Kielle's Pov
For the first time nag ka pov din , so ayun nandito na kami sa may bar alas tres na ng hapon at nagkakantahan lang yung iba dito sa ngayon. Nakaupo lang ako sa may sofa habang iniinom yung alak katabi ko si frances , ewan ko ba iba yung nararamdaman ko sa ngayon. I was a bit afraid lang na ngayon na nakikita niya si jaydee ay magbago yung feelings niya towards me. Siya nalang ang meron ako and I didn't want to lose her lalo na kay jaydee. Okay lang sa akin na matalo kami sa championship nato but frances? I will not lose her to jaydee.
"Okay ka lang ba? Tama na yang kakainom mo at baka malasing ka" ani niya sa akin nakikita ko ang pag aalala niya pero hindi ko ramdam yung sincerity niya. Nasasaktan ako , Oo nasasaktan ako sa tuwing tinitignan ko siya na nakatingin lang kay jaydee nang masinsinan. I know naman na first love niya si jaydee , nakwento ni kuya brei.
"Yeah , I'm okay babe! Don't worry" lumapit naman siya sa akin at niyakap ako gayung ramdam niya din siguro yung pagod ko at tsaka medyo emosyonal ako ngayon.
Napapaisip naman ako sa mga sinabi ni gabb kanina nung natapos yung laro namin.
Flashback
"Nasa iyo man siya pero yung puso niya hindi , magaling ka man sa lahat at gifted ka?! Hindi naman ikaw yung mahal niya" pagpaparinig ni gabb sa akin pero sakto lang na naririnig ko , malayo na kasi yung iba naming mga kasama.
"Shut up you asshole!" Singhal ko sa kanya at sinamaan siya nang tingin napakuyom na ang kamao ko dahil sa sinasabi niya nung nakaraang mga game niya pa ako hinaharrass.
"Why? Masakit bang malaman yun huh?! We didn't even deserve to win this series dahil sa ginawa mong pandadaya kielle!" Inis na katwiran niya , nilapitan ko naman siya at kinuwelyuhan pero yung hndi halata sa iba,. Yung tipong parang inaayos ko lang yung itaas na damit niya.
"Bakit sa tingin mo ba may chance tayong manalo kung hindi ko ginawa yun? Two players were down at dikit pa din ang laban but the thing is we won and it is because of me! Take note of that asshole!" Singhal ko pabalik sa kanya napatingin nalang siya sa akin at bahagyang itinulak ako nang mahina.
"Mas gugustuhin ko pang manalo ang team ng lumalaban hindi dahil sa pandadaya at paglaro ng madumi!" Rebat niya naman naglalakad na kami papuntang bench pero maliit na hakbang lang.
"Tsk what can ! expect from you?! You we're born loser but I'm not!" Ani ko sa kanya , kung siya okay lang na matalo pwes ako hindi cause lahat ng sinalihan ko na mga liga ay lagi kaming champion while sila? Lagi silang talo.
"Mas okay nang loser atleast mahal ako ng taong mahal ko and about sa sinabi mo kanina kay jaydee na you have frances? Look at the bench! Hmp see?! Hindi siya nakatingin sayo habang nakangiti , nakatingin siya kay jaydee ngayon, maaaring nasa iyo nga siya pero yung puso niya hindi" huling sinabi niya bago ako iniwan may timeout kasi kami ngayon.
EOTFB
Tuloy tuloy lang ang paglagok ko nang alak , nagkakantahan sila ngayon at umiinom din naman yung iba naming kasama.
