I'm inlove with the bully

2.4K 185 77
                                    


A/N: Namiss kong gumawa ng one shot hahaha. Feeler kasi eh. (Anong konek hahah)
Enjoy! Sana magustuhan niyo hahaha.

×××××××××

"Wag kang harang sa daan ko. Tabi!" Nabigla ako ng sumigaw na naman siya.

"Naku! S-sorry!" Dahil sa takot ko, nagmamadali akong tumakbo pabalik sa upuan ko. Ang bobo mo, Sandy. Bakit ka paharang harang dun, eh alam mo namang dadaan any time si Rock at sisigawan ka na naman niya? Hayy. Di ka pa talaga natuto. Psh.

'Eh gusto ko kasi siya una makita ko sa umaga'

Gaga. Eh ikaw? Gusto ka ba niyang makita? Hindi diba? Tama na.

"Oh? Bakit ka nakatingin sa akin?!" Napaiwas ako bigla ng tingin. Nakakatakot naman si Rock. Badtrip na naman siguro iyan.

"W-wala lang." Sabi ko. "Ba't ba kasi napakasungit mo? Tch." Pabulong kong sabi.

"Oh may sinabi ka?" Nabigla ako nung lumapit siya sa akin. Ano na naman ba ginawa ko?

"Hoy Sandy, kung ang iniisip mo na bingi ako dahil akala mo di kita narinig, mag-isip kang muli. Pasalamat ka....asdfgghjkl"

Ano daw? Bakit naman ako magpapasalamat? Dahil binubully niya ako? Ganun?

"B-bakit naman ako magpapasalamat?" Napahawak ako sa glasses ko. Mukhang malalaglag na anytime dahil sa kaba. Kinakabahan ako sa di malamang dahilan.

Bakit wala pa kasi mga kaklase ko? Napaka aga ko naman kasi.

"Wala. Sabi ko pasalamat ka babae ka." At ayun umalis na siya palabas ng room.

Nakahinga ako ng maluwag. Nagsidatingan naman ang mga kaklase ko. Akala ko sasaktan niya ako.

Hindi imposibleng di niya ako saktan, siya si Rock, ang bully ng klase namin. Marami na siyang sinaktang lalaki at napaiyak na babae. Hindi pa naman ako nakakakita na sinasaktan niya ang mga babae pero tinatakot niya at binablack mail. Delikado no? Delikado talaga lalo na sa akin, dahil ako ang main target. Ako lang naman kasi si Sandy, ang nerd sa klase namin kaya ako ang madalas mabully.

May mga times na tinutulak ako at hinaharangan. Inuutasan niya rin ako at binablack mail. Nakakatakot siya, pero bakit ganun? Nasanay na ako sa kanya at para bang vitamins ko na ang pambubully niya sa akin?

Inlove kasi ako sa bully na iyan.

Kawawa ko no? Psh.

*kriiinngg*

Uy flag na pala. Nagmadali akong tumakbo papunta sa covered court. Doon kasi kami nag faflag ceremony.

Habang tumatakbo ako para makalinya nabigla ako ng may pumatid sa akin at napasubsob ako sa sahig.

"Araayy!" Daing ko. Biglang natanggal ang glasses ko. Galing sa pagkadapa umayos ako ng upo sa sahig at tiningnan kung sino iyon. Ngunit di ako makakita ng maayos. Kailangan ko muna yung glasses ko. Kinakapa ko ang sahig. 'Ayun' nakuha ko at sinuot iyon ulit. Tiningnan ko kung sino.

Nakita ko si Rock na nakatalikod sa akin at napalakad palayo. Siya ba may gawa nito? Bakit?

"HAHAHAHA!" Napatakip nalang ako sa mukha ko dulot ng kahihiyan. Pero biglang kumirot yung tuhod ko kaya tiningnan ko iyon.

Dumudugo ito. "Aray. Shit. May nakabaon na maliit na bato sa sugat." Bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang panyo ko at pinahiran ang dugo. At talagang pinagtatawanan pa ako. Hayy. Asa namang may tutulong sa akin.

"Bayang magiliw..." Nagsimula na silang kumanta kaya tumayo ako kahit mahapdi ang tuhod ko. Ngunit pagtayo ko napaupo ako ulit. Kumirot na naman sugat ko. Sa totoo lang, malaki siya eh. At mukhang nasprain pa ata ako. Sumakit kasi ang paa ko. Shit. Grabe naman to.

I'm inlove with the bully (one shot)Where stories live. Discover now