Chapter 21

106 32 0
                                    

Diana Marie Vasquez's POV

Hindi ito ang unang araw na nagkita kami. Actually, maraming beses na pero hindi nila iyon alam. Nakilala ko na silang dalawa bago pa man magkita-kita. Honestly, I secretly followed them wherever they go. Why? It is because of CJ.

Matagal din akong naghintay bago magkrus ang landas naming tatlo.

"Saan ba namin siya puwedeng makita?" Dumating na sa wakas ang araw na pinakahihintay ko.

"Sure," walang pag-alinlangan kong sagot. Nabuhayan sila ng loob pareho. Matagal ko ng pinaghandaan ang pagkakataong ito. Tinawagan ko ang isa sa mga kasambahay namin na siya muna ang bahala sa mga bata.

Nandito na kami sa loob ng kotse. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pag-asang makikita na nila ang taong matagal na nilang hinahanap. Tahimik lang ako habang nakaupo at pilit na nirerelax ang sarili pero ang totoo, kinakabahan din ako.

"Can we drop by first to a flower shop? May dadaanan muna kasi ako." Nagkatinginan silang dalawa. Mamaya malalaman din nila kung para kanino ang mga bulaklak.

Si Janice ang tumugon. "S-sure. No problem,”kabadong wika nito.

Bumaba ako saglit at bumili ng tatlong boquét ng asaorted na bulaklak. Fresh pa ang mga ito at napakagandang tinganan. Napangiti ako, pero yung kaba ko, nando'n pa rin.

"Do you both need something?" tanong ko sa kanila. Kita sa mga mukha nila na kanina pa sila inip na inip.

"No, were fine. Matagal pa ba tayo?" aburidong tanong ni Janice.

"We're almost here." Huminto ang kotseng sinasakyan namin at pagkatapos no'n, bumaba na ako, dala ang tatlong boquet ng bulaklak na binili ko. Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka at pagkagulat kung bakit sa lugar na ito kami bumaba.

"Kailangan ko lang ibigay 'tong mga bulaklak sa isang taong mahalaga sa akin. Can you accompany me?" Mabuti naman at napapayag ko sila na samahan ako. Alam kong umasa silang pareho na makikita na nila si CJ sa loob lamang ng ilang minuto.

Tumigil ako sa isang puntod at nagsindi ng kandila.

"Dennis Dizon? Sino siya?" tanong ni Eunice.

"Fiancé ko. Sakit sa puso ang ikinamatay niya. Sad to say na hindi siya naka-survive sa operasyon," paliwanag ko.

Lumipat ako ng isa pang puntod at nilapag roon ang isang bulaklak. This time, nakita nila kung para kanino iyon.

R.I.P Leonor Theresa Sanchez.

Nagkatitigan silang dalawa at parehong nakahinga nang maluwag. Ikinuwento ko sa kanila na kamamatay lang ng aking ina three years ago.

Lumipat ako sa isa pang puntod. This time, parang nagslow-mo ang lahat ng pangyayari. Pinagmasdan ko sina Eunice at Janice. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla. The next thing I knew, I heard both of them crying out loud.

R.I.P. CJ Vasquez

"CJ!" maluha-luhang sambit ni Eunice habang hinawakan ang lapida niya.

Halos lumabo na rin ang paningin ko dahil sa luhang umaagos mula sa mga mata ko.

"No, no! This can't be. Sabihin mo sa amin ang totoo. Hindi si CJ ang nand'yan!" umiiyak na wika ni Eunice habang yakap-yakap siya ni Janice.

"I'm sorry." Iyon na lang ang tanging nasambit ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagulhol. Halos magwala silang dalawa sa nakita.

"Ang tagal namin siyang hinanap," saad ni Janice habang nakatulala sa puntod ni CJ.

"Hinanap namin siya kung saan-saan pero hindi namin siya makita tapos ngayon—" Napatakip ng bibig si Eunice.

Her Infinite Love [Completed] ✓Where stories live. Discover now