CHAPTER 28

272 8 0
                                    

Chapter 28

"Dad, what happened?!"


Malakas kong binuksan ang pinto ng hospital room ni Kuya Kino.


Habang nasa daan pa lang kami kanina ay kung ano-ano na ang pumasok sa isipan ko. Baka malala 'yong tama ng kapatid ko at kailangan ng mahabang operasyon. Paano kung sa likod siya na tinamaan ng bala nadali ang spine niya? Paano kung manganib ang buhay niya habnag isinasalang siya sa operasyon? Paano kung hindi siya kayang salbahin ng mga doktor?


Hindi ko kakayanin kapag nawala sa'min si Kuya! Paano ako? Paano sina Mommy at Daddy? Paano sina Ate Phine at Wilmarie? Hindi siya pwedeng mawala!


Ako ang puno't dulo ng lahat! Ako dapat sana ang nasa panganib ngayon at hindi ang kapatid ko. Ako dapat ang nabaril, hindi siya!

Bigla akong napatigil at nanigas sa kinatatayuan nang makita ko si Daddy na nakayuko habang nakaupo sa tabi ni Kuya na nakasara ang mga mata.

"I-is he o-okay?"


Pinunasan ko kaagad ang luhang tumulo mula sa mata ko. As much as possible, ayokong ipakita sa lahat na mahina ako. Ayokong makita na naman nila akong umuiiyak at sinusukuan ang buhay.


Dahan-dahang lumapit sa'kin si Mommy at niyakap nalang ako bigla.


"Your brother will be fine, anak. Go to him. I bet he wanted to hear your voice," malumanay na pagkakasabi ni Mommy.


Nagawi ang tingin ko kay Ate Phine na may maliit na ngiti sa labi. She mouthed, 'Go on'.


Kumalas ako sa yakap at naglakad palapit kina Daddy. I patted Dad's shoulder and kissed the top of his head.


Tumingin ako kay Kuya at dahan-dahang hinaplos ang mukha niya. Habang nakatingin sa kaniya, it made me realize how selfish I am for not choosing to leave the country. Mas lalo lang nanganib ang buhay nila dahil nandito ako. I should've done what they asked me to.


"I'm sorry, Kuya. I should've listened to you. This is my fault. This is all my fault…" mahinang sabi ko.


Yumuko ako para hindi makita ang ukha niya. Mahirap siyang tingnan ng matagal dahil lalo lang nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko. Kasalanan ko kung bakit nauwi sa ganito ang lahat. Kung nakinig lang ako ay hindi sana ako lang ang nahihirapan.


Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. "K-kelsey…"



Kaagad akong napaangat ng tingin kay Kuya nang marinig ko ang boses niya. Nawala ang saya at ngiti dahil sa sunod niyang ginawa.


Ngumisi siya at walang kahirap-hirap na umalis sa hospital bed niya at nagtata-talon.


"It's a prank, 'lil siiiiiiis!" sigaw pa niya.


I blinked my eyes a couple of times, not processing of what just happened. Inikot ko ang katawan ko para tingnan ang iba pa naming kasama sa loob ng kwarto. My Mom, Dad, Ate Phine, and even Kench were all laughing and smiling.


Napatalon ako sa gulat nang biglang nagpasabog ng confetti ang kapatid ko. Lumapit sa'kin si Kench at lumuhod sa harapan ko. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyayari.


"Will you marry me again, Kelsey Deldry Zafena?"


He looked up to me. I blinked twice, processing what he just said to me.


"W-what?" I asked totally dumbfounded.


"I waited years for you to come home to me, Deldry. Hindi ko na kaya pang magsinungaling sa'yo tungkol kay Nicolo. I'm sorry if we just made him up para lang mapilit ka na sumama ulit sa'kin. Nicolo does not exist, Deldry. I'm so sorry for lying to you. Alam kong sobrang nonsense ng rason namin para lang magsama ulit tayo but trust me, ginawa lang namin 'tong lahat para mapatawad mo na ako. We were childish, I know. And I'm sorry for everything, love. I didn't mean all of these to happen. I'm so—"


The Lucky Collateral - COMPLETEDWhere stories live. Discover now