Prologue

2 0 0
                                    


KARA LEIGH SARGON

"HOY! BAYAD MO KUKUHA KA NG BIBINGKA KO TAPOS DI KA MAGBABAYAD , EH KUNG ISUNGANGAL KO KAYA SAYO TONG TSINELAS KO HA!"
Sigaw ko dun sa punyetang kinain yung bibingka ko tapos di babayaran, hawak hawak ko ang kwelyo ng t-shirt na suot nya kaya wala syang kawala sakin.

"Ano ba yan Kara, ang aga pa lang ang ingay mo na!" sigaw sakin ni aling Bebang na nagtitinda ng mga isda dito sa palengke.

"Atleast di chismosa. Epal tong tabang to!" Sagot ko dun sa matabang si aling Bebang na pati pagkabuntis ng anak ng kapitbahay nya nakaabot dito sa palengke dahil sa pagiging chismosa nya.

"Kara tama na yan bitawan mo na ang apo ko, ako na ang magbabayad" nabalik ang atensyon ko sa lalaki at sa matandang nasa harapan ko.

Padabog kong binitawan ang lalaki at tiningnan sya ng masama. Humarap ako kay lolo para sabihing wag na nyang bayaran

"Wag nyo na pong bayaran yung kinain ng hampaslupa nyong apo lolo"nakangiti ako pero parang gusto kong pumatay dahil nabawasan na naman ang tubo ko.

Umalis at nagpasalamat ang matanda kasama yung apo nyang lalaki na kumindat pa, punyeta!

Inis akong napabalik sa pwesto ko kung nasan naroroon ang mga bibingka at suman na tinitinda ko tuwing umaga.

Hirap maging mahirap...

Pero mas mahirap maging panganay.

Dahil panganay ka kailangan mong tumayong magulang sa mga kapatid mo pag wala kang nanay. Maaga kasi kaming iniwan ni nanay nang pinanganak nya ang bunso kong kapatid kaya walang mag aalaga sa mga kapatid ko. Sa murang edad ako na ang tumayong nanay nila , buhay pa naman ang tatay kaso may sakit sya sa lungs at nagtatrabaho pa rin sa palayan kaso hindi sapat ang kita.

Tumigil ako sapag aaral kahit gusto kong makapag tapos at ang dahilan?

Syempre alam nyo na, number 1 na problema satin yang mahihirap e. Yung gusto mong mag aral pero kailangan mong unahin ang mga kapatid mo kaya ang hirap maging panganay e.

Tapos yung mga walang kwentang mayayaman sinasayang ang mga pera nila sa mga walang kwentang bagay tsk.

---

Binuhat ko ang mga balde ng isda para kay aling Bebang na di makabuhat kasi pati sarili nya kailangan nyang buhatin, ang taba e.

Nang mag tangahali ay umuwi ako para asikasuhin ang tatlo kong kapatid dahil papasok sila sa eskwelahan.

Pagkauwi ko ay sinalubong ako ng isa pang chismosa naming kapitbahay.

"Kara, Kara yung tatay mo nakikipagaway kay Nestor" napabuntong hininga na lang ako at napakamot ng marahas sa ulo ko.

Tumakbo ako kung saan nag aaway ang tatay ko at si mang Nestor

"Tay, ano ba tama na yan umuwi na ho tayo!" kunot ang noo ko at sumigaw sa tatay ko. Ayaw nyang nakikipag away kami pero sya itong madalas makipag away sa kumpare nyang si mang Nestor.

"Oh anak andyan ka na pala. Mauna ka na doon at asikasuhin mo ang mga kapatid mo" dala na rin siguro ng pagod ay di nako nakipagtalo ay padabog na naglakad palayo. Bahala sya dyan makipag away sya hanggang gusto nya peste.

Wala pa ko sa maliit naming bahay ay naririnig ko na ang iyak ng 3 taong gulang ko kapatid kaya mabilis akong naglakad papunta sa bahay namin.

Nadatnan ko ang dalawang kapatid ko na kumakain ng suman habang si Mina ay hinahanda ang mga bag nila habang buhat ang umiiyak na si Lala

"Ate bat ang tagal mo?" tanong ni Mina ang sumunod sakin 12 pa lang sya pero kailangan nya nang mag mature dahil sya ang pangalawang ate dito sa bahay.

"Marami akong binuhat na balde e. Ayos naba gamit nyo?" Tanong ko kay Mina. Kinuha ko si Lala na ayaw pa ring tumigil sa pag iyak sarap sungalngalin.

"Opo ate, alis na kami" paalam ni Mina at hinila na patayo ang dalawa ko pang kapatid na si Clara at Chichi. Tumango ako at binigyan sila nang mga suman dahil yun lang ang kaya kong ipabaon sa kanila.

Pagod akong umupo at buti na lang tumigil na sa pag iyak si Lala.

Napabuntong hininga ako at binuksan ang tv naming mas matanda pa kay tatay at nanood ng balita. Pero nainis ako ng makita kung sino ang ini-interview sa tv ngayon.

Si Prince Steel at King Harold ng lugar kung saan kami nakatira ngayon.

Gusto kong manakal nang prinsipeng nagngangalang Steel at haring itago nalang nating sa pangalan Harold. Puro kasi silang pangako na bibigyan ng maayos na buhay ang mga mahihirap na katulad ko pero hanggang ngayon ganto pa rin ang buhay ko. Pero alam ko rin na di ko pwedeng isisi sa kanila kung bakit ganto ang buhay ko.

Pero kasi di ko mapigilan.

Nagpapakasasa sila sa pera at nagpapakasarap sa palasyo nila pero kaming mga nasa ibaba nila ay parang mga alikabok lang na pwede nilang walisin. Nung nakaraan ay nabalitaan ko na lang na gusto ng prinsipeng spoiled na yan na paalisin ang lahat ng nakatira sa lugar namin dahil gusto nyang may pagtambayan ng mga tropang nyang may dugong berde.

Imagine papaalisin nya lahat ng tao dito para lang gawing tambayan, nakakapunyeta diba?

Binigyan na lang kami ng ilang buwan na palugit para maghanap ng malilipatan. Ang sarap sasaksakin sa lungs.

Sa inis ay pinatay ko ang tv at natulog kasama ang bunso kong kapatid.

Sana hindi na lang ako mahirap.

Sana andito pa si nanay.

Sana di ganto ang buhay ko.

Sana masaya ako...

Pero sana din diko hiniling to.

Dahil sa pagdilat ng mata ko di ko inaasahan iba na pala ang magiging buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SwapWhere stories live. Discover now