Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

CHAPTER 3

131K 5.4K 1.2K
                                    

CHAPTER THREE

CAREFULLY, Zalanna opened the window. Inihanda niya na ang malamlam niyang mga mata na nagpapaawa at kinibot ang labi. She made sure that when this man saw her, he'd pity her and she would get his sympathy.

Though, his aura was already dark and dangerous, it won't hurt her if she tried to pretend and act like a beautiful angel that unexpectedly committed a sin.

Malay niya, lumambot ang loob nito kapag nakita na pinagsisihan niya kaagad ang pagbangga sa mamahalin nitong sasakyan.

Hindi siya puwedeng magmataas lalo at siya ang may kasalanan kahit pa sabihin na hindi naman sinasadya.

The fact that she's a bit tipsy and sleepy would only give him a concrete proof that she shouldn't drive with that state. Kaya pakiramdam niya, matatalo talaga siya sa nakaabang na argumento.

When the man saw her, his brow raised. Surely, he recognized her. She could almost see the smirk on his lips.

Napalunok si Zalanna at sinikap na suklian ang mga mata nitong nanghugusga at naiirita kahit pa nakakapaso iyon. She can feel the invisible sweats on her forehead.

"S-dorry po." Pinalungkot niya ang kanyang boses. Hindi niya dapat tapatan ang galit nito dahil siya ang may kasalanan.

She saw how his jaw clenched after she said those two words.

Dalawang salita na nga lang ay nautal pa siya! Like the first time she saw him in D' Club, the beating of her heart got wild again. His presence was too strong that even if he's silent, she felt really intimidated. Kaya tuloy ang bilis ng pintig ng kanyang puso.

Nag-sorry na nga siya pero halatang hindi pa rin nawala ang iritasyon sa mga mata ng lalaki. This was expected because who would be happy if someone bumped into your expensive car?

"I... I will pay for the damage, S-sir." At sana ay pumayag ito para matapos na ang usapan.

Kaya lang sa matigas na itsura ng kausap niya, para bang hindi siya gano'n kadaling papatawarin.

If she was in his shoes, she will really get mad and she's probably already shouting at the stupid driver who bumped her expensive car. But this man remained cold and strict. Tila ba kailangan niya pang ipagpasalamat na hindi siya nito sinisigawan.

What if he chose to file a case against her for being a reckless driver? Baka makuha pa ang lisensya niya at siguradong malalaman 'yon ng magulang niya. Baka imbes na sa De La Salle siya magpapatuloy ng pag-aaral, ibabalik siya sa hacienda!

That idea terrified her! Kailangan niyang makumbinsi ang lalaki na areglo na lang at 'wag nang dumaan pa sa pulis. She's very willing to pay for the damage. Ayaw niyang madungisan ang kanyang pangalan. She didn't want her name to be in a long list of police report!

"Give me your license." His voice was stern that it almost made her gasp.

Mabilis na hinalungkat ni Zalanna sa bag ang wallet niya na nasa katabing upuan at kinuha ang kanyang lisensya. With her shaking fingers, she handed it to him.

She watched how he carefully checked her license. He has dark eyelashes, and she noticed that since he was looking down. His jaw was clenching a bit, and there's no sign of any smile on his lips. Kahit kaunti, walang ngiti roon. He's not pleased to what he's seeing.

"Nakainom ka," paratang nito kalaunan na lalong nagpakabog ng kanyang dibdib.

Kapag napatunayan nitong nakainom nga siya, mas magiging kumplikado ang sitwasyon niya. She sprayed a strawberry flavored breath freshener after she changed her bikini. Hindi siya sigurado kung natakpan ba niyon ang tequila. But, she needed to prove that she did not drink alcohol!

Territorial Men 10: Caston VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon