C8

1.2K 109 10
                                    

Lance's Pov

Sabay sabay kaming nakarating ng rest house ni jaydee dito sa bulacan at agad na kaming nagtungo sa lugar kung saan siya nag iistay ngayon , malawak kasi tong rest house niya na binili ng mommy niya para sa kanya. Nag door bell na kami ng ilang beses ngunit walang nagbubukas , kinakabahan na kami ng sobra dahil sabi nga ni abbiel kanina ay may mga sugat sa katawan si jaydee at nagdurugo pa daw ang mga paa niya dahil sa bubog na nasa sahig niya.

"Gabb? Puntahan mo nga yung caretaker nila yung babaeng matanda na naka sumbrero at hingin mo yung susi sa bahay ni jaydee sabihin mo emergency kamo" sambit ni abbie at agad nang tumakbo si gabb , ako naman ay patuloy lang sa pag doorbelle fudge jaydee buksan mo tong pintuan. Maya maya ay nakabalik na agad si gabb at agad na naming binuksan yung pintuan bumungad naman sa amin ang gulo gulong mga gamit dito sa bahay.

Fudge masama ang kutob ko ngayon ah! Agad na kaming nagtungo sa may kwarto niya at iniwasan na lamang na maapakan yung mga bubog na may mga dugo na , marahil ay naapakan ito ni jaydee ngunit makikita din namin ang mga bakas ng dugo sa may pader which means na nagwawala talaga siya. Pagbukas namin ng pintuan ng kwarto ay napahawak nalang kami sa aming mga bibig nang makita si jaydee na nakahandusay na sa may sahig ng kwarto niya at naliligo ng sarili niyang dugo ,  naglaslas nga siya.

Agad na namin siyang nilapitan at chineck ko ang pulso niya kung buhay pa ba siya , nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman ko na may pulso pa siya. Agad na namin siyang binuhat at isinakay sa kotse at dinala sa pinakamalapit na hospital , nanginginig man ang aking mga kamay sa pagdadrive ay hindi ko na ininda pa iyun gayung ang mahalaga sa akin ay ang madala sa hospital si Jaydee.

____

"Tama na kakaiyak gabb , alam kong mabubuhay pa yun si jaydee magtiwala ka lang. Kailangan mong tatagan ang loob mo." sabay hagod ko sa likod ni gabb gayung kanina pa talaga siya umiiyak simula nung makita niya na ganun ang kalagayan ni jaydee.

Itong si abbie naman ay nakayuko lang at nakatingin nang diretso sa may sahig , puro dugo na ang mga damit naming tatlo dahil nga binuhat namin si jaydee kanina. Wala na rin naman kaming pamalit kaya antayin nalang muna namin si jaydee na magising para mapanatag kami at makauwi sa aming mga tahanan.

"Kuya Abbie what happened to him? Ito na nga pala yung pinadala mong t- shirt sa akin , kasya naman ata yan sa inyong tatlo" bungad na sabi ni amanda kasama niya ngayon si laney na umiiyak din dahil sa kanyang nabalitaan.

"Salamat dito amanda ah?! Ahm nagpunta kasi kami doon sa rest house niya sa may Bulacan dahil tumawag sa akin yung assistant niya na nandoon daw siya at puro sira sira ang mga gamit niya sa bahay nung nadatnan namin siya tapos nagdurugo pa ang mga paa niya dahil naapakan niya yung nga bubog na nasa sahig , tapos ayun agad na kaming nagtungo don at pagkapasok namin sa loob nakahandusay na siya at duguan , madami siyang hiwa ng kutsilyo sa may kamay niya mukhang balak na nga niyang tapusin ang buhay niya buti nalang at naabutan pa namin siya" medyo naluluhang pagkukuwento ni abbie agad naman siyang nilapitan ni amy at laney at niyakap. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko nang makitang may tumawag sa cellphone ko at si brei nga iyon. My dearest ex , nakipaghiwalay siya sa akin nung pinanigan ko yung side ni jaydee at ngayon ay nakakapagtaka lang dahil tumatawag siya sa akin. Yes tama ang iniisip niyo , he's gay and I'm Bisexual.

OTPC

"Hello bakit ka napatawag?" Walang ganang sabi ko sa kanya , napatingin naman ako sa mga kamay ko na puro dugo sa ngayon. Di ko maiwasang mapaluha gayung what if nahuli kami ng dating? What if wala nang buhay si Jaydee nung dumating kami? Fudge! Buti nalang talaga sana maging okay yung kalagayan niya.

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now