WOW:RBa-09

87 19 1
                                    

'LEAVE'

Chapter 09

-----***-----

Akira POV...

"Please ace... Ikaw lang papakinggan ni mommy saka ng mom moh" pamimilit ko sa kanya.

"No" sagot nito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Nagiimpake kasi sya ng kanyang mga dadalhing gamit sa pagtransfer namen ng bagong School.

At ngayon pinipilit ko syang kausapin nya si mom na next week nalang yung alis namen. Dahil nangako ako kay trixie na aatend pa ako ng camping sa foundation anniversary ng HHA.
Pero kaninang umaga pag gising ko ay bumungad sa akin si mom na Nagiimpake na ng mga gamit ko sa closet ko at sinabing mapapaaga ang pagtransfer namen sa school ay dahil naenroll na nila kami ni Ace.

Tinanong ko sila why they packed my things. Sinabi lang naman nilang may apartment sa loob ng campus kaya dun daw kami titira ni Ace.

Ngayon namumublema ako kung papaano ako magpapaalam kay trixie. Nahuli kasi ako ni mom na tataas sana dahil gusto kung makita si trix para magpaalam man lang sa kanya pero nahuli ako nito at mas lalo ng hinigpitan ang bantay sa labas. Gusto ko lang naman makita si trix at magpaalam ehh ang masaklap pa nito ay pati ang phone ko ay kinuha nya.

I tried to convince mom na tatawagan ko lang si trixie pero ayaw nitong ibigay dahil alam nyang minsan ay may pagkasuwail si trix at baka maisipan nitong itakas ako.


"Pahiram nalang ng phone mo please i just what to call trixie... Magpapaalam lang ako sa kanya magagalit yun sa akin if nalaman nitong nagtranfer ako ng walang paalam sa kanya and beside i promise her na next week pa ako aalis at sabay pa kaming mag-cecelibrate sa foundation anniversary ng school.... Please Ace"pagmamakaawa ko dito. Ayukong maging masama ang loob ni trix sa akin lalo na't she's my only friend, ayukong mawalan ng nagiisang kaibigan.
Nagiisa na nga lang tas mawawala pa.




Napatigil naman ito sa kanyang ginagawa at Napatingin sa akin ng seryuso.

Bigla namang lumakas yung tibok ng puso ko maybe dahil natakot ako sa paraan ng pagtingin nito.

Nakakatakot kasi itong mag seryuso. Napalunok nalang ako ng aking laway.
I try to focus my self baka mag break down ako sa takot nito.

"Still no." sabi nito sa akin at tumalikod na sa akin at tinuloy ang pagiimpake."magkikita din naman kayo nun" sabi nito sa akin ng nakatalikod parin.


Oo magkikita nga kami nun pero after my graduation in college naman ang tagal pa. Baka paglabas ko ng Academy ehh wala na akong kaibigang babalikan balik lonely na naman ako.

"Please Ace" pangkukumbinsi ko dito. Last na toh pag di pa toh pumayag ay aalis na ko sa kwarto nya.

"No"

Nang marinig ko ang sasabihin nya ay bagsak balikat akong umalis sa kanyang kwarto nag efforts pa akong hanapin at puntahan yung kwarto nya sa laki ng bahay nito para lang kumbinsihin sya pero wahhh effect pa din dahil ayaw din nito. Gusto ko lang magpaalam ehh dahil alam kung magagalit at malulungkot si trix sa akin.

Hayssss! Sorry trixie...

Bumalik nalang akong kwarto at hinanda yung bagaheng inimpake ni mom. Nasa baba parin sina mom and tita Elyse para kumain dahil di pa daw sila nakakain ng umalis sila ng kani kanilang bahay.

-----***-----

Papunta na kaming academy. Wala na akong magawa ng hilahin ako ni mommy paalis ng bahay ni Ace papunta ng bagong School namen will di naman toh bago para kay Ace dahil dito na sya nanggaling nung nagtranfer syang school namen.

WHISPER OF WIND (COMPLETE ‼️✔️✔️✔️)Where stories live. Discover now