Chapter Three

688 23 1
                                    

Chapter Three

"Maru, anong lagay nung secretary ni Toby?"

Kinalas ni Maru ang neck tie nito at hinarap sya.

"Dead on arrival."

"What? He's our only witness! Maru!"

"Huwag kang sumigaw. I can clearly hear you."

"Eh iyong isang napuruhan? Iyong abogado?"

"He'd unconscious as of now. We'll have to wait for him to be okay bago natin sya tanungin kung anong koneksyon nya kay Toby."

Pepper got busy the following days, may nagrent sa private island uli for proposal daw. She find it sweet kaya binigyan nya ng discount but the man still wants to pay in full payment. Hinayaan nalang nya, mukha naman kasing galante iyong lalaki.

Kakalabas nya lang sa court room nang magring ang cellphone nya. Nagpaalam na sya kay Yan. She ignore the call, pagod na sya ngayon. Ayaw nya munang kumausap ng kung sino.

Once again, her phone rang. Sinagot nalang nya iyon.

"Pepper, where are you?"

"Jaguar. Why?"

"I heard that Atty. Miller is already awake. He's kinda aloof." Ani Maru sa kabilang linya. "Ikaw na ang kumausap."

Ang bilis ng kilos nya na umalis sa Jaguar at tinungo ang sasakyan nya. Yan saw her but she ignore her and started to drive.

Pinagtanong nya agad ang room nito, good thing the hospital were open for their patients. Kumatok sya sa room nito, ilang minuto pero walang nagbubukas. So she decided to twist the doorknob, and took a peek inside.

Tanging tunog lang ng makina sa tabi ang narinig nya. Bakit sabi ni Maru gising na daw? She went inside and quietly stared at the man's face. Kalaunan ay umupo sya at kinuha ang cellphone nya.

Ilang minuto bago nya inangat uli ang tingin at halos mapatili nang makitang nakatitig na sa kanya si Atty. Miller.

"I'm Prosecutor Pepper Marcaida. I'm here fo--"

"What do you want?" Pinasadahan sya ng tingin ng lalaki. Dahan dahang lumapit sa kanya pero lumihis lang pala.

"Did you happen to know Toby De Silva?" tanong nya.

Tumayo ito kaya mabilis nyang inalalayan, kaso tinaas nito ang kamay para patigilin sya.

"May alam ka ba sa pagkamatay nya?"

The man stared at her, mula paa hanggang ulo nya. Tinapatan nya din ang pagtingin nya dito.

"You're a prosecutor?"

"Yes. And I wanted to know--"

Natigilan sya ng tumawa ito at umiling iling. Tumayo ito sa harapan nya.

"You know what, this is not the proper way to imbestigate." unti unti itong lumakad palapit sa kanya. "Idiota, stupida. Non dovresti essere un pubblico ministero."

Halos paulanan na sya nito ng laway noong sinabi iyon sa mukha nya mismo. Kapagkuwan ay umayos ito ng pagkakatayo sa harapan nya. Palihim nyang kinuyom ang kamao nya.

"Ano? I need translation!"

"You don't get to force someone for an answer, Miss Marcaida." Bahaya pa itong tumango sa kanya. "Have a good day."

"Wait! Dahil ba hindi ko binenta sayo ang private island ni Toby, you will do this?"

Hindi na sya pinansin noong lalaki at hinila ang dextrose papasok sa cr. Halos ibato naman ni Pepper ang hawak na cellphone dala ng inis. Her phone rang, ngunit tinawag sya ng nurse para sabihin ns kailangang bayaran ng pasiyente ang bill.

Island Series: Pepper MarcaidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon