CHAPTER 2

3 0 0
                                    

"Miss.. andito kalang pala. Sorry nabangga kita kanina."

Itong araw yata ang gusto kong kunin na talaga ako ni San Pedro. Pero kung busy siya kahit si Satanas nalang basta kunin na nila ako dito dahil mas nakakahiya p'ato noong  nakatae ako sa short ko noong grade school.
Shit! Antanga mo naman Avi!!! Malamang pagkakamalan mo talaga siya dahil magkapareho sila ng kulay ng damit at hairstyle sa buhok at pati narin sa height nila. Nagpaulan ba ng height datii at natutulog lang ako? Putek di man lang ako ginising ni Mama!

"Tss"

Sabi ng lalakeng pinagkamalan kong nakabangga saakin at bigla nalang siyang umalis sa boutique na ito.

Napatingin nalang ako sa nakalutang na isa kong kamay at nagulat ako sa perang hawak-hawak ko padin.

Halaa! Yong pera niya!!

Kailangan ko itong ibalik nakakahiya naman kung hindi naman pala siya ang nakabunggo saakin.

Tatakbo na sana ako ng hablutin naman ng lalakeng nakabangga saakin.

"Miss.. I'm sorry talaga. Hindi ko sinasadya at nagmamadali kasi ako. Pero promise bumalik ako pero wala kana tapos nakita kita ulit dito Kaya gusto ko sanang magsorry at bumawi sayo.

"Ah.. Hindi.. oo okay lang. Salamat"

"Hindi ibibili kita ulit ng ice cream. Pambawi lang sana sa nagawa ko sayo."

Wala akong nagawa kundi ang magpatangay sa kaniya.

Nakatulala parin ako hanggang sa makarating kami sa bilihan ng Ice-cream. At hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay niya doon ang paborito kong Chocolate Ice cream.

Pero mas natulala ako sa mala- Park boo gum niyang Mukha!

My gosh! Si Boo Gum na ba to?

"Miss matutunaw na yan kung tititigan mo lang ako haha"

Ay hindi!nagtatagalog eh🤦

"Ahh.. oo salamat. Sige aalis na'ko."

"Wait.. ahm pwedi bang magtanong sayo?"

"Sige. Ano yon?"

"Boyfriend mo yong kaninang hahabulin mo Sana?"

Oo char!

"Hindi.. Kasi napagkamalan ko siyang ikaw, ang nakabunggo sa'kin. Gusto ko sana magsorry sakaniya kaso ang sungit."

"Well hindi ko siya masisisi kung nasungitan ka niya kasi hindi siya yong nakabunggo sayo at ako yon." Natatawa siya habang inaalala ang lalake kanina.

"Haay kaya nga. Di ko na tuloy maenjoy Ice cream ko"

"I'm sorry"

Tiningnan ko siya at kamukha nga niya ang paborito kong Koreano si Park boo gum kaya napangiti ako sa naisip

"Okay lang yon.. Teka bat mo pala ako nabunggo kanina? May hinahabol kang Girlfriend?"

"Ahh yon oo kaya lang nung naabutan ko siya.. Hindi yata ako ang Boyfriend"

"Ha? Bakit naman? Kakasabi mo lang ikaw ang Boyfriend."

"Wala tragic ang story namin. May kasama na siyang iba."

"Ay ganun sorry."

"Okay lang" at nginitian niya ako  "Kasi.. kung hindi kita nabunggo siguro patuloy parin akong maloloko."

" Bakit?"

"Kasi buti nalang nakita ko sa akto at hindi yong laging nakakalusot siya."

"Haay buhay relasyon nga. Kaya ayokong magkaboyfriend eh!"

"Kasi masasaktan ka?"

"Oo.. alam ko namang part na yon sa relasyon pero ang hindi ko gusto ay ang niloloko ko lang ng karelasyon mo."

"Woah hugot. Para sakin bayon?"

"Oo at Hindi.. Kasi para din sakin yon. Teka close ba tayo?"

Nagkatitigan kami at sabay kaming natawa.

"Ang cute mo."

Nasamid ata ang dila ko at hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

"Btw I'm Darker"

"Avi."

Mukhang okay naman pala ang lalakeng to. Akala ko mukha lang ang meron yiee ang wafuu Boo gum na Boo gum. Kaya Lord binabawi ko na po na gusto ko nang magpakuha kay Satanas ayoko sakaniya masusunog ako hihi at wag lang muna po ngayon.. meron po kasing mala Park Boo Gum dito beke nemen hihi.

Naisip ko nanaman ang lalake kanina.

Hay kainis ang tanga ko naman!

...

Shengkitmae💙

Undying Love🥀Where stories live. Discover now