96 HURTS

223 2 4
                                    

Dahil natuwa si otor sa choco Mucho at Creamline game, ito na ang update.
Congrats Creamline!!! Nice Game Choco Mucho!!!
Pero ang totoong winner sa game, mga fans😂😂😂

Pagtyagaan niyo na ang update ko, hindi ko alam kung maganda. Yan lang nakayanan ng utak eh.
-------------------------------------------------------------

MADDIE POV

Andito ako sa labas ng dorm and  waiting for ate Ella, nagpapasama kasi siya na pumunta ng library. Sa dami naman kasi ng pwede niyang ayain, ako talaga ang kinukulit niya.

Tapos ng tanungin ko siya kung bakit ako ang pinagpipilitan niyang isama, ang ganda lang ng sagot niya sa akin.

"Ikaw lang kasi ang makakaabot ng book na kailangan ko dun sa library. Masyadong mataas. Mapang-api yung library sa mga kagaya ko eh."

Hindi ko alam kung maiinis ako or matatawa sa sagot niya. Pasalamat talaga siya at mas matanda siya kaysa sa akin. Kung magkataon na magkaedad lang kami, nasakal ko na siya.

MADDIE: "Finally, after 10 years lumabas ka na din."

Maktol ko sa kanya dahil ang tagal kong naghintay. Nauna na akong lumabas ng dorm knowing na magkasunod lang kami. Pero paglabas ko ng dorm, wala siya.

ELLA: "Ang init ng ulo mo, masisira ganda mo niyan teh. Sige ka, ikaw din."

MADDIE: "Pasalamat ka talaga ate Ells at mas matanda ka po sa akin. Kung nagkataon lang talaga."

Hindi ko na tinuloy po ang sasabihin ko.

ELLA: "Alam kong sawi ka, huwag mong ibunton sa akin yang kasawian mo."

Biglang hirit niya, hindi ko inasahan yun. Pero alam ko naman na alam na nila ang nangyari sa rooftop.

MADDIE: "Halika na."

Sabay talikod at naglakad na. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

ELLA: "Huwag ka mag-alala kahit sawi ka, mahal pa rin kita."

Sabay tawa niya ng malakas. Mukhang magsisimula na naman siyang mang-asar.

MADDIE: "Hindi ikaw ang gusto kong magmahal sa akin."

Pagsakay ko na lang sa usapan.

ELLA: "Kapag may mahal ng iba, move on na dapat."

Wika niya habang magkasabay kaming naglalakad ng mabagal papunta sa library.

MADDIE: "Makapagsalita ka, bakit nagmahal ka na ba?"

Balik tanong ko sa kanya.

ELLA: "Ikaw eh, kasalanan mo din. Na sayo na, pinabayaan mo pa. Ang bagal mo kasi."

MADDIE: "Hindi ko naman inasahan na may mararamdaman pala ako sa kanya."

ELLA: "Nung umamin siya sayo noon, hindi mo pa talaga ramdam na may gusto ka sa kanya?"

Dudang sagot niya at nakatingin pa talaga sa akin.

MADDIE: "Hindi ko pa siya gusto that time. Wala pa akong feelings para sa kanya nung mga panahon na yun."

ELLA: "Hindi mo pa gusto or hindi mo lang ramdam?"

Tiningnan ko siya.

MADDIE: "Ewan ko. Baka nga meron na, hindi ko lang napansin."

Wala kasi akong ideya kung meron na nga ba that time or wala.

ELLA: "Paano na yan ngayon, may Kobe na siya?"

ALL I EVER NEED continuationWhere stories live. Discover now