C H A P T E R [29]

1.2K 44 1
                                    

HAPPY HAPPY 32K uulit ko lang HAHA.

Enjoy reading!!

•••

CHAPTER 29(edited)

NAGING usap-usapan nga ang balita na magpinsan sina Drake at Rue sa buong school. Marami ang nagtaka kung bakit ngayon palang ito nalaman ng mga studyante. Marami nga rin ang hindi na niwala nong una dahil sa mga sunod-sunod na litratong ipinost ng isang fans kaya nag si labasan rin ang ibang pic sa Twittygram halos lahat ng 'yon ay kuha na mag kasama ang dalawa na umuwi at pumapasok sa loob ng school.

Inaakala nga ng marami na may relasyon sila na higit pa sa mag pinsan na iyon naman ang pinaniniwalaan ng iba na talaga naman ang katotohonan ng relasyon nila.

Hindi maalis ang galit na mababakas sa mukha ni Eunice dahil naging palpak nanaman ang kanilang plano.

Inaakala niyang mabibisto agad ito ng mga tagasuporta ang katotohanan pero iyon pala ang pagkakamali niya. Nagtiwala siya sa mga alalay niya na mga walang silbi.

Hindi niya napigilang masampal ang isang babaeng nakaluhod sa harap nito ng subokan nitong magsalita.

"Di' ba ang sabi mo ay may relasyon sila?!" malakas niyang tanong sa mukha ng babae at mahigpit niyang pinisil ang pisnge nito at inilapit sa kaniyang mukha. Dahan-dahan naman itong tumango. "Oh bakit sinasabi ng karamihan na mag pinsan lang sila? Naging palpak ang plano! Lahat nalang palpak! Hindi ko na kayang pagkatiwalaan ka Jariah!" sigaw niya sa babae at malakas nitong binitawan ang mukha.

"P-patawad queen. It's just that we didn't find any more evidence sa totoong relasyon talaga nila noon. Iyong tanging picture lang ang tanging nakuha ko sa imbestigador. Pero alam mo pakiramdam ko talaga e may something sa kanilang dalawa queen kase nong papasok ako kanina ng Physics nadaanan ko si Rue na nagaantay sa labas ng CR. Tapos bigla nalang itong hinatak ni Drake..." pagsusumbong nito. Ibinuklat naman ni Eunice ang kaniyang palad habang naboboring na tinignan ang tinawag na Jariah.

Nagtataka pa nga muna ito bago magets ang ibig sabihin nito pero agad ding napatiklop ng mapagtantong wala pala siyang nakuha na maibibigay dito.

Hindi mapigilan ni Eunice ang matawa. "Sinong maniniwala sayo kung ni isang ebedensiya wala ka!" sigaw niya. "Napaka tanga niyo. Ikaw rin Karina ni wala ka man lang silbi!" inis niyang sigaw sa babaeng busy sa pagninail polish ng kuko.

"What?" taka niya pang tanong at kunot noong tinignan si Eunice. Hindi mapigilan ng dalaga ang mapahilod sa noo dahil sa katangahan nito. "What what?" at inulit pa talaga kaya hindi na nga nakapag pigil si Eunice mabilis niyang naibato ang isang water bottle na may kalahati pa na laman sa pagmumukha ng nagtatakang babae.

Sapol ito sa mukha at malakas na nahulog sa kinauupoan.

Hindi naman mapigilan ng isa pang babae ang malakas na matawa dahil narinig nitong malakas na pagbagsak ng babae sa matigas na sahig. Dahil sa inis nga ni Eunice agad rin siyang dumampot ng isa pang water bottle at agad na ibinuhos ang lahat ng laman nito sa pagmumukha ng nakaluhod na babae.

Sumisinok-sinok itong napasigaw dahil kamuntikan ng malagotan ng hininga.

"Uurrrrrghh!! Mga walang kwentang tanga!" sigaw niya at nag martsa palabas ng lumang bakanteng kwarto.

Kilangan niyang makahanap ng ebidensya upang mapaalis at mapahiya ang baklang 'yon. Hindi siya titigil hanggat hindi ito nawawala. Lahat ng balakid sa plano niya ay kilangang mawala. Akala niya sa oras na mababalikan niya si Drake wala nang tinik ang makakapagpigil sa kaniya. Pero bigla na lamang dumating ang bakla na naging sanhi ng pagiging mailap sa kaniya ni Drake. Gustong-gusto na niya itong balikan matagal na pero pakiramdam niya meron na itong natitipuhang iba. Iyon nga mismo ang pinsan nito.

Cousin's with Benefits [BXB] [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon