CLS : UWMA25

12 5 0
                                    

LORRAINE'S POV.

Gustuhin ko mang umiyak dahil sa nangyari kagabi.

Pinigilan ko na lamang ang aking sarili.

Kinuha ko ang selpon sa side table.

Pagkatapos, dinial ko ang number ni Renz.

Pero hindi ko pa rin siya ma-contact.

Still cannot be reach.

Sinubukan ko na ring itext siyang muli.

Pero wala pa rin.

Still no response from him.

Sinubukan ko naman i-message siya through Facebook chat.

But again, still hindi pa rin siya nasagot.

Bahala na nga siya sa buhay niya!

* * * *

Inayos ko na lang ang gamit ko at naglakad na palabas.

I'm going to school.

Hindi naman kasi porket nasaktan ako, eh iiyak na lang ako.

At hindi porket papasok ako, paninindigan na matapang, malakas ako...

Papalampasin ko na ang ginawa niya sa akin.

"Humanda ka, Renz! Makita lang kita sa school, lagot ka sa akin."

* * * *

"Tara na, Mike. Ihatid mo na ako sa school namin. Baka malate na naman ako."

"Kung ganun, sakay na."

At sumakay na nga ako. Mabilis naman siyang nagmaneho patungo sa destinasyon namin.

Sa School.

"Mag-iingat ka, Rhaine. And if you need anything just call me and I'll come as possible as I can."

"Salamat, Mike. Napakabait mo talaga sa akin. Napakaalalahanin mo pa. Sana ikaw na lang ang minahal ng puso ko. At ang minahal ko."

"Sana nga, Rhaine. But sad to say, may nagmamay-ari na sa puso mo. At hindi ako yun. Gayun pa man, nandito lang ako palagi sa tabi mo hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita, Rhaine."

"And I love you too, Mike. Sige na, tawagan na lang kita ulit pagkatapos ng klase ko. Ingat ka ah."

"Good luck sa klase mo, galingan mo ah."

Tumango ako. "Sige alis na ako, mamaya ulit." - nginitian ko siya. At umalis na nga siya.

I decided na huwag na munang pumasok sa mga class ko, hindi sa ayaw ko.

It just that tinatamad lang talaga ako.

At hindi pa ako handang makita siya kung pumasok nga siya ngayon.

O baka lumiban lang yun sa klase.

Dumiretso na lang ako sa paborito kong tambayan.

Kasalukuyang tahimik akong naglalakad ngayon sa hallway, nang hindi sinasadyang makasalubong ko siya.

Siya na may ibang kasamang babae.

Siya na may ibang babaeng ka-holding hands.

Siya na bigla-bigla na lang ay nag-iba ang awra.

Marahil ay dahil sa ayos niya ngayon.

Para siyang masamang lalaki o hindi naman ay adik sa hitsura niya.

Hindi ko alam kong bakit?

Pero isa lang ang alam ko.

Nagbago na siya.

COMPLICATED LOVE SERIES: UNTIL WE MEET AGAINWhere stories live. Discover now