01

210 12 2
                                    

THE PHANTOM CITY OF BIRINGAN

“Anak, mag-ingat ka doon” saad ng aking ina. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Ngayon ang biyahe namin papuntang Pagsanghan, Samar kasama ang aking mga barkada dahil napagplanuhan naming magcamping dito. Kaming mga barkada lang. Nasa legal age naman kami.

Itong mga barkada ko ay may bagong nadiskobrehang lugar. Itong lugar na ito ay tinatawag na Biringan. Hindi ko naman alam ito dahil hindi ako mahilig mamroblema sa ibang bagay kundi ang studies ko lang. Ewan ko nga kung bakit ako pumayag sa kanila at paano nila napapayag si mama na pasasamahin ako. 

“Ilang araw nga kayo doon?” tanong ni papa.

“Isang linggo lang po” agad namang sagot ni Belinda. Isa sa mga kabarkada ko. Lima kaming lahat. Tatlong babae at dalawang lalaki. Tumango naman si papa at pinabilinan niya kami ng kung ano-anong payo. Na kailangan daw mag-ingat at huwag gumawa ng kalokohan. Itong mga barakada ko naman ay agad namang napatango at parang mababait na mga nilalang. Grabe, ang galing nilang mag-arte.

Nang makasakay na kami sa barko ay agad silang nagsipagkindatan sa akin kaya napangiwi ako at napailing-iling.

“Buti nalang at magaling kami sa mga ganun” ani Athena. Nagtawanan naman kami.

Nagkuwentuhan naman agad kami tungkol sa mga bagay na gagawin namin pagkadating namin doon. At base sa mga pinagsasabi nila. Desidido talaga sila sa paghahanap ng Biringan.

Sabi ni Thomas, ang mahilig sa mga ganyan, Biringan City is a lost city here in the Philippines. The city is said to be located in the province of Samar. Ang mga tauhan daw doon ay hindi mga normal na tao kundi mga engkanto. Sa sinasabi din niya ay ang mga engkantong ito ay may kakayahang maging isang tao. Shapeshifters kumbaga.

“Delikado naman niyan” sabi ko. Nagsipag-irap naman sila sa naging komento ko. Hindi naman sa matatakutin ako ngunit ayoko lang may mangyaring masama sa amin. “Marami akong alam tungkol sa lugar na iyon dahil sinabihan ako ni tatay” sabi pa ni Thomas. Interesado naman ang iba ngunit ako ay nakaramdam na parang may masamang mangyayari sa amin.

Nasa gitna na kami ng karagatan. Nagpaalam muna ako na magpahangin lang muna dahil masama ang pakiramdam ko. Si Belinda lang ang tumango at nagpatuloy parin sila sa pag-uusap tungkol sa sinasabi nilang Biringan.

Umupo ako dito sa upuan sa kabilang parte ng barko at nagmasid lamang sa ganda ng buwan.

“Bakit nag-iisa ka lang dito?” 

Agad naman akong napalingon sa nagsalita. Isang lalaki na matangkad at moreno. Agad namang tumama ang mga mata ko sa mga mata niyang kulay itim at sobrang ganda. Umiwas nalang ako ng tingin at hindi nagsalita. Dahil siguro napansin niyang ayokong magsalita ay nagsalita siya.

“Ang ganda ng buwan, diba?” tanong nito. Bigla naman akong napatango ngunit hindi parin ako nagsalita. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Hindi ko siya nilingon ngunit nararamdaman ko ang pagtitig niya sa akin dahilan upang mailang ako.

Hanggang sa narealize ko ang sinabi niya kaya napalunok ako. 

“Kailangan ko ng umalis” sabi ko. Tumango lang ito sa akin at hinayaan na niya akong umalis. Buti nalang ay hindi niya ako pinigilan kaya napabalik na ako sa barkada ko.

“Oh, Karylle? Bakit ka namumutla?” nag-alalang tanong ni Kio, isa sa kaibigan ko. Umiling ako at ngumiti. Lalagpasan ko na sana siya ngunit muntik na akong matumba buti nalang ay nahawakan niya ako.

“Matulog ka na muna, kargahin kita” tumango ako sa sinabi niya.

Nagising lamang ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko ngunit ang pinagtataka ko lamang bakit ako nasa gitna ng kagubatan?

The Phantom City of BiringanWhere stories live. Discover now