"Key#14

169 18 4
                                    

"The key of love😎

-------

"Ah Madam marami po ba tayong papakainin. Ang dami po kasi nating binili.

Stock mo yan sa unit mo pagkain natin sa araw araw.

Po...

Naguguluhan na sabi ni Riza dahil sa sinabi ni Venus sakanya.

Pagkain po natin.

Oo pagkain natin para hindi naman puro order sa labas ang kinakain natin marunong ka naman talaga siguro sa pag luluto no.

"Ah yes po madam sa katunayan nga po nanalo kami dati ng kamb--------?

Maam ito na po ung sukli..

Abot ng tindiro sakanya. Dahil kahit si Venus na ang nabili ng iba ay si Riza ang nakuha dahil sa pandidiri ni Venus hindi tuloy natuloy ni Riza ung kwento niya tumaas lang ang kilay ni Venus kay Riza..

Halika na ok na ang lahat ng yan bumalik na tayo sa unit mo para makapag pahinga na muna ako.

Magpapahinga siya doon ano kayang nangyare dito bakit parang naging mag-jowa ata kami ngayon..

Bulong ni Riza.

Huy ano tulala lang halika na..

"Ah sige po halika na madam..

Sabi nalang ni Riza dala niya lahat ng pinamili nila hindi siya tinutulungan ni Venus.

Pero ng makita ni Venus na pababa na si Delo sa sasakyan ay pinahinto niya si Riza at kinuha ung ibang dala ng dalaga.

Hindi maintindihan ni Riza si Venus kung bakit parang iba ang kinikilos nito ngayon. Simula kanina habang namimili silang dalawa binuksan nalang ni Delo ang pinto sa likod ng kotse para mailagay doon ang pinamili nila napa tingin si Venus sa suot niyang highheels na white puro ito putik.

Tumingin siya kay Riza kaya ang dalaga ay napapangiti dahil sa itsura ni Venus tila nawala ung kaba niya.

"Ah ok lang yan madam. Minsan naman eh madumihan ka

Napapangiting sabi ni Riza tila kinakabahan naman si Delo sa narinig niya kay Riza. Umirap lang si Venus.

Nilagay na nila ang mga pinamili nila sa likod ng kotse at sumakay narin.

Mukhang mapapaaga pag luluto ko magtatanghalian palang

Bulong ni Riza nanahimik lang siya hanggang makarating sila sa building.

Kami na delo sa mga yan magpahinga ka narin muna.

Sabi ni Venus.

Ah sige po salamat po madam.

Sabi ni Delo hindi siya makapaniwala sa madam niya ngayon ibang iba kasi ito ngayon..

Kinuha na nila Riza ang mga pinamili nila sa likod ng kotse tila nahihiya naman si Riza sa mga nakatingin dahil sa hawak ni Venus na mga plastic.

Omg si madam my hawak na plastic anong nangyare bakit hindi mamahaling bag ang dala niya kundi mga plastic na mukhang galing silang palengke.

Bulong ng mga empleyado.

Pero hindi sila makatingin dahil takot parin sila dito ayaw nila masigawan kaya ng dumaan na sakanila ay nagsi tungohan ang mga ito.

Maraming nakapansin sa madam nila ngayon pati ung suot na high heels ng madam nila na my bahid ng putik.

Kasama ba ni Riza mamalingke si Madam.

Baka nagpapaturo na magluto diba mag aasawa na yang dimunyita nating president

Oo nga eh pano kaya niya pagsisilbihan ung magiging asawa niya no.

Ewan natin baka ung lalaki ang magsisilbi kay madam alam naman natin na isa siyang napakayamang babae nabibili ang lahat.

Malay mo naman na my isang lalaki ang nakapag patino kay madam.

Sa tingin mo .

Oo tignan mo nalang ngayon my dala siyang mga pinamili sa palengke at ung higheels niya marumi natatandaan mo ba noon ung my nakaapak sa higheels niya kulang nalang patayin ngayon parang wala lang sakanya. Sigurado akong mamahalin ang higheels na yan.

Sabagay baka nga my nagpapabago na sakanya sana eh totoo yan pero kanina ung pagwawala niya diba.

Ay hayaan na nga muna natin si Madam bahala na si Batman sakanya..

Sabi pa ng mga ito nakikinig lang si Anie habang nakatingin kay Riza at Venus na pasakay na ng elevator sila lang ni Riza ang pumasok sa loob dahil hindi nagpapasabay si Venus pag siya ang sakay ng elevator.

Napapapuntong hininga nalang si Riza dahil kasama niya si Venus hanggang sa unit niya ngayon at my balak pa na doon magpahinga hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng madam niya.

"Kala ko makakapag pahinga na hindi pa pala...

Bulong ni Riza nasa tapat na sila ng pinto ng unit niya binubuksan na niya ito.

Si Venus ay nakatingin lang sa buong likod niya na tila ba naaakit ito. Napapakagat sa labi dahil doon

Gusto niya sunggaban si Riza pero hindi niya magawa kaya pinakalma niya ang sarili niya sinigawan niya ito para bilisan ang pagbubukas ng pinto.

Kaya si Riza ay nataranta nagmadali niyang binuksan ang pinto ng unit niya.

Ang bagal bagal mo buksan.

Pagtataray ni Venus nauna na siyang pumasok sa loob at nilagay ang mga pinamili nila sa table.

At naupo na sa kama.

Buti pa siya..

Bulong ni Riza dahil takot na masigawan agad na niya inasikaso ang kailangan niya gawin nilagay muna niya sa mini ref niya ang pwedeng masira na pagkain ng magawa na niya un ay naghanda na siya ng lulutuin niya nakatingin lang si Venus.

"Bago ka mamatay gagawin muna kitang asawa ko oh parausan ko. Iba ang naging reaksyon ng pagka tao ko sayo mas masarap ka keysa sa mga lalaki.

Kagat labing bulong ni Venus. Hinahayaan lang ni Riza si Venus napapansin niya itong nakatingin lang sakanya. Nahiga na sa kama si Venus

"Ahh ako din gusto mahiga lutang pa ako madam eh parang pagod pa ung katawan ko.

Bulong ni Riza ng makita niya na nakahiga na sa kama si Venus at nakapikit na wala na siyang nagawa kundi ang magluto nalang.

Matanong nalang siya mamaya kung ano ang gusto niyang ulam sa dinner. Ngayon iluluto ko ung gusto ko nakakapag laway eh..

Nagluto na siya samantala si Venus ay  my mga iniisip sa totoo lang ay my iba na talaga siyang naramdaman nong ngitian siya ni Riza ibang iba ang naramdaman niya ng oras na yun pero dahil sa galit sa dalaga na akala niya ay yung babaeng nakapatay sa kapatid niya ay nangunguna parin ang galit sakanya keysa sa nararamdaman niya para kay Riza na nalilito pa siya.

Dahil sa pag iisip nakatulog si Venus habang nagluluto si Riza saglit na napatitig siya kay Venus na natutulog na

Bakit kaya my iba akong nararamdaman sakanya.

Malungkot na bulong ni Riza naalala niya ung paghahalikan nilang dalawa
Napa hawak siya sa kanyang dibdib dahil sa mabilis na pagtibok ng puso niya habang naka titig siya kay Venus.


Itutuloy.

Yan muna hehehe busy pa si Author..

Pa vote at comment nalang po ulit

"My buyer is Bad Shemale"Where stories live. Discover now