PROLOGUE

24 0 0
                                    

"Mamaaaaaaaaaa!" sigaw ko dahil hindi ko mahanap yung kapares ng medyas ko.

"Umagang umaga napakaingay mong bata ka. Ano ba 'yon ha?" Tanong saken ni Mama.

"Ma, nakita mo ba yung isang kapares ng medyas ko? Kanina ko pa kase hinahanap e, hindi ko makita." reklamo ko.

"Ayan oh bulag" sabay turo likod ko. Nakita ko si Sachi, ang alaga kong aso na kagat-kagat ang medyas kong butas butas na.

"Sachiiiiiiiii!" sigaw ko sa alaga ko nang bitawan nya ang medyas ko sabay takbo sa labas. "Wala na akong pambiling medyas, Mamaaaa!" naiiyak na pagmamaktol ko. Eh kase naman, last na medyas ko na 'yon. Wala namang pera si mama kase may sakit siya sa puso kaya imbis na pambili nang gamit ko yung pera, inilalaan ko nalang ito para pambili ng mga gamot ni mama.

"Ma, papasok na po ako." paalam ko habang isinusuot ang butas-butas na medyas ko.

"Sige, anak. Mag-iingat ka."
Habang naglalakad ako papuntang school. Nahagip nang mata ko ang isang magarang kotse. Sobrang bilis magmaneho amp kaya mas gumilid pa ko sa kalsada upang hindi masagasahan. Pero sobrang gulat ko nung biglang dumiretso yung kotse sa gilid ko at muntik pa kong masagasahan. Hawak hawak ko ang dibdib ko sa sobrang gulat. Bumukas ang bintana nung kotse at tumambad dito ang isang nakapakagwapong lalake este napakagago pala. "Magpagilid ka kase, miss" sabi nung gagong nasa kotse at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

"Aba punyemes yung lalakeng yun ah, sobrang gilid na gilid na ko dito ras sasabihing magpagilid ako? aba aba hmmmmmp" bulong ko habang gigil na gigil na naglalakad papasok nang gate. Sarap magdabog amp. Inis na inis akong nakarating sa room.

"Oh bakit mukha kang badtrip, buddy?" tanong nang kaibigan kong kulang-kulang habang tumatawa. Isa din itong badtrip e, umagang umaga iniinis na naman ako.

"May regla ako, kaya tumigil tigil ka dyan at baka matadyakan kita at maipaskil ko sa mukha mo tong napkin ko." tatawa-tawa syang umalis sa harap ko at umupo sa tabi ko.

"kadiri ampota" dinig kong bulong nya habang humahagikgik pa rin. Buti nalang at dumating na ang teacher upang magturo.

Lunch time na at pumunta kami ni Shahra sa cafeteria upang kumain. Habang naglalakad kame, madami ang nakatingin sa kaibigan kong si Shahra Denise DelaFuente, ang may ari nang DelaFuente Airlines, isa sa pinakamalaking airline station dito sa Pilipinas. Paano ba namang hindi sya mapapansin e sobrang ganda nitong kaibigan ko. Nagmumukha tuloy akong alalay nya sa tuwing magkasama kami. Hindi naman ako pangit, hindi rin ako maganda, parang sakto lang para magmukhang tao HAHAHAHAHA. Btw kumakain na kame ngayon. Nilibre na naman ako ni Shahra. Sobrang layo nung buhay namin pero nagpapasalamat ako dahil wala lang para sa sakanya ang estado namin sa buhay.

Ay hindi pa pala ako nagpapakilala HAHAHAHAHA.
I'm Xaira Chanin Velandez, 18, a super jolly person, A freshman of Gracia Verde University, a Veterinary Student.

I have an ex way back in my senior high school. One year lang ang pagitan namin. And until now I still can't get over him. He's very sweet, loving, caring, and I'm so lucky me pancit canton. But not until he go to college. Nawalan na siya ng time saakin and one time nakita ko siyang may kasamang ibang babae. So I decided to end our relationship. Eh iyon nalang ata kase yung hinihintay nya e, yung ako na yung kusang sumuko. Di naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur.

So ayon na nga, same school na kame ngayon ng ex ko. He's also from Gracia Verde University, a sencond year college, a Deutetic Engeneering student. He is Kenneth Marco Sy.

This is the 4th day of classes being a freshy in GVU. After namin kumain ni Shahra sa cafeteria, naisipan naming maglibot sa school. Habang naglilibot, a lot of girls screaming and cheering like an idiot while watching basketball in our gymnasium.

"Xai, nood tayo saglit habang wala pang klase." sabi saken ni Shahra. I nodded. Matagal na kase akong hindi nakakapanood nang basketball.

We went inside and then namangha ako sa sobrang daming tao. Wtf? kaya pala ang konti nang studyante ang nakikita ko sa labas kanina. Andito silang lahat. Ano ba iyong naglalaban? Artista kaya?

"Shahra, andaming tao" sabi ko habang tumatawa. Natawa din si Shahra sa pagkagulat."Halika makisiksik tayo para makapanood tayo" sabi nya sabay hila at makisiksik sa kumpol nang tao. Madami pa kong narinig na reklamo habang nakikisiksik kame.

Finallyyyyy. Andito na kami ngayon sa harap at kitang kita namin dito ang mga naggagwapuhang manlalaro. Nakahubad hubad pa silang naglalaro shemayyyy."Xai, dito nalang tayo, wag na tayong pumasok" hinampas ko ang balikat nya. "Tangeks to, nakakita lang nang gwapo e. Sige na nga." tatawa tawa kaming nag apiran.

Habang nanonood, nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Yung lalakeng muntik na kong masagasahan. At nakita ko din yung ex kong si Kenneth. Magkaibigan sila? tanong ko sa utak ko. May tatlong lalake pa silang kasama.

Habang nasa kalagitnaan nang laro. Siniko ako ni Shahra "Xai, Crush ko yung kulay blue yung short!" tili nya nang malakas sa tenga ko. Tinignan ko kung sino iyon. Yung isang kasama nila Kenneth pala. Omg ampogi nga non.

"Xai" tawag ulit saken ni Shahra. "Oh bakit na naman?"
tanong ko. "Parang kanina ka pa tinitignan nung poging red ang short" sabi nya doom sa lalakeng muntik nang bumangga saken. Tinignan ko naman at oo nga tinitignan nya ko."Baka ikaw ang tinitignan shunga" saad ko. "Ikaw nga boplaks" sumbat naman nya. "Baka duling ugok" sabay tawa naming dalawa.

Nagulat ako nung nagdribble siya sabay tingin saken at nagshoot then boooom naishoot. At binalik nya ang tingin saken sabay kindat at ngiti.

Sobrang ingay nang paligid ngunit wala akong marinig dahil sa kabog nang dibdib ko.

"Crush ka yata, Xai!" sigaw na sabi ni Shahra.

Nganga.

I want you inside meWhere stories live. Discover now