Happy ending?

297 10 6
                                    

Calli's POV

Kakalabas ko lang ng kwarto and medyo tahimik kasi nasa doctor sila dad dahil may check up si mommy.

"Good morning la!" Bati ko pagsilip ko sa kwarto niya.

"Gising ka na pala. May agahan na dyan."

"Sige po."

Pumunta na ako sa kusina at naexcite ako kasi may garlic fried rice! Hehehe. My kind of breakfast.

Dinala ko na sa dining room 'yung pagkain ko and bumalik ako sa kusina para magtimpla ng hot chocolate.

9 a.m. na and pasensya na kung nalate ako ng gising. Hindi ko kasi namalayan 'yung oras kagabi dahil nagbabasa ako ng libro. I'm sure nakakarelate din kayo.

Pagkatapos kong magtimpla, pumunta na ako sa dining room at nagsimulang kumain. Nag-iisip ako ng pwede kong gawin ngayong araw. Hmmmm. Ano bang pwede? Biking? Reading? Again.

~~~~

Okay, nauwi ako sa paglilinis ng kwarto dahil ang kalat pala ng kwarto ko and nakakairitang tignan kaya nag-oorganize ako ngayon. Tapos na akong magwalis and magtapon ng kalat. Inaayos ko nalang 'yung drawers and shelves ko.

"Hay salamat!" Sambit ko nang matapos na akong maglinis. Dinala ko na sa baba 'yung garbage bag at naabutan kong nakatayo si ate Vera sa tapat ng pinto na may tinitignan na mga envelopes? Mail yata 'yung mga 'yun.

"Calli!" Tawag niya nang paakyat na ako sa hagdan.

"Po?"

"Para kila mommy mo itong mga 'to." Sabay abot sa akin ng mga envelope.

"Ay sige po. Ibibigay ko nalang po mamaya. Thank you!"

"Tsaka ito?" May hawak siyang package and medyo natawa ako dahil doon.

"Hehehe. Order ko po 'yan. Dumating na pala. Thank you po!!" Tumango lang siya at pumunta sa kusina.

Umakyat na ako sa hagdan habang tinitignan 'yung labas ng mga sobre. Mga bayarin. Joke, hindi. Hahaha.

Pumasok ako sa room nila mommy at iniwan ko doon 'yung mga envelope then dumiretso ako sa kwarto dahil naexcite akong buksan itong package ko. Hahahaha. Alam ko sapatos ito eh.

Oo ngaaaa. Nakalimutan ko kasi kung ano 'yung inorder ko pero sandals nga siya na medyo mataas ang takong. Yipeeeee. Hindi ko alam kung saan ko gagamitin pero ang ganda kaya isukat natin. Baka hindi sakto eh.

In fair!! Ang cute. Beige Korean Suede na block high heels. Irampa natin 'to!

~~~~~

Amara's POV

We just got home from my check up. Sinabay na rin namin 'yung paggrocery dahil nasa labas naman na kami.

"Akyat lang muna ako ah." I told Alex while he's unloading the grocery bags. Tumango lang siya kaya pumasok na ako sa bahay.

I decided to check Calli in her room dahil tulog kanina nu'ng umalis kami eh.

Binuksan ko na kaunti ang pinto niya and I giggled a little dahil sa nakita ko. Rumarampa and nakaharap siya sa balcony kaya nakatalikod sa akin. Pagharap niya ay napaatras siya sa gulat.

"Mmy naman! Nagulat po ako." She said habang lumalapit sa akin kaya natawa nalang ako.

"Hmmm. Pangarap mo din yata maging beauty queen eh." I said. She greeted me with a kiss on the cheek.

"Hindi po. Hahaha. Tinetesting ko lang po itong sandals." Sabi niya then she showed me her sandals. Bago yata.

"Iyan ba 'yung inorder mo?" I asked. Kasi tinanong ko siya kung anong gusto niyang regalo nu'ng birthday niya eh hindi na daw namin siya kailangang bilhan ng gift kaya iyan, umorder nalang online.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now