Chapter 20

110 8 0
                                    

1 week after....

Mamayang 11:30 am ang flight ko papuntang korea at maaga akong nagising dahil ngayon ang kasal ni Jay.

May pinadala si Jay na make-up artist at stylist para sa akin at ganun din kanila Sela, sana naman pati transportation ay kasama nakakatamad kayang mag-drive papunta sa simbahan.

Mabilis lang akong naligo dahil naghihintay 'yung make-up artist at stylist sa akin, naka-suot lang ako nang robe nang lumabas nang banyo.

Walang iba pang tao bukod sa amin nang make-up artist at stylist dahil sila Mommy ay invited din at doon na sila pinatulog ni Tita Mich.

Sinimulan na nang make-up artist na lagyan nang make-up ang mukha ko habang ang stylist naman ay inaayos ang buhok ko.

Nang matapos nila akong ayusan ay tinulungan nila akong isuot 'yung gown dahil parang ito 'yung gown nang bride ehh.

Umalis na 'yung make-up artist at stylist, i took a selfie and post it on instagram. Lumabas na ako nang condo unit ko at ni-lock ito dahil nasa baba daw ang isang kotse na sinusundo ako.

Pagka-pasok ko sa back seat ay inabot sa akin ni Manong ang isang maliit na bouquet nang flowers.

Mabilis ang byahe papunta sa simbahan dahil 30 minutes away lang sya sa building nang condo unit ko.

Nang makarating kami sa simbahan ay sarado ang pinaka-pintuan nang simbahan gosh am i late? Pero sakto lang naman 'yung punta ko ehh.

May isang babaeng lumapit sa akin and i think sya 'yung wedding organizer.

"Miss, pakisuot 'to" sabi nya at inabot sa akin ang belo tsaka agad syang tumakbo palayo.

Damn! Kasal ba talaga 'to ni Jay? Bakit sa akin inabot nung babae 'yung belo? Nakakahiya sa bride ni Jay kapag nakita akong may suot na belo.

Sinuot ko 'yung belo at mabuti na lang ay clip-on lang sya, pagka-suot ko nang belo ay biglang nagbukas ang pintuan nang simbahan kaya naglakad na ako papasok.

Hindi pa man ako umaabot sa kalahati ay may nag-kawit nang braso sa braso ko at si MOMMY at APPA?!

"Smile, Ira. This is your wedding day" bulong ni Daddy habang naka-ngiti.

"What do you mean? This is Jay's wedding right?" takang tanong ko at ngumiti.

Napagtagpi-tagpi ko ang lahat nang pangyayari, simula nung magkita ulit kami ni Jay hanggang sa kanina na inabutan ako nung babae nang belo at si Jay ang anak nang business partner ni Daddy na magiging groom ko!

Lumilingon ako at nakita ko sila Sela eonnie, Yanna, Zane at Zyrill kasama nila ang apat na members nang South, sila Joanna, France at Manager Clare.

Nang makarating kami sa harapan nang altar ay kinakabahan ako at pinapawisan nang malamig, nagkamayan si Appa at Jay bago ako iniwan sa altar.

Nagsisimula na ang ceremony at nagtatanong na si Father kung sino ang tutol sa kasalang nangyayari at naiiya akong humarap ako kay Jay.

"I'm sorry" naiiyak kong sabi ko at hinalikan sya bago tumakbo palabas nang simbahan.

Pumasok ako sa bridal car at inutusan ang driver na ibalik ako building nang condo ko.

I can't marry him, bakit ba kasi hindi ko naisip na sya ang magiging groom ko? Doon pa lang sa tumutol sya na wag akong mag-ditch sa kasal ko ay halatang-halata na pero bakit ako ay hindi ko nahalata? Ganun na ba ako ka-manhid?

Pagkahinto nang bridal car ay agad akong lumabas tsaka dumiretso sa elevator nang building dahil may one hour pa ako para pumunta sa airport.

Pagka-pasok ko sa loob nang condo ko ay hinubad ko ang heels ko at umakyat sa kwarto ko para magpalit.

Afraid To Fall Inlove (South Series #3) (Completed)Where stories live. Discover now