Chapter 2

19 4 0
                                    

Charlotte's POV

It's been a week since I reincarnated as Charlotte. I really thought it was dream at first, but then slowly I realized that this isn't a dream anymore. This is reality.

*sigh* Hindi rin naman ako makakabalik sa mundo ko kasi paniguradong patay na ako . I wish my mother will accept my death para hindi na siya mas masaktan pa. 

These past few days I've been living as Charlotte not Chloe anymore. People in this household noticed my sudden behaviour. It's because Charlotte has a lovely and cheerful personality towards them but after I take over this body Charlotte became Silent and Serious. 

Currently Charlotte is 16 years old. In this age hindi pa niya na meet yung Male lead at female lead. After realizing that this isn't dream anymore I began to create a plan and do everything to change my fate. I won't allow my self face a very painful death. Never

Charlotte was executed when she was 19 years old. Wait the woman I saw before I was reincarnated her is Charlotte? Although the woman's face is not clear . I could literally see Charlotte's feature in her and she's asking for help.

Napapikit nalang ako habang inaalala ang pangyayaring iyon. She want me to change her fate which I'll Voluntarily do. Since ako na ang nagmamay-ari ng katawan na ito , Gagawin ko ang lahat para maiwasan ang kapalaran ko.

When Charlotte was in this age ay mag-aaral siya sa isang Akademya na kung saan makikita niya roon ang ibang mga characters ng nobela kasama na roon ang mga bida. *Sigh* 

It seems that hindi ko talaga maiiwasan ang kapalaran , No matter how hard  I prevent myself from seeing the main characters Fate will make it happen. That's why Fate is cruel duh.

" My lady, Bakit di niyo subukang mag lakad lakad sa labas, Ang ganda ng panahon ngayon" Ani ng Katulong na palagi kong kasama. There are 6 maids in total  attending me in my daily life this is awkward for me to be honest.

"Uh.Sige" Tumayo na ako at lumabas sa Kwarto ko . I haven't go out in this room for a week that makes the Duke and the Duchess panic. Kaya araw-araw nila akong bini-bisita, Bago ko lang din nalaman na hindi ko pala totoong ina yung Duchess. 

Charlotte's real mother died after she gave birth based on what I recall. Well , I have Charlotte's memories since I am Charlotte now.  Pero noong isang araw ko lang nakuha yung alaala ni Charlotte.

Nang makalabas na kami sa Room ko ay sumalubong sa akin ang Napaka engrandeng Hallway. Wow everything here in this house is Perfect. Tini- Tignan ko lang yung mga bagay bagay sa kilid. There are portraits and frames on the wall.

Nakita ko pa yung Portrait ni Charlotte noong bata siya. She's adorable mukhang di siya nakaranas na maging pangit kahit isang araw lang haha. How blessed she was.

"M'lady, Nais niyo bang pumunta sa Hardin" Malumanay niyang tanong. My gosh di parin ako sanay sa tagalog nila. Napagtanto ko ring ilan lang sa tao rito ang marunong magsalita ng English. Sabi nila mga High Rank daw yung marunong mag English atsaka yung mga nakapag-aral sa akademya.

Tumango lang ako bilang tugon. Nandito na kami sa labas ng Bahay. I could see many wowrkers doing there thing. Habang napapadaan ako sa kanila ay binabati nila ako. Nginingitian ko  lang sila bilang tugon ko.

All of them are polite, Charlotte is blessed to have these people around her. Everyone in this house loves her. Bakit ba kasi sa dinami dami ng taong mamahalin niya ay ang Prinsipe pa. But now that I have control of this body , Hinding hindi ko siya magugustuhan.

Nang makarating na kami sa Garden ay namangha ako sa ganda. Flowers are well arranged and there's a cottage in the center surrounded by Flowers , Different kinds of flower.

"This is Beautiful" Namamangha kong sabi. Nagtaka naman yung mga nakasunod sa akin . Di pala sila nakakaintindi. 

"Ang ibig kong sabihin ay Napakaganda rito" Paliwanag ko. Napa tango tango naman sila matapos marinig ang paliwanag ko.

Nasa may Cottage na kami, May katulong na nagtitimpla ng Tsaa para sa akin.  Yung iba naman ay nakatayo lang habang nakayuko. Para naman akong prinsesa rito.

"Umupo kayo" Anyaya ko sa kanila pero umiling lang sila. Di pwede?

"Sige tatayo nalang ako." Tatayo na sana ako ngunit dali-dali silang naghanap ng mauupuan nila. 

"Uupo naman pala kayo eh." Pang-aasar pero tahimik lang sila. Noong buhay pa ako sa mundo ko ay gusto ko talaga ng tahimik pero ngayon bakit namimiss ko yung ingay? Nakaka Bored pala kung ang tahimik.

*Sigh*

"May problema po ba M'lady" Nag aalalang tanong ng Head maid sa akin. Umiling nalang ako. 

Ang ganda ng view dito, Nakaka relaxing but I want to talk to them. Mas maganda kung may kausap ako. Ba't gusto kong magdaldal ngayon? Hindi naman ako madaldal is it because ito ang katangian ni Charlotte? Perhaps it is.

Nag-iisip ako ng maaari naming pag-usapan para naman di ako ma bored. hmm pano kaya kung turuan ko nalang sila ng English? Magandang ideya rin . Pumalakpak ako upang makuha ang kanilang atensyon. Nang makuha ko  ang atensyon nilang lahat ay nagsalita na ako.

"Gusto niyo turuan ko kayo ng wikang Ingles" Nagulat naman silang lahat sa sinabi ko. Hindi nila alam ang kanilang isasagot nang biglang magsalita ang Head Maid.

"Nais po naming matuto M'lady ngunit ayaw ka naming abalahin pa" Nakayuko niyang ani.

"Hindi, Ayos lang sa akin para naman kapag nagsasalita ako sa wikang Ingles ay naiintindihan niyo" Minsan kasi nakakalimutan kong hindi sila nakakaintindi ng English kaya kailangan ko pang e translate. 

Gusto ko silang turuan dahil lahat sila ay hindi nakapag-aral sa akademya. Mga mayayaman lang kasi nakakapag-aral sa akademya at yung may matataas na ranggo. What kind of Empire is this.

"Makinig lang kayo sa akin." Tumango naman sila.

"Magsisimula tayo sa kung paano kayo magpapakilala sa wikang Ingles. Sabihin niyo lang 'I AM ibig sabihin niyan ay 'AKO SI pagkatapos ay banggitin niyo ang inyong pangalan." Sinubukan nilang banggitin yung tinuro ko. Medyo naging maingay na kaya napangiti ako. My idea is working.

"Subukan niyong ipakilala ang inyung sarili sa wikang Ingles, Magsimula tayo sayo"Turo ko sa Head maid. Kinakabahan pa siya saka tumayo at hinarap ako. Ako lang kasi ang hindi nakakakilala sa kanila.  Akala nila may amnesia ako haha.

"I-I am Linda M'lady" Nauutal pa siya. Pumalakpak ako sa galak, Ang sarap lang sa pakiramdam na  may natuturuan ka.

Nahihiya naman siyang umupo. Namangha naman yung iba atsaka pinuri si Linda. Sumunod naman yung ibang maid sa pagpapakilala . Karamihan sa kanila ay kinabahan ngunit pinapalakas ko ang kanilang loob.

Pagkatapos nilang magpakilalang lahat ay tinuruan ko pa sila ng ibang mga salita ng Ingles. Gaya ng Pagbati, Pagbibilang, Pronouns,Verbs at iba pa. Tumigil ako sa pagtuturo sa kanila ng mapansin naming dumidilim na. Pumasok na kami sa bahay karamihan sa kanila ang nagpapasalamat sa akin gamit ang wikang English . Kinikilig pa sila habang nagsasalita.

Grabe ang babaw ng kaligayahan nila.  I feel so great seeing them happy and enjoyed.

____________

Short ud.hihi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I,The Duke's Daugter will make AmendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon