Disi-otso

61 2 0
                                    

Masyadong mahaba ang biyahe kaya nakatulog na ako. Nagising ako sa boses ni Eluisar. Kaya iminulat ko ang aking mga mata. Kaagad bumungad sa akin ang kaniyang gwapong mukha na nakangiti.

"Hey wake up. We're here." Nakangiting saad niya.

Napatingin ako sa labas. Nanlaki ang mata ko ng makita kung nasaan kami. Nasa Mallows Island kami!

Nong naging kami ni Eluisar ay niregaluhan niya ako ng isla. Dito kami tumira dahil mas gusto ko kasi ang sarap ng simoy sa dagat. Dito kami naging masaya at dito rin kami nagkahiwalay.

Nakaramdam ako ng konsensiya dahil sa ginawa ko noon. How can this man forgive me despite of everything that I've done to him.. Paano niya ako magagawang mapatawag kung ako ang dahilan ng pagkawala ng anak namin.

"Hey.." Hinawakan niya ang aking mukha at ngumiti. "I bring you here to start all over again. Not to let you remember everything about past."

Muling tumulo ang luha sa aking mga mata. Oh god! Bakit ganito ang lalaking to. Bakit sa kabila ng lahat ay nagagawa niya pa rin akong mapatawad? Napapikit ako upang pakalmahin ang sarili ko.

"Pasensya na kasi palagi ko paring naalala ang lahat.." Yumuko ako. "And it kills me everything I do.."

Iniangat niya ang aking mukha at pinunasan ang luhang kumawala sa aking mga mata.

"Sshhh. When we allow our past kills us today. It leaves no room to heal. It doesn't feel good at all. Release it." Nakangiting sabi niya at hinalikan ang aking noo. "You deserve forgiveness Buen. You deserve to be happy..."

Ngumiti ako. I'm so lucky dahil nagawa niya akong mapatawad. Noon ay gabi-gabi kung ipangdadasal na sana ay mapatawad niya ako. Sa kabila pala ng hirap at sakit na naranasan ko nitong nakaraang araw ay naging balewala dahil sa sayang idinulot ng kapatawaran ni Eluisar sa akin.

Lumabas na siya ng kotse at umikot upang pagbuksan ako. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko. Naglakad na kami papunta sa bahay. Nakaramdam ako ng tuwa ng muling masilayan ang ganda ng karagatan at ang lamig ng simoy ng hangin. Napangiti ako ng tumapak na kami sa napakaputing buhangin. Ako ang magpanamgalang mallows sa isla dahil paborito ko ang marshmallows at singputi din nito ang buhangin dito.

Nang masilayan ko ang bahay na dalawang palapag ay muling nanumbalik sa akin ang masayang alaala na naroon.

"Hey.." Malambing na yumakap sa akin si Eluisar habang nagluluto ako. "It smells good." Anito habang inaamoy ang leeg ko.

"Iba ata ang ibig mong sabihin." Nakangising sabi ko.

"I guess you're right." Natatawang sabi nito.

"Umupo ka na muna don at tatapusin ko lang to." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"I want to help you with that." Malambing na sabi niya.

"Hindi ka nakakatulong dahil nakapulupot ang kamay mo sa akin!" Singhal ko sa kaniya.

Ngumuso naman ito dahil sa sigaw ko. "You're being unpredictable. I wonder if may laman na yan.." Sabi niya habang titingnan ang tiyan ko.

Kaagad kong tinapik ang kamay niya para bitawan ang beywang ko.

"Don ka nga muna ang kulit!" Saway ko sa kaniya dahil mas hinigpitan niya pa ang hawak sa beywang ko.

Nakasimangot naman siyang umupo sa hapag kainan. Napangiti ako dahil sa huling sinabi niya. Siguradong matutuwa siya pag nalaman niya ito.

Matapos magluto ay inilagay ko na ang mga pagkain sa mesa. Kaagad naman siyang napangiti ng makita ito.
Uupo na sana ko ng bigla niya akong hilahin  at pinaupo sa mga hita niya.

Her Darkest Secret (Collide Series#1)           Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon