Chapter 32

35 5 0
                                    


Natuloy ang lakad naming magkakaibigan sa Switzerland. It was an all expense-paid travel abroad. Nag-enjoy naman ako. 


"Thanks for being there." Anas ni Dionne nang ihatid ako sa bahay mula sa airport. Sinundo si Shaza ng driver nito. Mas pinili naman ni Ivana ang sumabay sa amin. Ang rason niya, baka daw need ni Dionne ng karamay.


"You really choose to be with us over that Caribbean tour. I wonder how your husband allowed you to-"


"Baka bad shot na kami sa hubby mo ha. Madami pa namang connections yon, baka ma-black list ako sa company na dream kong pagtrabahuan." Komento naman ni Ivana na nasa tabi lang din ni Dionne.


"Asa. Hindi ka big deal, gurl."  Dionne said.


"Ano na bang status niyo?" chika pa nito.


"Parang tanga Ivana. Siyempre, married pa din." Sarkastikong saad ni Dionne.


"Alam ko. I mean-"ngumuso ito at tila iniisip kung paano ipapaliwanag ang nais itanong. "Magkasama kayo sa iisang bubong tapos may anak kayo. Hindi ba kayo na-develop sa isa't-isa? Hindi ka ba na-fall sa kanya? Ang gwapo kaya ng Narvaez mo." She teased.


"No. Walang akong interes."


"Sa kanya?"


"To men, in general." Simple kong sagot.


"So, si Tan? Friends lang talaga?" Hindi na ako magtatako kung nakilala na nila si Tan. Dionne has her ways.


"How about him? Hindi ba siya na-fall sa'yo?" Tukoy ni Ivana kay Altair. I didn't see she'll ask me that question kaya hindi ako agad nakasagot.


"Aww... na-speechless."


"Hmm! Nangangamoy."


Naghagikhikan silang dalawa. "Ba't feeling ko may something na si Narvaez sa'yo. Akalain mo 'yon? You look cold, you act cold but... he's into you?" Panghuhula ni Dionne. 


Kailan pa tumalas ang instinct niya? Or masyado lang akong pagod ngayon kaya madaling nabasa yong reaksiyon ko sa tanong ni Ivana kanina. Either way, I should't let my guard down.


"Idc."


"Dalawa lang yan. Nagandahan at naakit sa'yo?" 


"Which is malabo kasi you're not the sweet, charming, and tempting type. And honestly speaking, ang daming magaganda na nalilink sa hubby mo." Kontra agad ni Dee. 


Am I not? But he said he's falling for me? So, he finds me beautiful somehow. Or he finds me attractive since he's trying to be physical with me the past few weeks.


"What's the second?" Curious kong tanong.


Reigning Battle Beyond GreedWhere stories live. Discover now