Chapter17

623 23 2
                                    

HATING gabi na pero kahit text ay wala akong natanggap kay edrick. Nakakapanibago lang dahil bago ako matulog ay tumatawag pa siya or hindi kaya video call.




Tatlong araw ng lumipas simula nong umalis siya. Nong unang at dalawang araw halos minu-minutong tumawag at nag papadala ng voice mail ang lalaking yun. Pero ngayon kahit isa sa mga nabanggit ko ay wala. Kahit text or chat wala talaga. Nag aalala na ako.




Miss na miss ko na din ang boses niya. Kumain na kaya siya? Baka pagod lang siguro yun kaya di nakatawag.




Matulog na din ako, baka bukas maaga tumawag yun. Busy lang siguro siya doon sa italy at nawala sa isip niyang tawagan ako. 




Paggising ng paggising ko ay yung cellphone agad ang inatupag ko. Bagsak yung balikat ko ng makitang wala paring text or tawag galing kay edrick. Nag aalala na talaga ko. Miss na miss ko na siya.




Nagchat ako sa kanya ng goodmorning para naman sa ganon ay maganda ang araw niya. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon sa italy. Baka tulog na iyon.




Tumayo na lamang ako at mag ayos na ng sarili, kailangan kung pumasok ng maaga sa trabaho para naman sa ganon ay mabilis lang yung oras, gusto ko ring aliwin ang sarili ko. Ayaw kung mag isip ng kahit ano kay edrick. Alam kung busy lang talaga siya sa italy dahil nong huli siya tumawag sakin ay nabanggit niyang ang dami niyang ginawa sa boung araw at natulugan niya din ako nong huli niyang tawag sakin.




Magtitiwala ako kay edrick dahil mahal ko siya. Magtitiwala ako sa kanya dahil mahal niya din ako. Magtitiwala ako sa kanya dahil nangako siya sakin na babalik siya.





Babalik siya sakin at tutuparin niya yung sinabi niya. Bobuo pa kami ng pamilya namin. Papakasalan niya pa ako sabi niya. Kaya magtitiwala ako dahil mahal namin ang isa't isa.





Panghahawakan ko yung tiwala na binigay ko sa kanya. Ilang araw nalang at babalik na ulit siya sa pilipinas. Excited na ako.

...




"SIR ako na po ang maghahatid nito." presenta ko kay mr. G.





"kailan ko maririnig sayo ang daddy or papa man lang?" may pagsusumamo sa boses nito.





Napayuko ako. Nahihiya talaga kasi akong tawagin siyang daddy or papa. Hindi pa ako handa.





"sorry po."





"i know scarlet, alam kung hindi ka pa handa pero maghihitay ako. Ako na yung masayang tao sa mundo ito once na tawagin mo akong daddy or papa."





Ngumiti lang ako sa kanya.





"are sure ikaw ng magdala ng mga yan?" tukoy niya sa mga papeles na dapat dalhin sa company nila edrick.





Kanina ko pa talaga gustong pumunta sa company nila, gusto kung makausap yung kambal niya, kahit kumukulo ang dugo sakin non.




Tumango ako. "sure na sure po."




"okay, sabihan ko lang si mang rudy na ihatid ka."




"sige po."




Sana lang andon si cedrick ngayon sa company nila. Gusto ko lang itanong kung tumawag sa kanya si edrick at kung kumusta siya?




Tiningnan ko muli ang cellphone ko pero waley parin. Ano na kayang nangyari sa baklang yun. May surpresa pa naman ako sa kanya.




Karibal Ko Noon, Asawa Ko Na Ngayon[COMPLETED]Where stories live. Discover now