CHAPTER EIGHT

59 5 0
                                    

NAKANGIWING NAPAUPO si Yuuskei sa couch. Ilang oras na siyang nakakulong sa loob ng bahay ni Trevor at ni isang labasan man lang ay wala siyang makita kahit na ang bintana, ito’y nakasarado rin. Napakunot ang noo niya at naisipang maglibot sa bahay. Ang bahay ay simple lang at may kalumaan na.

Napabuntong hiningang binuksan ni Yuuskei ang silid ngunit siya’y napatawa nang makita itong walang kabuhay-buhay. Siya’y pumasok at nagbabakasakaling mabubuksan ang bintana ngunit nanatili itong nakasarado.

Napasuko na lang si Yuuskei at dahan-dahang naglakad papunta sa sala ngunit pumasok sa isipan na mag-imbestiga na lamang.

“Wala naman sigurong masama na papasok ako rito? Ang sabi ni Trevor, you can explore the house.” Napatawa siya saglit dahil sa ginawa niyang panggagaya sa boses ni Trevor.

Tahimik niyang pinihit ang doorknob. Pangalawang beses na niyang makapasok dito ngunit ngayon niya lang napahalagahan ang simpleng disenyo ng kwarto at ang crime scene diagram. Napabuntong hininga na lang si Yuuskei habang nakatitig sa isang babaeng walang mukhang may malaking question mark na nakalagay. Hindi niya alam kung sino ito dahil sa lahat ng biktima ay ito lang ang walang pangalan at ang pinagtataka niya’y ito ang pangalawang biktima ng CSC.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob at napahinto ang mga mata sa malaking cabinet kung saan nakalagay ang mga nakaraang casses na naisarado na. Napalakad siya papunta rito at binuksan ang pinakataas na parte ng cabinet. Bumungad sa kaniya ang mga libro.

“Laws about Neutral Zone?” Because of curiosity, he wants to read it. Kinuha niya ito. Napakunot ang noo niya nang makita ang kasunod. Ang akala niya’y libro pa rin subalit isa itong album kaya ang kuryosidad niya’y napunta sa album.

Halos matanggal ang mga panga sa nakita. Hinding-hindi siya magkakamali. Kilalang-kilala niya ang taong nakangiti sa litrato kasama si Trevor, walang iba kundi ang kaniyang sarili.

“Ano… ito?” Dahil hindi makapaniwala sa nakita, inilipat niya ito sa kasunod hanggang sa matapos ito, wala siyang ibang nakikita kundi silang dalawa lang na magkasama nang masaya.

“Ang sabi pa ni Trevor, case files lang ang nandito, ano ’to?”

Isa-isa niyang binuksan ang bawat parte ng cabinet at lahat ng nandito ay mga litrato. Hindi maiwasang mapangiti ni Yuuskei nang makita niya ang sariling malawak na nakangiti. Hindi siya makapaniwalang nakakangiti pa pala siya ng totoo. Kinuha niya ang isang picture frame.

Napatalon siya sa gulat noong tumunog ang selpon kaya agad niya itong sinagot.

“Dad, kilala ko na ba si Trevor dati?” mahinang tanong ni Yuuskei habang nakatitig sa isang picutre frame. Dalawang lalaki ito habang parehong nakatanaw sa payapang karagatan.

“Why are you asking?” rinig niyang tanong ng ama sa kabilang linya.

“Hindi naman ako umaasa pero parang kilala na niya ako dati pa?” Kahit na sinasabi niyang hindi siya umaasa ay hindi maikakaila ang mumunting nararamdaman para sa detective.

“For you, he’s important. At ganoon ka din kay Trevor,” nakangiting pagbabahagi ni Mr. Hawtson. “Wala pa si Trevor?”

“Bakit hindi ko siya kilala?” tanong ni Yuuskei nang hindi pinapansin ang tanong ng ama.

“Hindi mo na kailangan pang magtanong.” Ito ang huling katagang binitiwan ng ama at ibaba na sana ang linya pero nagsalita ulit si Yuuskei.

“Ako ba ang sinasabi niyang taong naging partner niya sa mga crime scenes?”

Napahinto saglit si Mr. Hawtson at napangiti. “Sinasabi mo bang ikaw ang taong minahal niya? Ang taas naman yata ng tingin mo sa iyong sarili. May pagtingin ka na ba kay Trevor?”

Living under the Microscope - [BL]✓Where stories live. Discover now