa pool? habang inaantay natin sila" pag aaya ni Laila kaya tumango naman ako at nag palit ng swimsuit.

Gabi na at masasabi mong masarap sa pakiramdam ang payapang lugar.

"Calli, picturan mo nga ako... dito dali!"

Napailing nalang ako ngunit pinicturan ko pa rin siya, todo pose pa siya akala mo model sa pool.

Habang nag sasaya, mayroon akong narinig na sigaw galing sa loob ng bahay.

"AAAAAAAAH!!" sigaw ni Mia 'yon.

Napaahon kami ni Laila sa pool at pumunta agad sa kusina. Nakita namin si Michelle na wala ng buhay na nakahandusay.

"A-Anong nangyari...Mia?" tanong ni Laila.

"H-Hindi ko alam! nag cr lang naman ako tapos...tapos g-ganiyan na!"

Hindi ko alam ang gagawin, nagkatitigan lang kaming tatlo dahil sa nangyari.

Iyak nalang ang nagawa namin, hindi kami makakaalis ngayon lalo't gabi na at si Michelle lang ang marunong mag drive. Walang signal dito kaya wala rin kaming mahihingian ng tulong.

"A-Anong gagawin natin... kay M-Michelle?" kabadong sambit ni Mia.

"Hayaan nalang natin ganiyan... ayokong galawin ang katawan niya." Tumango naman sila sa sinabi ko.

Malayo sa syudad ang lugar na ito...

Sino ang pumatay kay Michelle? bakit siya pinatay?

Mabilis ang mga pangyayari, walang pumasok sa aking isipan kung sino ang may gawa nito. Hindi na rin kami nakakain ng hapunan dahil sa nangyari.

Napag pasyahan namin na magsama sa isang kwarto at huwag nang pag usapan ang nangyari.

"Matulog na tayo..." sabi ko sa kanila.

"Ayaw ko! n-natatakot ako... paano kung may mangyari sa atin?" nanginginig na sambit ni Mia.

Niyakap ko si Mia nang mahigpit. Siya ang unang nakakita sa bangkay ni Michelle kaya malamang natakot siya ng husto.

"Walang mangyayari sa atin. Nakalock ang pinto, huwag tayong lalabas kung hindi tayo magkakasama... okay?"

"O-Okay." Sabay na sabi ni Mia at Laila.

Unang araw palang namin dito at may nangyari na agad na hindi inaasahan. Na buntong hininga nalang ako at pinilit makatulog.

Nagising ako sa lakas ng katok na naririnig ko.

Paglingon ko sa kama ay wala na si Laila at Mia sa tabi ng kama ko.

Agad ko namang binuksan ang pinto at bumungad sakin si Mia na kabado.

"C-Calli... si Laila. Wala na si Laila!"

Umiling iling naman ako at agad na bumaba upang hanapin si Laila. Bigla nalang pumatak ang aking luha dahil sa nakita.

Wala na si Laila... wala na siya.

"Laila, b-bakit nangyari sayo ito," agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Dalawa na ang nawala, natatakot na ako.

"Mia... ikaw ba ang may gawa?" umiling iling naman siya agad, ano nanaman ba ang dahilan niya!

"Sabi niya n-naiihi daw siya at samahan ko s-siya, pag baba namin... hindi pa siya nakakapuntang cr biglang namatay yung ilaw."

"Matagal bago bumalik ang kuryente... pagbalik ng ilaw, C-Calli nakita ko... nakita ko puno na ng dugo."

Pinakinggan ko lang ang mga sinasabi niya, hindi ako makagalaw ngayon dahil sa mga nangyayari.

"Calli hindi ako ang may gawa. Hindi ko alam kung sino..."

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo, kailangan kong maging malakas ngayon. Kailangan naming makaalis dito.

Alas kuwatro na ng madaling araw, hindi ko alam kung saan kami makakahingi ng tulong basta ang alam ko ay kailangan naming umalis.

"Mia, kailangan na nating umalis!" hinila ko siya habang humahagulgol siya, bubuksan ko na sana ang pinto kaya lang naka lock ito.

"Fuvk, b-bakit naka lock a-ang pinto!" kinalampog ni Mia ang pinto at nanghihingi ng tulong, ganon din ang ginawa ko.

Patay sindi ang mga ilaw, takot na takot na kami ni Mia.

"Mia alam kong hindi 'to ang oras para tanungin ka pero... hindi mo ba nakita kung sino ang may gawa?"

Napahinto siya sa pagkalabog ng pinto at tinignan ako.

"Ikaw ang kasama nila... bago mamatay."

Hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sakin na takot na takot.

Ramdam ko kung gaano siya katakot at umiling-iling.

Bigla akong kinabahan dahil sa bigla niyang pag turo sa likuran ko.

Who's the killer? Where stories live. Discover now