Araw-Araw

24 5 1
                                    

"Eeeeeee" Rinig ko ang takure ni Nanay mula sa kabilang kwarto ng aming bahay. Umuulan na naman. Ilang araw ng umuulan ah? Bukas siguro ay uulan na naman.

"Ang tagal tumila ng ulan, baka hindi na ako makauwi." Sabay halakhak naming dalawa ni Rain.

Hindi talaga ako sang ayon sa pa groupings ng teacher namin. Dati kasi ay nag-pagroupings din siya ng by two pero malas ko lang, dahil ang pinakapasaway pa sa klase namin ang naging ka-partner ko. Pero ngayon, ayos lang. Dahil si Rain naman ang ka-partner ko. Kahit saan pa, kung si Rain ang kasama ko ay papayag ako.

"Rain, rain, go away come again another day..." Sambit ko habang ipinapakita kay Rain ang mapang-asar kong mukha. Sabay ulit kaming tumawa ni Rain. Himala, hindi siya napikon ngayon ah.

"Imbes na 'yan ang kantahin mo, magpatugtog nalang tayo ng mga paborito mong kanta!"

Agad akong napangiti sa sinabi niya. Totoo palang nakakainlove ang isang tao kapag palagi niyang naaalala ang mga simpleng bagay tungkol sa'yo.

"Anong silbi nitong mata kung di kita nakikita, ang boses mong anong ganda na musika saking tenga,"

Sabay naming sambit habang sumasayaw sayaw pa. Animong feel na feel ang kanta. Ilang oras rin kaming ganon, at nang mapagod na ay umupo na kami at tinanaw ang araw sa paglubog nito. Mabuti nalang at mahangin sa terrace namin.

"Buti hindi ka pinapagalitan nila tita, ang lakas lakas ng patugtog natin tapos ang lakas pa ng boses mo feeling mo naman ang ganda haha." Tinarayan ko siya.

Akala niya ako lang ang maingay at feeling maganda ang boses, siya nga kanina parang ewan sumayaw eh. Pero kahit na gano'n, ang g'wapo niya pa rin. Tumigil na kami sa pagsayaw pero sinasabayan pa rin namin ang kanta. Para kaming nasa libro. Katulad sa mga nababasa ko, nakatingin ang dalawang bida sa langit, pinapanood ang araw hanggang sa ito'y lumubog. Maghahawak sila ng mga kama'y at titingin sa isa't isa bago maghalikan. Maya maya'y natauhan ako mula sa pag-iimagine 'ko nang biglang magsalita si Rain.

"Kay tagal ko nang nag-iisa, and'yan ka lang pala..."

Kanta niya habang nakatingin sa lumulubog na araw. Nagulat ako nang bigla siyang tumigil sa pagkanta habang hindi pa 'rin inaalis ang tingin sa araw, kaya't ako nalang ang nagtuloy ng liriko ng kanta. "Mahiwaga, pipiliin ka sa araw-araw,"

Sambit 'ko habang nakatingin sa kaniya. Nagulat ako ng tumingin siya saakin. Baka imahinasyon 'ko lang ito. Palagi 'ko namang iniimagine ang g'wapo niyang mukha. Napangiti nalang ako at nang aalisin 'ko na sana ang tingin 'ko sa kaniya ay bigla siyang ngumiti, dahilan para matigil ako sa pagkanta...

"Mahiwaga, ang nadarama sa 'yo'y malinaw,"

...At hindi 'ko inaasahan na siya ang magtutuloy no'n. Ano nang mangyayari ngayon? baka nahalata niya ang pagtitig 'ko sa kaniya. Pero... kung iisipin niya, na gusto 'ko siya... paano na? hindi 'ko gustong itanggi kung sakali mang tanungin niya ako kung gusto 'ko ba siya dahil... gusto 'ko siya. Pero kung itatanggi 'ko, masasaktan lang ako. Malay 'ko ba kung gusto niya 'rin ako.

Kapag ba palaging nag-aalala sa'yo ang isang tao, palagi ka niyang kasama at gustong makasama, palagi siyang andiyan para sa'yo, kinocomfort ka kapag malungkot ka, handang maging nanay, tatay, o kuya mo para sa'yo at pinagkakatiwalaan ka ng sobra. Ibig bang sabihin no'n gusto ka niya? Pero paano kung gano'n din siya sa ibang mga kaibigan niya? Paano kung friendly gestures lang pala ang mga 'yon?

"Elle, kanina ka pa tulala."

"Rain, may tanong ako..." Tumingin siya sa akin na puno ng pagtataka. "Kapag ba mahal mo ang isang tao, pipiliin mo siya, araw-araw?"

Bahagya siyang natawa at umayos nang upo. "Hindi," Nagulat ako sa sagot niya. Nahalata niya 'rin siguro na hindi ko inaasahan ang sinabi niya. "Kung mahal 'ko ang isang tao, hindi 'ko siya pipiliin araw-araw. Dahil pipiliin at mamahalin 'ko siya kada oras, kada minuto at kada segundo. Bakit 'ko pa aantayin ang bukas para iparamdam 'ko ulit sakaniya na mahal 'ko siya kung p'wede namang iparamdam 'ko 'yon sa kaniya kada segundo. Hindi 'ko palalagpasin kahit na segundo para iparamdam 'ko sa kaniyang mahal 'ko siya."

"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit 'ko 'yan itinanong sa'yo?" Ngumiti lang ulit siya saba'y sabing,"Hindi."

Lalakasan 'ko na ang loob 'ko. Itatanong 'ko na sa kaniya na...

"Ako..." Tumingin siya sa akin na tila hinihintay ang sunod kong sasabihin. "Ako... pipiliin mo, araw-araw?"

Saglit na katahimikan ang namutawi saamin. Nang inalis 'ko ang tingin sa kaniya ay narinig 'ko siyang bumuntong hininga. At ang sagot niya... ang sumira ng araw 'ko.

"Hindi."

Ngumiti ako ng mapait, magsasalita na sana ako nang magsalita ulit siya. "Hindi lang araw-araw kundi kada oras, minuto at segundo, pipiliin kita."

Tumila na ang ulan. Tumila na 'rin ang lungkot na naramdaman 'ko.

Araw-Araw (One Shot)Where stories live. Discover now