CHAPTER THREE

49 31 3
                                    

Andito ako ngayon sa bar... sa bar na naman. Kasama ko ngayon si ate han at vanessa dahil nakuwento ni Cy ang nangyari nung gabing yun. " Dali na kasi kimmy girl masarap ba yung pag kahalik sayo? " nangungunit na tugon ni vanessa. " Namiss mo ba yung labi na 'yon kim? yung labing nahalikan mo 5 years ago?" pang aasar na tugon ni ate han. 

" Sa pisngi lang naman yun kaya tigilan niyo na ako. " ani ko. " Ay hala kimmy girl bakit parang dismayado ka na sa pisngi lang maharot parang gusto mo pa umisa ha." pang aasar na wika ni vanessa kaya napatawa kami sa sinabi niya.

" Ikuwento mo na kasi nang buo mas masaya kapag ikaw mag kuwento eh yun oh." natatawang wika ni ate han.

flashback

" Daddy." Tawag ni Cy sakaniyang ama halatang nagulat si Elijah at ang mommy niya sa tinuran nang aking anak.

Laking gulat ko nang ngitian ako nang mommy ni elijah at konti konting lumapit sakin si elijah at bumulong." It was nice seeing you again. " ani ni Elijah sabay halik sa aking pisngi.

Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako sa pisngi, B-bakit ganito ang nararamdaman ko bakit ang lakas nang tibok nang puso ko. " Sino ang nag bigay nang permiso sayo para halikan ako?" pasigaw na ani ko kay Elijah.

" Bakit masama bang halikan ko ang nanay nang anak ko?" para akong nanigas sa sinabi ni Elijah a-alam n-niya p-pero papano. " Huwag kang mag alala hindi ko kukunin sayo si Cyrus hayaan mo lang kaming makita namin siya okay na kami ni mama do'n hihintayin ko na ikaw ang mag kusang ipakilala ako sa anak natin." mahabng ani ni Elijah sabay harap sa'ming anak. bakit ang lakas nang epekto nang mga salita niya hindi kaya matagal na niyang alam na may anak kami at hinihintay niya lang na ako mismo ang mag pakilala sakaniya kay Cy? 

" hi kiddo nag kita ulit tayo." malambing na ani ni Elijah kay Cy. " Yes po daddy nag kita ulit tayo, pumayag na po si mommy na daddy ang itawag ko sayo habang wala pa ang totoong daddy ko daddy. " masayang ani ni Cy.

" Oh really mabuti kung ganon." ani ni Elijah halata sa boses niya na nangungulila siya sa aming anak. " Halika na Cy umuwi na tayo baka hinahanap na tayo nila mommy anong oras na din pala mag sisimba pa tayo." ani ko kay cy habang kinukuha siya kay elijah. Mauna na po kami Mrs. Jimenez, Elijah." paalam ko sabay tango.

Aalis na sana kami ni Cy nang biglang mag salita si Mrs. Jimenez, " Ihatid na namin kayo hija anong oras na baka wala kayong masakyan at baka mapano pa kayo sa daan kasama mo pa naman din ang apo ko . " ani ni mrs. jimenez halata ang lungkot sa boses ni mrs jimenez nang bigkasin niya ang huling salita.

" Ahm, sige po Mrs. Jimenez." ani ko, Pinag buksan kami nang pinto ni Elijah at pinauna ko na si Cy. Habang umaandar ang sasakyan ay halata sa mukha ni Cy ang takot dahil my konting kabilisan ang takbo ni Elijah. 

End of the flashback

" Iba din hindi natin kaya van may pahalik na nga may pa hatid pa tapos instant meet the mom pa, Iba talaga ang beauty nang isang Kim Valdez-Jimenez." nang aasar na wika ni ate han.

" Jimenez amp*ta batuhin ko kaya kayo nang baso." pikon na ani ko sakanila. Mag sasalita pa sana ako nang biglang dumaan samin ang ex-boyfriend ni van na si audie. " Oh, nanahimik ka ata van?" sabay na sabi namin ni ate han sabay tawa.

" P*ta ang bilis nang karma ayoko na." sabi ni vanessa. Pag katapos sabihin samin  i vanessa iyon ay inaya na niya kami umuwi sakto at tumawag sakin si mommy hinahanap na daw ako ni Cy.

Pag kapasok ko palang sa gate ay sinalubong na agad ako nang yakap ni Cy.  " Hello Baby." bati ko kay Cy at hinatak na papuntang sala. " Mommy, may ikukwento po ako sayo." masayang tugon ni Cy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My son's father is a billionareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon