Kabanata 34

11.7K 285 33
                                    


We stop in front of a black gate that's few inches higher than Horris. Hindi ko naiwasang mamangha nang napansin ko ang three story house sa loob niyon. It has its own rooftop, and the windows are tinted. Malawak at malinis ang bakuran nang hinila niya ako papasok sa tarangkahan. There are some trees that almost look like pines on either side of the house. Tanaw ko rin ang hardin sa may bandang kaliwa.

I look up at Horris with my questioning look. "Talagang bahay mo 'to? Ikaw ang bumili?"

Binuksan niya ang double doors at saka niya ako hinatak sa maikling pasilyo bago bumungad sa amin ang malawak na kabahayan. His right hand is dragging my baggage, while the other one is firmly holding my hand. Para namang tatakbo ako unumang oras sa higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"It's yours now too."

Napaawang ang labi ko bago ko inilibot ang tingin sa paligid.

The furnitures are a combination of modern and classic style. May malaking chandelier sa kisame nang tumingala ako; sa kanan ko naman ay ang sofa, couches, at lamesa katapat ng flat screen TV. Hindi ko naiwasang mapakagat sa aking labi dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit nauwi sa ganito ang lahat.

I let him realize things. I accepted him. I waited for him. I married him, and now I am here, going to live simultaneously with him.

Huminto ako sa paglilibot ng tingin nang naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa aking baywang at ang paglapat ng baba niya sa leeg ko.

"I love you."

A warming sensation fills my system after hearing his whispers in my ear. He then kisses my cheeks with his soft lips.

Humarap ako sa kaniya at mataman siyang tiningnan sa mga mata. How can I believe Ate Vaneza's words when he's like this? So soft, so warm, so heart whelming. Hindi ko makita ang sarili ko na iniiwan ng isang katulad niya dahil sa tuwing pipikit ako, palagi siyang naroon at nakaabang sa akin.

I smile and cup his cheeks, caressing them. His love is so pure that I can't even ask for more. "I love you, Horris."

Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa aking baywang at saka niya ako niyakap nang mahigpit bago hinalikan ang aking noo. Bumungisngis ako sa ginawa niya at niyakap siya pabalik. We're like that for a minute before I decide to unclasp with him, but my forehead knits when he doesn't let me go.

"Uy, mag-aayos pa ako ng mga gamit," saway ko sa kaniya.

"Payakap muna."

Mahina akong humalakhak. "Para namang mawawala ako." I'm expecting him to laugh, but instead, his hold gets tighter and my grin slowly fades. It seems as though he's worried that I could disappear from his view and he won't be able to hug me again. "Horris."

"Don't leave me." Tuluyan siyang kumalas sa akin.

Kunot-noo akong tumunghay. "I won't. Bakit ko naman gagawin 'yon?" Ang tagal ko siyang hinabol, pagkatapos naiisip niya na basta ko na lang siyang iiwan?

Umiling siya sa akin. "Nothing. Let's fix your things."

Hinila niya ang bagahe ko papaakyat sa hagdanan. Sumunod ako sa kaniya. May isang pinto kaming naraanan nang nakaakyat kami sa may pasilyo bago niya binuksan ang pintuan ng isang kuwarto. Itim at puti ang tema niyon. May pangdalawang tao na laki ng kama, sofa at couches, study table, mayroon ding sariling telebisyon. May dalawa pa akong pinto na nakita na sa tingin ko ay banyo at walked-in-closet.

"This is your room. P'wede kong palitan iyong mga gamit kung hindi mo gusto."

Mabilis akong umiling sa kaniya. "Okay na ito. Kuwarto mo?"

The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)Where stories live. Discover now