Chapter 10

11.6K 667 131
                                    

Kahit papaano ay nawala na rin yung bigat ng nararamdaman ko matapos makaligo. Nang makapaglinis ako ay diretso alis na rin ako kahit 3pm pa ang usapan, mag-g-grocery muna ako, so I bought my car. Tanghali na rin kasi kaya dito na lang din ako sa mall kakain.

Dito rin naman ang kitaan dahil sa mall na 'to mismo yung nahanap daw ni Jean na massage spa. Dito rin kami nagkita-kita last time pero wala akong maalalang spa na nadaanan namin, either bago lang or hindi ko lang talaga napansin.

Tulak ko ang cart, naghahanap ng mailalagay na items. I'm not the type who will list down the things I want to buy, kinukuha ko lang naman yung tingin ko ay necessity at nagagamit o nakakain ko talaga palagi.

I'm often only around the house for around 1-2 weeks, saktuhan lang ang binibili ko lalo na't ako lang naman mag-isa. Kung may bisita man, si Jean lang naman palagi o kaya sina Apple.

"Gail!"

Napalingon ako kung saan nanggaling yung boses. "Uy!"

Parang batang ini-slide ni Jade yung cart hanggang mabunggo no'n yung akin. "Ay, napalakas."

"Baliw." Natawa ako. Napalingon ako sa kasama niya at ito na naman ang heartbeat kong pumapaepal, dinaig pa ang kape kung mag-palpitate. "Uhm, hi, North."

Ngumiti siya at tumango pero hindi naman nagsalita. She looks really pretty kahit naka-all black siyang sweater and pants, ang naiba lang ay puti ang suot nitong sneaker at blue naman ang maliit na knapsack na nasa likuran. Para siyang highschool student na naligaw. Naka-pony rin ng mataas ang buhok niya.

Siyempre maganda rin si Jade, ayoko lang siya titigan.

Ba't ba kasi sila magkasama, eh, mamaya pa lakad naming lahat?

"Grocery day ka rin?" Jade asked. Tumango naman ako. "Sumabit lang ako rito kay Hilaga kasi gusto ko ng cake."

"Cake mo mukha mo."

"Meanie naman ni Northy Babe."

Parang gusto ko silang layasan. Sa harap ko pa talaga...

"Dito ka ba lagi nag-grocery?" Natanong ko na lang para magtigil sila.

"Nagkataon lang kailangan na rin mag-grocery and since dito naman ang punta, isinabay ko na lang."

Kahit papaano ay nawala ang naf-feel kong selos nang ngumiti siya sa akin. Mas okay siguro itong moment ko kung wala lang talaga si Jade ─ na pakiramdam ko ay may gusto sa kanya.

Knowing her, she can bend anyone if she wishes to. Maganda naman kasi talaga siya, matalino rin, and iba ang karisma mapababae man o lalaki. She often says na bisexual siya pero mas madalas babae talaga ang nakakarelasyon niya.

I'm not even sure kung tamang word ang relasyon ─ more like flings. Wala naman siyang pinakilala sa amin na babae as her official girlfriend in the first place. Bihira lang din ang lalaki.

At dahil parehas lang naman kami ng gagawin ay sabay na kaming naghanap ng mga bibilhin namin. Parang sira si Jade, nilalaro niya talaga yung cart, akala mo naman siya ang nag-g-grocery.

"Jade, itatapon talaga kita."

"Teka, nag-e-enjoy pa ako."

Napatingin sa akin North na para bang hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya. "Let's leave this kid."

"Pero yung cart mo ─"

"Hayaan mo lang." Pagputol niya sa sasabihin ko. Mabilis kaming lumiko sa kabilang lane nang mauna si Jade sa amin. Lumayo kami at napadpad sa section ng nga fruits. "Balikan na lang natin siya mamaya."

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon