Childhood Crush: Kise Ryota

106 2 0
                                    

KISE RYOTA X READER

~~~

Habang naglalakad ka papunta sa bago mong school, napadaan ka sa may river bank at tiningnan ang pag agos ng tubig.

"...this brings back memories."

Bigla mong naalala nung nalaglag ka dati dyan sa ilog dahil hinahabol ka ng asong ulol. Natawa ka nalang kasi nakakabwiset yung itsura nung asong ulol na yon.

Buti nalang may sumagip sayo na isang yellow-haired kid na cute. Hindi mo kilala kung sino sya pero buti nalang at sinagip ka nya thata time kundi wala ka nang aalalahaning childhood memories ngayon.

Naging childhood crush mo na din yung yellow-haired kid na yon kasi hero mo sya at cute nga sya, yung tipo bang bata palang makikita mo nang gwapo ang kalalabasan.

But that was about eight years ago, antagal na nun. Nalimutan mo na nga itsura nung hero mo e.

Naglakad ka nalang ulit papuntang school mo at nakitang konti palang ang tao, wala e, transferee ka kaya di mo alam kung sadyang maaga ka ba or late lang talaga sila.

"....good morning Kaijo High." sabi mo ng may ngiti sa bago mong school.

Naisip mong itext ang friend mong nag aaral din sa Kaijo para sabihing nan doon ka na sa loob ng school, kaya lang napansin mong nawawala yung cellphone mo.

"Hala! Saan ko naibaba yun?! Nalaglag ko ba? O naiwan ko yun sa bahay?"

Pero sure ka na dala mo yun pagalis mo ng bahay.

Takbo ka ngayon pabalik sa mga dinaanan mo. Pero hindi mo makita.

Pumunta ka sa may river bank at nakita mo yung cellphone mo na nan doon sa may damuhan.

"Nalaglag ko pala!"

Tsaka ka lumapit para kunin yung cellphone mo. May narinig kang tumahol na parang tuta kaya tumingin ka sa paligid at nakakita ka ng tuta sa ilog ay umiiyak.

Inaagos sya ng tubig kaya nag panic ka. "Waaah! Ililigtas ko ba sya?! Malakas yung agos nung tubig e! Bahala na nga!"

Ibinaba mo yung bag mo at phone mo at tsaka tumalon sa river para sagipin yung tuta.

Nakuha mo na yung tuta kaya lang masyado talagang malakas yung current ng tubig.

Siguro this time naisip mo ikaw naman ang iiyak.

May nakita kang taong tumalon din ng ilog para sagipin kayo nung tuta.

Ng maaninag mo ang mukha nya inilahad nya sayo ang kamay nya at kinuha mo yon.

"...teka... sya ba si childhood crush...?" bulong mo sa sarili mo.

Napa thank you ka nalang sa kanya ng nasa river side na kayo at nailigtas nya kayo ng puppy.

Plus pinahiram nya pa sa'yo yung coat ng uniform nya para hindi ka ginawin.

Yellow-haired guy... gwapo... niligtas ako... sya na nga kaya?

Sya na nga kaya?

"Miss, nagkakilala na ba tayo?" bigla nyang tanong sa'yo.

"Kailan?"

"I think I saved you before." sabi nya sayo ng may ngiti at napangiti ka din.

Sheeetttt, ang gwapo nyaaa!!! Ok, no time for that.

"Way back eight years ago? Siguro nga ako yon." sabi mo naman sa kanya. At tumahol naman yung aso at dinilaan yung kamay mo and so you pat its head with a smile.

Lumapit yung gwapong lalake sayo ng konti at unti-unti nyang nilapit sa'yo ang kamay nya at may kinuha syang dahon sa buhok mo.

"I always thought that my childhood crush would be this beautiful."

Gwapo at bolero, yun nalang ang naisip mo pero childhood crush ka raw nya.

"I always thought that my childhood crush would be this handsome."

Sabi mo naman sa kanya in return.

"Ako nga pala si Kise Ryota." pakilala nya sabay kindat pa sa'yo.

"I am (name). (last name) (first name)"

"(Name)-cchi..."

Sabay rinig nyo naman nung bell ng school nyo at agad kayong napatayo.

"Tara na!" sigaw nyong dalawa sabay takbo papuntang school nyo.

Masyado kasi kayong natuwa sa moments nyo, iba ka na talaga.

Isipin mo yon, it took a dog for your paths to cross again.

~~~ THE END ~~~

IF EVER (love me harder) - Kuroko no Basket Characters X ReaderWhere stories live. Discover now