SC 1

6.2K 264 73
                                    

SHE felt her heart being stabbed multiple times while looking at him. Ilang ulit niyang inisip 'to. Ilang araw siyang nag-isip.

How did it even lead into this?

How did it change?

Why did it even change?

Gabrielle Allora Samaniego felt like everything was just a dream. That once she woke up, everything would go back into its proper place.

But she was wrong.

This was her reality.

She saw his tired face. She saw the faraway look in his eyes. She remembered the messages she received from his friends, asking if she'd seen him because he wasn't attending their practice—again.

For her.

Because of her.

Dapat ba siyang maging masaya na inuuna siya?

Bakit hindi niya makapa 'yong saya?

Everything was piling up and Gabbie felt like she could not breathe. Despite her air being next to her, Gabbie felt like she was suffocating.

It was exhausting.

This, seeing him being exhausted for her, was exhausting her, too.

"Den?" agaw niya sa pansin nito.

They were at the hospital where her mother was staying. Nasa garden sila dahil wala gaanong tao roon. Mas makakapag-usap sila.

Kaagad naman tumutok sa kanya ang paningin nito. Mabilis itong ngumiti saka ginagap ang palad niya.

"How are you? Is tita okay?"

"I'm fine."

Ilang ulit na niyang sinasabi na okay lang siya. Baka kasi kapag paulit-ulit niyang sinabi, pati sarili niya, maniwalang okay lang siya.

Magaan nitong pinisil ang palad niya. "Gusto mo bang ako ang magbantay muna? Para makapagpahinga ka. You look so tired, Gabbie."

God.

Why was he so good to her when she was all bad for him?

Nakagat ni Gabbie ang ibabang labi saka pilit kumalas sa pagkakahawak ni Denzel. Nakita niya ang pagdaan ng pagtataka sa mukha nito.

"Gabbie?"

"Hindi ka na naman daw um-attend sa practice ninyo," mahinang sabi niya.

"Oh. Hahabol ako mamaya."

"Den, ikaw na ang captain ng team ninyo. Paano mo magagawang maipasok ang team ninyo sa tournament kung palagi kang absent sa practice?"

"Hindi naman palagi, Gabbie. Saka, kailangan mo ako."

"Hindi ka rin daw nakaabot sa exam kahapon."

Napatiim-bagang si Denzel bago ginagap ang palad niya at marahan iyong pinisil. "Babawi ako."

Marahas na pumiksi siya sa pagkakahawak nito. Napatayo siya habang pilit pinapakalma ang sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na para bang anumang oras ay kakawala iyon sa kinalalagyan niyon.

Gabbie could see how her circumstances were dragging Denzel down. She had been selfish for quite awhile and she could not be selfish any longer. Denzel did not deserve this.

"Itigil na natin 'to," diretsong sabi niya habang nakatingin kay Denzel. "Tapusin na natin 'to."

Nakita niya ang pagdaan ng pagkagulat sa mga mata nito. Napatayo na rin ito at akmang hahawakan siya nang humakbang siya palayo.

Gabbie saw pain crossed his eyes. Nasa ere pa rin ang mga kamay nito na iniwasan niya.

"May problema ba, Gabbie?"

Halos bawiin na ni Gabbie ang mga salitang binitiwan subalit nagpakatatag siya. Para sa kanila rin 'to.

"Let's break up."

There. She said it. Again.

"How... Gabbie, why?" His voice was rough, as if he was trying to suppress the emotions he was currently feeling.

"Ayoko na nga, eh! Mahirap bang intindihin 'yon? Pagod na ako! Pagod na pagod na!"

"Sa akin ba? Pagod ka na sa 'kin? Kasi pagod na rin naman ako, pero hindi sa 'yo."

God. Gusto nang umiyak ni Gabbie. Gusto na niyang bawiin lahat ng mga sinabi niya.
Pero hindi niya magawa. Kasi pagod naman na siyang talaga. Pagod na siyang nakikitang ganito si Denzel. Pagod na pagod na siya.

Mahal na mahal niya si Denzel pero bakit ganito? Bakit napapagod siya?

"Please, Den. Let's break up," gumagaralgal ang tinig na sabi niya. Pumikit siya para pigilan ang pagpatakan ng mga luha.

"Gabbie, saan ako nagkamali? Pag-usapan natin. Let's talk," anito saka siya hinawakan sa magkabilang braso.

Sobrang gaan nang pagkakahawak nito sa kanya, na para bang natatakot itong anumang oras ay mawawala siya; na para bang natatakot itong mabasag siya.

She almost took her words back but when she saw his face, her resolve remained.

Kumalas siya sa pagkakahawak nito saka lumayo dito. Pinakalma niya ang sarili at halos matakot na siya sa nararamdaman.

"Denzel, palayain mo na ako."

"Was I being too much, Gabbie? What went wrong? Please tell me. I can change."

Walang mali sa 'yo! gusto niya sanang isigaw pero pinigilan niya ang sarili.

"Denzel, 'wag na natin pahirapan ang isa't isa. Let's break up."

"Am I making things hard for you all along?" mahinang anito.

Napatiim-bagang si Denzel at kitang-kita niya ang halo-halong emosyon sa mga mata nito.

Pain. Disbelief. Anger.

She felt the chill when all of that disappeared until nothing was left in his eyes aside from darkness.

"So that's it? This is how it will end, Gabrielle?"

"Yes."

Napapikit ito saka siya tinalikuran. Ganoon na lang ang pagpipigil ni Gabbie para hindi ito yakapin.

Seeing his back facing her made her realize how much she was going to miss him.

Bakit kailangang humantong sa ganito 'yong pagmamahalan nila?

Bakit ang dami nilang tinalikuran?

Bakit ang dami nilang kinalimutan?

Bakit naging nakakapagod ang mahalin ang isa't isa?

"Take care of yourself, Gabrielle," mahinang anito.

"Ikaw rin, Denzel."

Habang nakatingin sa papalayong pigura nito, paulit-ulit sinasabi ni Gabbie sa isip na tama ang ginawa niya. Na para sa kapakanan nila ito.

Kasi, papaano nila magagawang mahalin ang isa't isa kung ang mga sarili nila, hindi nila magawang mahalin?

Pero ang hirap. Ang hirap tingnan na makitang lumalayo sa 'yo 'yong taong mahal na mahal mo.

"Don't..." go.

Nang mawala na sa paningin ang lalaki ay saka niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.

Gabbie loved him so much but the love they had for each other was destroying them.

She did not know if she was making the right decision but she felt like this was what they needed right now.

So even if it hurts, even if it killed her, she would endure.

Because she loved him so much.

#CeaselessWP

Ceaseless (Bump, Set, Spike #3)Where stories live. Discover now