TASK GUIDELINES

327 77 4
                                    

This is only for the new writers who don't know how our book club works.

TASK GUIDELINES
Please read and do all the guidelines below. ⤵

I group everyone by pair pero if may sobra mage-exceed tayo sa 3 writers per group.

Ano ang patakaran ng task?

-Read all the chapters na ibibigay ko sa inyo.

-Follow your partner’s account. I'm checking all of you so please do this.

-Message your partner about the task. Para na rin makilala niyo ang isa't-isa at mapag-usapan ang task ninyo. Message niyo ako kapag hindi niyo sila ma-reach out.

-Send me a dm kung ang story ng ka-partner mo ay hindi angkop sa iyong edad o miski hindi ka komportable. (ex: merong sexual scenes, violence, mentions of different types of abuse, drugs, etc etc.) Meron tayong ganitong guidelines para sa mga minor writers at para sa mga writers na hindi komportable sa ganitong usapin, esp. sa errotic at abuse. So please reach out to me kung meron kang problema sa story ng partner mo. Note: Aalamin ko muna kung ikaw ay nagsasabi nang totoo bago gumawa nang aksyon.

- Every chapter must have 5 comments na hindi mema lang. Example:
"Ang ganda! Author ud na agad!"
"HAHAHAHA NICE"
"NAKS"
"SOLID"
ALWAYS comment nang maayos, 'yung may laman. Hindi magco-comment nang kung anu-ano lang. I don't force you to comment on every paragraph just comment kung saang paragraph kayo comfortable. Basta 5 comments every chapter.

-You have to leave critiques and summary of the story of your partner here pagkatapos niyo sa task. Okay lang sa akin ang maikli pero pag nakita kong mema lang, magbibigay ako ng warning. Please read your partner’s story, pinagpaguran niya 'yon at binasa niya rin ang iyo. Please be fair.

-READ AND COMMENT ONLY the no. of parts same as your story, okay? Kung ilan lang ang parts ng story niyo 'yun lang ang babasahin at bibigyan niyo ng comments sa partner niyo at ang mga natirang parts ay bigyan niyo na lang ng vote. Para fair sa inyong dalawa. Kung hindi niyo 'to maintindihan, comment kayo rito ng katanungan at sasagutin ko. »»»

-YOU ONLY HAVE 1 WEEK to finish the task. Kung tatlo o higit pa kayo sa group, bibigyan ko kayo ng 1 week and 3 days para matapos po ninyo.

-FINISH YOUR TASK FIRST before moving onto next tasks.

Binigay ko ang mga guidelines na 'yan para sure na walang mag-skim dito. Dapat lahat ng chapters na itinalaga ko ay babasahin ninyo. Okay?

Kung iba po ang gagamitin niyong account para gawin ang task, icomment niyo po rito if anong account ang gagamitin at imessage ang ka-partner sa group para alam din nila. (only answer this if you already have a task.) »»»

--

Friendly Writer's Book Club [2021]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon