Frances Pov
Palabas na ako ng university at nag iisa lang akong naglalakad ngayon , si coleen kasi nagpunta pa ng Library at doon na muna daw siya tatambay habang ako makikipag date kay Kielle. Mabuti naman siyang tao at sobrang napakabait plus napakagwapo pa niya kaya pinayagan ko na siyang manligaw nung umamin siya sa akin na may gusto siya sa akin. Naipakilala ko na din siya kay mommy at hindi pa nga convince si mommy that time kung totally move on na daw ba ako kay jaydee.
Syempre hindi pa talaga pero kailangan ko nang mag move forward eh tanggap ko na na hindi siguro talaga kami itinadhana , sa loob ng dalawang taon naging masaya din naman ako sa relasyon naming dalawa. At hinding hindi ko makakalimutan iyong mga nangyari hanggang sa aking pagtanda.
Napahawak naman ako sa may bandang dibdib ko dahil sa gulat nang biglaang may humawak sa may balikat ko , paglingon ko si coleen lang pala na naghahabol nang hininga dahil mukhang tumakbo siya para maabutan lang ako.
"Fudge! Ano ba yan ut-ut muntikan na akong atakihin sa puso dahil sayo! Ano sasabay kana ba sa akin? Ready kana ba maging third wheel ha ha ha" pangangantyaw ko sa kanya sumisenyas naman siya sa akin ng wait , kinuha ko nalang yung tubig ko sa may bag at tsaka inabot na sa kanya iyun. Ano ba kasing kailangan niya? Pwede nuya naman kasi akong tawagin sa malayuan para huminto ako sa paglalakad hindi yung hinabol niya pa talaga ako na dahilan upang hingalin siya ng ganto.
"Hmmp paano ko ba to sasabihin? A-ahh a-ano kasi ut-ut si j-jaydee ay nasa--" nag aalinlangang sabi ni coleen tinignan ko lang siya habang nagsasalita at nung nabanggit niya si jaydee ay nawala ang ngiti ko sa mga labi kaya bigla na akong nagsalita , ayoko nang marinig pa ang susunod niyang sasabihin.
"Hay nako ut-ut ito na naman tayo eh , ang sabi ko sayo ayoko nang mapag usapan si jaydee dahil bumabalik lang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa tuwing nababanggit yung pangalan niya" singhal ko sa kanya , hay nako coleen kailan ka ba naging ganito ka chismosa at bakit lagi ka nalang updated sa ganap at ginagawa ng ex ko? Kung hindi ko to kaibigan baka mapagkakamalan ko tong spy sa kabilang grupo.
"Wait lang kasi makinig ka muna frances? What I mean is si jaydee nasa hospital at nag aagaw buhay! Narinig ko kasi yung usapan nila Kuya lance at gabb naglaslas daw si jaydee sa rest house niya sa bulacan at ngayon ay critical ang kondisyon nito!" Napalingon naman akong muli nang diretso niyang sabihin iyun , ano si jaydee naglaslas? Fudge what the heck have you done jaydee.
"What? Saang hospital siya ngayon nakadestino? Ut-ut?" Mabilis na tanong ko sa kanya , nakaramdam ako nang sobrang pag aalala ngayon kay jaydee dahil sa nalaman ko.
"Ayun ang h-hindi ko alam ut-ut pero try kong tawagan si Kuya abbiel for sure alam niya kung nasaan si jaydee ngayon" hindi naman ako mapakali ngayon habang tinatry pang ikontak ni coleen yung Kuya niya.
"Hi girls? Ano tara na queen? Pasensya na at mukhang kanina pa ata kayo naghihintay dito sa labasan." Napatingin naman ako sa nagsalita at si kielle nga ito , biglaan ding bumungad si Kuya brei na mukhang badtrip na badtrip ngayon.
"Saan punta mo Kuya brei? Tapos na ba yung practice game niyo? At parang wala ka sa mood ngayon ah! Anyare?" Tanong ko sa kanya , nakabusangot siya at mukhang mainit ang ulo niya based sa awra niya ngayon.
"Oo tapos na frances pauwi na ako sa bahay ngayon, oh kielle nandito ka pala! Tara 1v1 tayo doon sa may court sa bahay. Pampalipas oras lang." pag aaya nito kay kielle napatingin naman ito sa akin bago tumingin muli kay kuya. Mukhang ito na ang pagkakataon ko.
"Ah Kuya brei may date kasi kami ngayon ni frances eh kaya maybe next time nalang---" pinutol ko na ang sasabihin niya nang bigla akong magsalita , hindi ko pwedeng palagpasin ang oportunidad na ito.
"Okay lang kielle next time nalang may pupuntahan din kami ngayon ni Ut-ut eh , maglaro na muna kayo ni Kuya brei , kita nalang tayo sa monday!" Pagpapalusot ko , nakita ko naman na nilakihan ako ng mata ni coleen habang nakasalpak pa din ang cellphone niya sa kanyang tenga.
"Sige mag ingat kayong dalawa ah , Tara kuya , may dala ka bang kotse? O sasabay kana sa akin?" Malungkot na tanong ni kielle kay kuya , napatingin naman ako kay coleen at mukhang alam na niya kung saan naroroon si jaydee ngayon.
"Oo may dala ako sa bahay nalang tayo magkita kielle! Nandoon din si daddy ngayon at matutuwa yun pag nakita kang dumalaw sa bahay" sabi pa ni kuya at sumakay na nga sila ng sasakyan at umalis na , napahawak naman si coleen sa may kamay ko at tinignan ko lang siya kung bakit.
"Frances?! Nasa St. Walter Medical Hospital daw sila kuya. Habang patagal ng patagal ay pababa ng pababa ang rbc count niya at delikado ang lagay ni jaydee" maikling turan niya pa sa akin na sanhi upang mapatango na lamang ako. Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa labis na pag aalala.
"Wag mong sabihin na pupunta tayo ngayon doon queen? Baka mabatukan pa kita pag umuo ka ngayon sa akin" tanong niya sa akin at bahagyang tumango nalang ako ulit bilang pag sang ayon , hinampas niya naman nang napakalakas yung balikat ko at napadaing ako dahil doon.
"Agay ko Ut-ut! Gusto ko lang siya makita kahit ngayon lang , kaya tara na please pagbigyan mo na ako okay? Tsaka sana huwag mo tong banggitin kay kuya ah o kahit kanino man" sabi ko pa sa kanya umiling iling naman siya at inirapan ako , tinago niya yung cellphone niya at akmang babalik na papasok ng university ng pigilan ko siya.
"Ut-ut naman eh dapat pala hindi ko na binalita sayo ito eh , for sure magiging marupok ka na naman at baka makipagbalikan ka pa kay jaydee kapag nakita mong kritikal ang lagay niya ngayon" sabi pa niya sa akin , umiling naman ako this time hindi na ako magiging marupok pangako ko yan sa aking sarili.
"Kasalanan mo yan napakachismosa mo kasi eh. Tara na at ako na ang magdadrive papunta doon , promise sisilipin ko lang si jaydee at walang balikan na magaganap okay?" Hinila hila ko na siya papasok ng kotse ko at wala na nga siyang nagawa kasalukuyang papunta na kami ng St. Walter Medical Hospital. Habang papalapit ng papalapit kami doon ay grabe nalang ang pagkakaba ko sa ngayon , alam kong malungkot ka jaydee pero bakit mo naman naisipang magpakamatay? Hindi matutuwa si tita na makitang ganito ang sitwasyon mo kung nabubuhay pa siya ngayon at si tito ay nevermind.
Nakarating na kami ng St. Walter Medical Hospital at naglalakad na kami paloob nagtanong na rin kami kung nasaan ngayon si Jaydee Nathaniel Garcia at sabi ng nurse ay nasa OR pa daw siya hanggang ngayon. Dali dali na kaming umakyat at nakita naman namin dito sa second floor si Kuya Abbiel na umiiyak kasama sila laney at amy na nakatingin lang sa emergency room nang diretso.
"Kuya abbiel? Wala parin po bang balita sa lagay ni jaydee ngayon? Kamusta na siya?!" Nagulat naman ako nang may biglang pumatak na luha sa aking mata nang makita kong namumugto na ang mata ni Kuya abbiel.
"Frances? Anong ginagawa mo dito sa ngayon ah?!" Tila nag aalinlangang saad niya tsaka lumapit sa amin ni coleen at binigyan ako nang mahigpit na yakap.
Argh I miss you kuya abbiel.
Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕
