prologue

46 7 0
                                    

-

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of my imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story will be in Tagalog (Filipino) and English.

-

WARNING: This story may contain sensitive topics such as rape, death and/or suicide. If this--in one way or another, triggers you, please do not continue. This story may also contain mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Nevertheless, I ask for everyone to read this fic with caution at all times.

You have been warned.

-

for  aioni, Third is yours, my love.

-

OF ASSETS AND LIABILITIES
All rights reserved © 2021 by akissian

-

"Wow, Aioni. Ang aga natin, ah. Wala kang pasok?"


Isang matalim na tingin ang ibinato niya sa kanyang kaibigan dahil sa puno ng sarkasmong itinuran nito. Kung makapagsalita kasi ito ay para bang hindi ito ang may kinalaman kung bakit siya ngayon nagmamadali pagkatapos lasingin kagabi.


Ngunit imbes na tumigil ay mas lalo pa itong nang-uya. Isang tawang pang-demonyo ang bumalot sa apat na sulok ng silid.


"Hala ka. Yung perfect record mo, madudungisan," dagdag pa nito kaya't inangat niya ang kamay at ibinalandra sa harap nito ang kanyang middle-finger. Dumoble tuloy ang tawa ng babae. "Hoy bastos! San mo natutunan 'yan, ha?"


"Sa tatay mo," bastos niyang sagot.


Pagkatapos 'non ay hindi na niya pinansin si Aly sa tuloy-tuloy na pantitrip nito. Kailangan niya na kasing magmadali dahil may importanteng meeting pa siya ngayon kasama ang uupong bagong head ng kompanyang pinagtatrabahuhan.


Sa murang edad na dalawampu't walo, nakuha siya bilang legal advisor ng isang maliit na publishing house. Hindi niya inaasahang kukunin pala siya ng mother company nito bilang parte ng legal team pagkalipas lamang ng dalawang buwan pagtatrabaho. Even the other employees were shocked at how fast she got promoted.


But, they never really questioned it. Dahil kahit mas bata siya kung ikukumpara sa iba, kampante siyang sabihin na hindi pang-ordinaryong empleyado ang lebel ng kanyang kasipagan. Ika nga ni Aly, pwede na raw siyang patayuan ng rebulto pagkatapos mag-isang ayusin ang buong legal framework ng publishing house. She even revised all contracts making it fair towards the writer without the compromising the company's sales and revenue. 


"Wag mo kakalimutan mamaya ha. Alumni reunion. Sasapukin kita kapag di ka nanaman sumipot," banta nito sabay sinamaan siya ng titig.

Of Assets and LiabilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon