C6

1.3K 112 12
                                    

Gabb's Pov

Ilang araw ng absent si Jaydee , last na pasok niya ay nung kinabukasan nung naglasing siya at hindi na nasundan iyun , marahil ay nagmumukmok siya pero hindi naman namin malaman kung saan gayung ilang beses na naming binisita ang kanyang Condo. Ilang beses na rin namin siyang tinawagan ngunit cannot be reached siya , sobra na kaming nag aalala sa kanya nila ate abby at lara gayung baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Wala na naman ba si Jaydee? Ano di porket tinanggal ko na siya sa pagiging Captain at starting five ay magiging ganito na yung inaakto niya! Napaka immature!" Singhal ng coach namin sabay napatingin sa amin, napayuko nalang kami dahil doon kasi wala rin kaming kaide ideya kung nasaan si jaydee ngayon. Nag aalala na kami gayung hindi namin siya mahagilap.

"Ano wala ba kayong sasabihin? Anong nangyayari kay Garcia ah! Kayo mga kaibigan niya kaya alam niyo naman siguro ang nangyayari sa kanya at kung ano ang ginagawa niya? Kung saan siya naroroon." Galit na tanong sa amin ni coach napatingin nalang ako kay ate abby kung sasabihin ba namin o hindi kay coach nang sa ganun ay maintindihan niya naman kahit papaano si Jaydee.

Sa iilang araw na pinilit niyang maging malakas at huwag alalahanin yung sakit na nadarama niya sa pagkawala ng kanyang ina ay sa wakas bumigay na siya at inilabas na ang kanyang tunay na nararamdamang kasawian.

"Actually coach hindi po namin alam at isa pa may hindi lang magandang nangyari---" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang magsalita si Dean , napangisi nadin sila brei at ali dahil doon na siyang ikinakunot ng aming noohan gayung nakikisali na naman sila.

"Nag iinarte lang siguro yun coach kasi nawala siya sa pagiging team captain niya , nahiya siguro kaya di na nagpakita pati sa practice. Alam niyo naman yun , masyadong magaling kaya kapag bumagsak ay parang batang nagta tantrums" napakuyom nalang ako ng kamao ko dahil sa sinabi ni dean , parang hindi kaibigan ah grabe naman siya kung makapang ano kay jaydee parang walang pinagsamahan.

Kung nakakamatay lang ang tingin malamang nakahandusay na siya sa ngayon gayung ako mismo ang papatay sa kanya.

"Then fine kung ayun ang gusto niya , tatanggalin ko na rin siya sa basketball team pag nagpatuloy pa ito! Okay warm up na guyz! Brei you may lead the exercise routine now! At mamaya go to my office may ibang sasabihin pa ako sayo" Sigaw ni coach at agad na kaming naghanap ng mapupuwestuhan para sa exercise routine namin ngayong umaga.

"Ano wala pa rin ba kayong alam kung nasaan si jaydee? Wala na rin akong alam na place na pwedeng mapuntahan niya sa ngayon" mahinang sabi ni Kuya abbiel habang nag iistretching kami ngayon , napadako naman ang tingin ko kay brei nang sitahin niya kami.

"Ano na gabb at abbiel! Magkukuwentuhan nalang ba kayo dyan? You may go out if hindi kayo magpopokus sa pag eexercise!" Tsk palala ng pala yung pakikitungo sa amin ni ate brei , nadamay narin kami sa galit niya jaydong.

"Excuse me brei? Sumusunod naman kami sa ginagawa mo ah? Anong masama kung magkwentuhan kami? Di naman ikaw yung pinag uusapan namin at isa pa wala naman sa rules yan na bawal mag ingay at magkwentuhan." rebat naman ni Kuya abbie kay Kuya brei , napangisi nalang si Kuya brei at tinignan nang masama si Kuya abbiel.

Kami naman ni lara ay sinusubukang pakalmahin si Kuya abbiel baka kasi kung ano pa yung masabi niya gaya nung nakaraan kay ate sela.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now