CHAPTER 1

191 3 0
                                    

Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Malayo sa kabang hatid niya at kaba kapag sasalang ako sa audition para sa gustong role. This nervousness is what I hate the most. Kabang baka ito na ang huling apak ko sa industriya. Kabang baka tuluyan ng mawala sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko. Kabang baka hindi lang ako ang ibash ng mga tao at madamay lahat ng taong may koneksiyon sa akin. Ayoko ng ganitong pakiramdaman.

Henrico is watching my expression while his jaw is clenched. He's not happy with my expression at all, kita 'yon sa pagtatangis ng bagang niya. His hands remained on my waist but it loosened. Biglang parang nanlamig ang sistema ko. Ang mga kamay kong kaninang nakapulupot sa batok niya ay nasa gilid ko na, nanghihina, nanginginig at halos hindi ko na maramdaman.

"Get my phone and traced the one who posted those shit." mariing sabi ni Henrico sa tabi ko. Tuluyan niya na ring inalis ang kamay niya sa bewang ko. Mas nanlamig ako dahil doon.

"We can just say that it was from a fan's phone who edited the pictures." Elias tried to make it light. Tumingin ako kay Henrico at paahon na siya ng pool. I just watched him. Dumiretso siya sa pwesto niya kanina at kumuha ng sigarilyo bago naupo doon. He lit his cigar and angrily puffed it. Lumapit sa akin ang mga kaibigan namin para aluhin ako.

"N-Natatakot ako..." pag-amin ko. I can feel my tears already. Kaunting pag-ooverthink pa ay mapapahagulhol na ako. Inalo nila ako at pilit pinaahon pero ayoko munang umalis sa tubig. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin at haharapin si Henrico. He's watching my expressions awhile ago. Alam kong nakita niya ang takot at kaba ko. Doon palang alam niya nang hindi ko kayang iwan ang mundong matagal ko ng pinasok. Hindi pa...

Somehow, I calmed down when I saw the comments. Maraming nasasabing edited at napakaimpossible no'n dahil mas napapalapit na raw kami ng katambal ko. Mostly fan ng love team namin ni Vael ang nagsasabi nito. Iginigiit pa ng iba na may tinatago kaming relasiyon ni Vael. While Henrico left the industry and doesn't want someone involved in a limelight. Kaya nga raw umalis sa industrya ay dahil ayaw nito na masyadong nahuhungkat ang personal niyang buhay kaya impossible raw na girlfriend ako neto. At may mga nagsabi pang nasa probinsiya si Henrico at namumuhay doon ng payapa pagkatapos iwan ang industriya kaya malabo raw na may katotohanan ang mga pictures na kumakalat ngayon. May mga nakikipag-away pa na photoshop ang mga picture pati ang convo namin ni Henrico.

Nagkalakas na ako ng loob na lapitan siya. Ramdam ko ang mga tingin ng mga kaibigan namin pero wala namang nagtangkang magsalita. Natigil na rin ang banda sa pagtugtog. There's a hollow feeling in my stomach looking at him this way.

I'm sorry if I am not yet ready to publicly announce our relationship. I'm sorry if I can't leave the industry yet. I'm sorry if I'm not as strong as you to leave the industry that embraces me for a long time. Hindi pa muna...

"S-Sorry." basag na sabi ko. Hindi siya tumingin sa akin. Pinatay niya ang sigarilyo at tumayo.

"Henrico." I called nervously. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa pag-alis. He heave a sigh and removed my hand on his arm.

"I'll just clear the issue." he said a bit mad. "I don't want our relationship to ruin your career." mas sumikip lamang ang dibdib ko sa pait nang pagkakasabi niya. Bumuhos ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. He closed his eyes painfully, stopping himself to look at me.

"You're not yet ready. I understand. But that doesn't make it less painful." he said coldly and entered his house. Humikbi akong sinundan siya ng tingin. Nagdire-diretso siya sa loob at nakita ko pa ang pagtapik ni Gregory sa balikat niya. He didn't stop or talk to him.

Lumapit sa akin si Dalia at niyakap ako. I sobbed on her shoulder.

"Ayaw niyang tinatago." alam ko. Malungkot akong tumingin kay Billy, the new vocalist of the band. Kaibigan siya nina Hussel. Sa madalas niyang  pag-gi-gig sa Bar kung saan nadiscover ang banda nina Henrico dati ay ang naging tulay para mapalapit sila sa isa't-isa.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon