/36/

14 1 10
                                    


FACEBOOK

Jhester Ohida Emperado
Just Now • Only Me

I know that already. But I can't accept it... I can't. I'm hurting, but yes I understand. Haha. Sorry, pala. I know ayaw mo sa 'kin kasi sa kung ano ako. Haha. Gago, sana di nalang kita ginusto. Ang sakit mong mahalin gago. Ayaw ko na... Ang lakas ng tibok ng puso ko kapag ikaw na pinag-uusapan at naiisip ko pero ewan ko na ngayon. Sorry talaga. Sana nga babalik ang oras na pwede kong pigilan ang sarili na mahalin ka kahit mali. Alam ko ring nababasa mo ito. Best friends! Kaso parang wala na 'yon dahil alam mo ng may pagtingin ako sa 'yo. Before you blocked me. I saw one of your post. HAVING A MALE BEST FRIEND IS FUN NOT UNTIL HE CONFESSED HIS FEELINGS TOWARDS YOU. Haha. Gago, sana nga hindi kita nakilala. Gago talaga. Ang sakit, ang sakit-sakit. Ang mga salit mo. Masakit talaga HAHAHAHA.

Ngayon, napagtanto ko na hindi na dapat ako ma-attach sa mga lalaking close ko. Kasi, alam kong babalewalain lang nila kapag nalaman nilang may gusto ako kasi straight daw sila. Haha.

Hayaan niyo na. Hindi ko naman gustong makasama ang mga katulad niyo. Ayaw ko namang magtiis sa pagmamahal na pilit. Hindi talaga ako namimilit, pero masakit, e.

I know someday, I would eventually move on. Kaya haha. Kung ayaw mo pala sa 'kin, sige. Ipagpatuloy mo.

Kung i-hack mo 'to, sige hack mo. I-report mo pa wala na akong pakialam.

Anong pake ko kung walang kabuhay-buhay mo kung gano'n? Pwede naman akong maging bahaghari sa buhay mo, kaya kong kulayan ang mundo mo.

Pero sabi mo nga ayaw mo sa katulad ko. Sana, kung makilala mo man ang babaeng magpapatibok sa puso mo.

Sana makulayan niya ang buhay mong walang kabuhay-buhay. Kumbaga, monochrome into rainbows.

Kahit gusto kong ako ang gagawa, alam ko naman ayaw mo sa 'kin. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa 'kin.

Sige, last na 'tong post na 'to. Hindi ko na bubuksan mga socmed acc ko.

Pagkakatandaan mo. Winasak at dinurog mo na ang puso ko. Sana ala kang pagsisihan kasi kapag may nanakit sa 'kin tuluyan ko na itong kinakalimutan.

Hindi ka na muling makakarinig sa 'kin. Ayaw ko rin sa 'yo. Baka mawala rin 'to, hindi ko kayang tanggapin na nahulog ako sa 'gaya mo.

Ayaw mo pala sa katulad ko. Kaya tatanggapin ko ng buong-buo, baka makalimutan na rin kita ng biglaan, kahit ilang segundo.

Sana... kahit makalimutan na kita.

Alam mo na...

Mahal kita. Higit pa sa dalawang salita.

Like • Comment • Share

Monochrome Into Rainbows | UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now