Chapter 4

2 2 0
                                    

Kaithlyn's POV

Nandito kami ngayon ni Zaira sa malapit na coffee shop mula sa Dyllan High. Buti nalang talaga at sinamahan n'ya ako, pero hindi rin naman yun ang pakay ko sa kan'ya. Sadyang madami lang akong gustong itanong sa kaniya tungkol sa Knight.

"Here's your cappuccino." Sabi niya at saka umupo.

"Uyy salamat at inintay mo pa 'ko." Nahihiyang sabi ko sa kan'ya.

"Sure ka ba na wala kang ibang gagawin? Baka naman mamaya nakaka abala na pala ako sayo."

"Oo, ano kaba? sure ako kaya wag ka nang mag-alala d'yan." Sabi n'ya at saka ngumiti.

Kaya naman nagkwentuhan nalang kami at inaya n'ya pa akong magpicture. First time ko 'yon kaya hinding hindi ko talaga iddelete yung mga pictures namin sa gallery kahit maubusan pako nang storage.

Makalipas ang isang oras...

"Zaira pwede ba akong magtanong? Tungkol sana doon sa Knight. Pwede mo bang ikwento sa'kin yung mga nalalaman mo." Sabi ko at tumango naman ito.

"Ang Knight ang pinaka kinakatakutan na gang nang mga estudyante pati narin nang mga teachers dito sa Dyllan High at pati narin sa ibang school. Netong mga nagdaang taon kasi ay umusbong ang pagkakaroon ng mga grupo nang gang dito sa lugar natin at sa pagkakaalam ko ay sinimulan lang ito nila Ace bilang isang laro at pampalipas oras, pero habang tumatanda na silang apat ay napag desisyunan nilang totohanin ito at doon na nagsimula ang pangbubully nila at ang gang fight nang mga estudyante na nang galing pa sa iba't ibang lugar." Seryosong sabi nito.

"At tulad nga nang pagkakasabi ko sayo kanina, Ang Knight ay binubuo nang apat na miyembro." Sabi nito at mas lalo pa akong lumapit sa kan'ya para makinig.

"Una si Nicolaj Acer Rodriguez o mas kilala sa pangalan na Ace. Siya yung lalake na nakapwesto sa likod mo. Siya ang captain ng basketball team, pogi, matangkad pero higit sa lahat no.1 player, hindi nang basketball kun'di nang mga babae. Habulin lang naman s'ya nang mga chickababes at mga gays dito sa campus. Kaya naman papalit palit din siya kada week nang mga babae n'ya dito sa school, tss iniintay ko na nga lang s'yang karmahin eh Hahaha." Sabi nito at saka natawa.

"Pangalawa si Cyprus Theodore Villanueva, tawagin natin Cy. Kaklase din natin yon. Siya ang clown sa grupo nang Knight. Cute s'ya, magaling din mag Bball at syempre magaling din mang bully."

"Cy? Kaklase natin? Bakit parang wala naman akong narinig na cy ang pangalan sa classroom kanina, hindi ba't nagpakilala naman tayong lahat?" Tanong ko.

"Nako hindi mo talaga s'ya makikita kase absent, baka tinamad pumasok 1st day eh. Bukas paniguradong makikita mo siya." Sabi n'ya at tumango naman ako.

"Ikatlo si Lee Jan Vergara short for Lee, ang kanang kamay ni Ace. Isa siyang top notcher dito sa Dyllan High, meztiso, guitarist at kumakanta din siya na s'yang kinababaliwan nang mga babae dito sa school na para bang nasa kaniya na ang lahat which is totoo naman. Hindi s'ya katulad nung tatlo na bully, kumikilos lang siya kapag may gang fight." Ani nya at napangiti naman ako sa mga sinabi n'ya.

"Hoy anong ngini-ngiti mo d'yan. Kinikilig ka noh sabi na nga ba't crush mo eh." Panunukso nito.

"Oo na shh kalang please? nakakatuwa lang kase dahil nakuha n'ya lahat nang gusto ko sa isang lalake. Tapos ang gentleman niya pa sa'kin. He's like my living ideal man noh." Sabi ko na kinikilig pa.

"Nako ikaw ahh mamaya na ang harot, eto na ipagpapatuloy ko muna ang pagkekwento. Ika-Apat at huling miyembro nang Knight. Si Dustin Dave Garcia kilala sa tawag na Tin. Siya ang kaliwang kamay ni Ace. Tahimik, pogi, moreno at center ng basketball team. Yun lang ang alam ko tungkol sa kapatid mo. Medyo katulad n'ya si Lee, hindi naman s'ya gaanong bully dito sa school, minsan lang. Lumalaban lang din s'ya kapag may gang fight. Pero base sa nakita ko nung mga nakaraan madalas kapag nasa badmood ito ay minsan nanti-trip s'ya nang kung sino kahit lalake o babae pa ito."

Nagulat ako sa huling mga sinabi n'ya. Nanti-trip nang kung sino-sino? Akala ko ba ay pinalipat n'ya ako dito sa Dyllan High para maiiwas sa mga bully, pero siya rin pala ay ganoon. Anong nangyare sa'yo kuya? Bat ka sumali sa Knight? Bakit hindi mo sa akin sinabi?

"Kate, ayos kalang? Napatulala ka yata."

"W-wala ayos lang ako, may iniisip lang."

"Sigi, sorry ahh yun lang din kasi ang alam ko tungkol sa Knight dahil di naman ako ganoong ka chismosa, slayt lang." Sabi niya kaya naman napatawa kaming dalawa.

Inubos na namin yung inumin namin at saka nagkwentuhan kung bakit ako lumipat dito sa Dyllan High. Maya maya pa ay tinignan ko na ang oras at malapit na palang mag 3 kaya naman inaya ko na s'yang bumalik sa school. Pagkarating namin ay nag paalam nadin siya sa'kin.

"Alam mo masaya kang kasama feeling ko magiging close tayo." Sabi n'ya sa'kin na ikinatuwa ko.

Biglang tumunog ang selpon n'ya. Sinagot n'ya ito at medyo lumayo nang ka onti sa'kin. Saglit n'ya lang iyon kinausap at agad narin namang bumalik.

"Mauna nako Kate ahh hinahanap na din kasi ako ni mommy sa bahay."

"Bestfriend?" Sabi nito sabay lahad nang kamay n'ya. Totoo ba 'to Lord?

"Bestfriend" masayang sabi ko at kinamayan agad s'ya. Baka magbago pa ang isip HHAHAH

Maya maya ay dumating na din si Kuya Tin at saka nagdrive pauwi. Pagkadating namin sa bahay ay nagbihis na agad ako at doon ko nadin sinimulang hindi pansin si kuya dahil nagtatampo nga ako sa kan'ya.

"Bakit kase ang dami n'yang inililihim sa akin? Akala ko ba ay walang sekretohan?" Bulong ko sa sarili at sa gumulong gulong sa kama.

Napagpas'yahan kong kumain nang maaga para hindi ko na makasabay si kuya. Pagtapos kong kumain ay saka ako nagkulong sa kwarto ko. Wala pang ilang saglit ay nakaramdam na ako nang antok kaya naman ipinikit kona din ang mga mata ko.

'May bestfriend na ako'

^_^

Zzzzzzz

~~~

The ChangeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora