Chapter 35 (Part 4)

9 0 2
                                    

BAEKHYUN

"Ayun ang buong kwento" sabi ni Chanyeol sa akin at napa yuko. "Ang tanga tanga ko naman kasi naniwala ako agad sa kanya." pagpapatuloy ni Chanyeol. Nandito kami sa garden para makapag usap kaming dalawa. 

"Ang liit lang ng mundo akalain mo yung Heechul pa na 'yun ang nakabuntis sa kanya" natatawang saad ko habang nakatitig sa langit. 

"Gusto ko magsorry sa'yo Chanyeol kasi hindi natin 'to inayos nagpadalos dalos kasi ako sa mga naging desisyon ko. Kasi nasaktan ako eh, akalain mo 'yun mahal na mahal kita tapos lolokohin mo lang ako ulit pagkatapos kitang bigyan ng chance. Tapos akala ko hindi na kita makikita ulit pero lagi tayong nagkakasalubong kasama 'yung babaeng butete na 'yun, na dapat ako yung nakahawak sa kamay mo." sabi ko sa kanya at ngumiti ng mapait. Kung tutuusin kasi mas mahirap ang pinagdaanan ni Chanyeol kaysa sa akin. 

"Mabuti na nga lang at biglang sumulpot ang Heechul na 'yun kung hindi, hindi na kita makikita sa habang buhay ko" sabi niya at inakbayan ako napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Balak kasi ng parents ni Mabel na patirahin kami sa China since taga doon talaga sila pagkatapos ng kasal namin." pagpapatuloy niya

"Kaya nga nagpakita ako sa'yo noong board exam day mo gusto ko sana na maka usap ka at mayakap pero umalis ka. Hindi na kita sinundan kasi baka lalo ka lang magalit sa akin at ayaw ko rin ng gulo dahil nga exam day mo iyon." sabi niya ulit.

"Alam mo ba na hinihintay pa rin kita sa araw-araw, umaasa ako na babalik ka pero hindi" malungkot kong sagot sa kanya. 

"Talaga? Kaya pala inalis mo ang lahat ng gamit mo sa bahay natin at wedding picture lang ang naiwan" natatawang sabi niya at mahina ko siyang hinampas

"Baliw ka ba, baka doon kayo titira eh tapos andon yung mga gamit ko awkward lang 'di ba?" sabi ko sa kanya at sandali kaming nanahimik.

"Alam mo laking pasasalamat ko kay Suho hyung dahil nanjan siya kapag kailangan mo at siya lagi ang nalalapitan mo kapag may problema. Akala ko nga pagbalik ko kayo na eh pero hindi pala." sabi niya at kinurot ang pisngi ko. 

"Liligawan kita, Baek gusto ko iparamdam sa'yo kung gaano kita ka mahal at ako ang karapat-dapat para sa'yo" sabi niya sa akin muli habang nakatitig sa mga mata ko.

"Sasagutin kita sa isang kondisyon" sagot ko sa kanya

"Ano naman 'yan? Basta madali lang ah" sabi niya dahilan para matawa ako. 

"Pag-iisipan ko pa. Basta" sagot ko, magsasalita sana si Chanyeol pero biglang nagring ang phone ko. Kaya sinagot ko muna ito at kumalas sa pagkaka akbay si Chanyeol.

[Hello Sir sorry kung madaling araw na ako tumawag ah] sabi ni Lisa sa kabilang linya

"Walang problema, ano ba iyong Lisa?" tanong ko sa kanya

[Sir Baek, umatras po 'yung nakuha nating model para sa mens skin care, hindi siya nagsabi ng dahilan basta nagpa cancel siya] paliwanag ni Lisa na medyo nanginginig pa ang boses antok na siguro [Kakatawag lang po niya sa akin actually] pahabol niya

Napahawak ako sa sentido ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, bakit ngayon pa nag-inarte 'yun kung kailan malapit na ang launching ng product at kung kailan nai adverstise na na ang lalaking 'yun ang next ambassador ng isang product sa company namin. Sayang ang pera hayuf siya. "Baek, what's going on?" tanong ni Chanyeol pero hindi ko siya sinagot kaya nanahimik siya. 

"Sige back to zero tayo at magahahanap tayo ng bago. Matulog ka na Lisa at bukas na natin ito pag-usapan kasama pa ng ibang board members" sabi ko sa kanya. 

[Noted po Sir Baek, see you tomorrow. Good night] masayang sabi niya sa kabilang linya

"Good night, thanks Lisa" sabi ko at ibinaba na ang tawag. Hindi ko alam na mas magiging stressful pa ang trabaho ko kapag may ganitong eksena, nakakabaliw. Mabuti na lamang at nandyan si Lisa. 

"Ano ang nangyari Baek?" tanong ni Chanyeol kaya ibinalik ko ang atensyon ko sa kanya kanina pa kasi naka kunot ang noo niya. 

"Wala may problema lang sa trabaho, pero maayos rin naman namin iyon" sabi ko at tumango lamang siya sa akin. Napatitig ako sa mukha niya, ang gwapo niya talaga.

"Chanyeol, pumunta ka sa office ko bukas. Doon ko sasabihin kung ano ang kondisyon ko. 


----------------------------------------

LAST UPDATE KO MUNA ITO FOR THE MEANTIME MAY RESEARCH DEFENSE AKO SO GOODLUCK SA AKIN HAHAHAAHA

Arranged with Park Chanyeol (ChanBaek FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon