Chapter 30

26 5 0
                                    

YSEAH'S POV

Pagkatapos namin kumain ng lunch agad kaming nag-swimming sa dagat dahil nagsasawa na raw sila sa swimming pool, eh parehas lang naman yun na tubig. Wala ni isa sa aming tatlo ang naglakas ng loob na magsuot ng bikini puro lang kami nakasuot ng maikli na short at t-shirt.

"Para kayong mga bata"iiling-iling na sabi ni lance habang pinapanuod kaming naghahabulan sa dagat.

Ang KJ ng mga 'to! Ayaw nilang maligo dahil mainit daw kaya naka-upo lang ngayon ang lima sa buhanginan at may kanya-kanyang mga payong. Oh diba parang mga tanga. Hindi sila sumilong sa may malaking payong na pang-beach na kasya naman sila kasi tatlo ito. At dahil mga tanga sila, ayun nakipag-palit sila sa mga bata na may mga kanya-kanyang payong na dala kanina. Goodluck nalang sa mga batang yun baka paluin sila ng mga magulang nila dahil ibinigay nila yung payong sa mga mang-uuto na mga 'to!.

"Hoy ang kj niyo naman"nakapa-meywang na sabi ni vera.

Hanggang ngayon, naiilang pa rin ako kapag tinititigan ako ni colai kaya hindi ako makaligo ng maayos dahil tingin ko bawat galaw ko ay pinagmamasdan niya.

"Maligo nalang kayo jan, don't mind us"sabi ni kade habang nakatingin sa mga ulap.

"Tara na nga, dun nalang tayo sa pool sobrang init na"reklamo ni lia sabay ahon.

"Kung hindi ba naman kayo mga tanga na naisipan niyo pang maligo sa tanghaling tapat na tirik na tirik ang araw at iitim talaga kayo dahil sa sobrang init, dapat sa gabi nalang kayo naligo"ani ni ryle sabay iling.

"May afternoon swimming bang gaganapin sa gabi!?"saad ni vera sabay ahon.

Siniko naman ni lance si ryle at si ryle naman tatawa-tawa lang, talagang iniinis kami! Kaya sinamaan lang namin sila ng tingin tsaka umahon na.

Pagkatapos namin maligo at magbihis nagdecide kaming mag-movie marathon dahil may tv naman sa hotel na 'to.

Ng nasa thriller part na kami, napasigaw kaming lahat dahil sa malakas na katok hindi sa takot, kaya agad itong binuksan ni vera dahil siya naman ang malapit sa pintuan.

"Sino po kayo?"tanong ni vera.

"Malia!"galit na sigaw ng lalaki sa pangalan ni lia.

"D-Dad, p-paano niyo 'ko n-nahanap?"utal-utal na sabi ni lia.

Daddy niya?

"Kunin muna yung mga gamit mo at iuuwi na kita!"galit na ani ng daddy niya.

"Pero dad, nag-eenjoy pa ako dito"reklamo naman nito.

Bigla namang pumasok ang lima kaya gulat na nilapitan ni lia ang daddy niya tsaka niya ito hinawakan ng mahigpit sa braso nito.

"Kaya pala nag-eenjoy ka dito kasi kasama mo 'tong kade na 'to!"galit pa rin na sabi nito sabay turo kay kade na ngayon ay hindi makapag-salita dahil sa sobrang gulat nito.

"Dad nagkakamali ka"naiiyak na sabi ni lia.

"Ayusin muna yung mga gamit mo, ngayon din!, At ikaw naman diba sinabihan na kita na layuan mo ang anak ko?"galit na baling nito kay kade.

"T-Tito let me explain"kade.

"I don't need your explanation!"galit na sabi ng daddy ni lia sabay hila kay lia na kakatapos lang sa pag aayos ng gamit niya.

"Tito nasasaktan po si alia"nag-aalalang sabi ni kade habang nakasunod kay lia.

"Dad, ang sakit bitawan mo 'ko"naiiyak na paki-usap ni lia sa tatay niya pero parang wala lang itong narinig at kami naman nakasunod lang din.

Para na rin kaming chismosa nito, jusmiyo.

Kinaladkad si lia ng daddy niya palabas ng hotel dahil maraming guest na rin ang nagrereklamo at nakakahiya.

"Pinayagan ka naming umuwi hindi para makipag-balikan sa kade na 'to malia, alam mo yan"sabay bitaw ng daddy niya sa kamay niya.

"Fernan tama na yan!"galit na sabi ng babaeng lumapit kay lia sabay check sa kamay nito.

Siya ba yung mommy ni lia?

"Sana pala hindi na ako pumayag na bumalik ka rito at sana pala ipinakasal na kita kay paul!"galit na ani ng daddy ni lia.

"Dad hindi ko gusto si paul alam niyo yan"umiiyak na sabi ni lia habang nakayakap sa mommy niya.

"What's happening here, fernan?"takang tanong ng babaeng papalapit sa direksyon namin na may kasamang dalawang yaya.

Teka......totoo ba 'to? si............ grandma.

"Bumalik ka na sa kotse mo emy, kaya ko na 'to at sisiguraduhin kung matutuloy na ang kasal"saad ng daddy ni lia.

Tumango naman si grandma at tatalikod na sana ito ng napatingin ito sa 'kin. At kagaya ko mukhang nagulat rin ito.

"Oh, yseah apo ko"lalapit na sana ito sa 'kin ng biglang may humawak sa braso ko at itinago ako sa likuran nito.

Colai?

"And who are you?"nakataas ang isang kilay na tanong ni grandma.

"Siya yung apo mo, emy?"tanong ng daddy ni lia na ngayon ay nakatingin na rin sa 'kin.

"Oo, siya dapat yung ikakasal sa panganay na anak mo fernan kaso tumanggi si stevan"ani ni grandma.

"Bagay sila ng anak ko, sayang at hindi sila naikasal"saad ng daddy ni lia.

Sa panganay na anak? Ibig sabihin sa kuya ni lia dapat ako ikakasal?

"Halika hija, sumama ka sa 'kin at may sasabihin ako sayong importante"saad ni grandma.

"Subukan mo lang na hawakan siya hindi ako magdadalawang isip na saktan kayo"nagbabantang saad ni colai.

Walang nagawa si grandma kundi ang bumalik nalang sa kotse nito.

"Get in the car!"utos ng daddy ni lia.

Umiiyak na lumingon sa amin si lia.

"I'm sorry guys"lia.

"Get in!"saad ng daddy ni lia sabay hatak nito papasok sa loob ng van.

MY BAD BOY CHILDHOOD BESTFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now